it's our 1st anniversary and I am planning to surprise my man kaya hito ako at busy sa pagluluto at pagba-bake ng Cake and Cupcakes ... Oh my! I am so excited
katulong ko ang aking pinakamabait na bestfriend at dahil sa supportive ito kahit busy sya ngayon ay hito sya at tinulongan ako
"Pag yang boyfriend mo ginago ka Ely ay Ewan ko nalang.. magtago sya kahit saan at ipapahanap ko Kay kamatayan yan" napatawa ako sa kamalditahan ng bestfriend ko.. kaya mahal na mahal ko ang bruhang to dahil sobrang protective into
"Mahal ako nun Lei don't worry" sabi ko nalang at nakangiting pinagmamasdan ang desinyo ng cake na ginawa ko
pagkatapos kung magLuto at magbake ay agad napatingin ako sa orasan.. alas 5 ng hapon na pala kaya agad kaming naglinis ng kusina pagkatapos ay nagbihis kunting ayos lang ng sarili
"Tara" anyaya ko sa kaibigan ko syempre isasama ko sya... dala-dala namin ang lahat ng pagkain at isinakay sa Kotse
"Hindi ka naman sobrang excited no?" sarkastikong sabi ni Leile.. Tama nga sya sobrang bilis ng pagka kamaneho ko
"Parang Hindi kana nasanay" sabi ko nalang dito at umirap sakin pero binilisan ko lalo hanggang nakarating kami sa Parking Lot ng Condo ng boyfriend ko
pagkababa ko ay agad inikot ko aking paningin sa mga sasakyan upang makompermang nandito ba ang Boyfriend kaya ayon nakita ko ang Pulang sasakyan nito so I am sure na Hindi siya umalis kaya dali-dali kaming umakyat ni Leile patungong 3rd floor kung saan nakatira ang boyfriend ko habang dala-dala ang mga pagkain
agad nag type ako ng code kaya bumukas ito.. Tahimik ang Buong paligid kaya naisip ko baka natulog ito.. Napangiti ako dahil sa suprisa ko
"ilagay muna natin to sa kusina" sabi ni Leile sakin tumanggo lang ako at dali-daling inilagay sa Lamesa ang mga Pagkain
pagkatapos ay agad na pumunta ako sa Kwarto niya nakasarado ito kaya dahan-dahan ko itong binuksan
Isang malalakas na unggol agad ang bumungad sa akin
"B-babe Faster" Boses ng babae iyon kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko
"I will babe" Hindi ako nagkakamali dahil Boses ng lalaking mahal na mahal ko ang narinig ko... Nagsimulang mamuo ang mga Luha ko at kahit na alam kung masasaktan ako sa makikita ko ay binuksan ko pa lalo ang Pinto ng kwarto
bumungad sa akin ang kwartong nagkalat ang mga damit.. Nakahubad na babae na may nakapatong na lalaking syang pinaghandaan ko ng surprisa
"ELY NAKITA MO NA --- WHAT THE HELL!"
agad na napalingon ang dalawang nagbigay sakin sa Damdamin ko ngayon sa lakas ng Boses ng kaibigan ko
"E-ely?" gulat na gulat sya ng makita ako kaya tumayo sya at akmang lalapit sakin pero Hindi ko kinaya kaya Tumakbo ako palabas ng unit nya
Ang sakit! ang sakit-sakit na makita syang nagtataksil samin sa Mismong anniversary namin.. ang taong balak kung surprisahin pero ako ang nasorpresa
..............................................................................
Hi guys :D Sana po basahin nyo ang kwentong gawa ng aking malawak na imahenasyon .. ang Lahat ng pangyayari, Lugar, tao at iba ay 100% na gawa lamang nang aking isipan Coincidence lang siguro kung may kaparehas na storya ... and TAKE NOTE: PLAGIARISM IS A CRIME
YOU ARE READING
ONE MORE CHANCE
Teen FictionCHANCE? anim na letra pero ang hirap ibigay sa isang taong minsan naring sumira nito, Kasing hirap ng tiwala na hindi mo kayang maibigay basta-basta * * * pero? pano kaya kung yung taong mahal na mahal mo ang gustong makuha ito? kaya mo kayang ibiga...
