Chapter 5 (Jealousy)

Start from the beginning
                                    

"Traffic accident. 23 year-old female, suffering from dislocated knee, possible head injury and possible contusion, currently unconscious." Sabi ng medic at inilipat na namin ang pasyente sa gurney para dalhin sa loob ng ER.

"Pulse is getting weaker! Start compressions!" Nagsimula na kami ng CPR para i-revive ang pasyente.

"Charge to 200! Clear!" Sigaw ko naman at ginamitan ito ng defibrillator.

Si Leandro naman ang nag-chest compression sa pasyente and thank goodness bumalik agad ang pulse niya.

I did intubation since her breathing is not yet stable.

"I need an X-ray, CT scan, MRI, some bloodwork and... pregnancy test. I think she's pregnant." Sabi ko sa nurse. Nakatingin sa akin si Leandro.

"Pa'no mo nasabing buntis?" Nagtataka siyang nagtanong sa akin.

"Look at her arms, maraming sugat pati ang binti at tuhod niya. She protected her abdomen area with her thighs and arms. She was in a fetal position when they found her in the car. Pino-protektahan niya ang nasa tiyan niya." He sighed and what I said made sense to him.

"But how did you know that she's in a fetal position?" Tanong pa sa akin ni Leandro.

"Again, the abdomen, inner arms, thighs and neck aren't suffering from any injury. Walang sugat." He smiled at me.

"I'll get the tests ready for her. The general surgeon is still unavailable. You know, napaka-natural mo bilang doktor. You're really smart, Evangeline." Sabi sa akin ni Leandro.

"Okay, thank you. Just monitor her vital signs. I'll just contact the trauma surgeon first, baka sakaling may available na."

Umalis ako at hindi ko sinasadyang nakitang nakahawak si Dr. Lorenzo sa wrist ni Dr. Acosta. She's awake, smiling and gleaming at Dr. Lorenzo.

And the thing is, he's smiling at her.

-=-=-=-=-=-

Nakauwi ako nang bahay na hindi nagpapaalam kay Dr. Lorenzo. Basta, nag-time-out ako kasi technically, out ko naman na talaga.

Inis na inis ako initsa ang knapsack ko sa sala at car keys ko sa table.

It's already 7 PM, at feeling ko super drained na ako. Namamanhid ang mga binti at braso ko kanina sa ER. Mabilisan kasi ang kilos at higit sa lahat, dapat mabilis ang utak.

Nakahilata sa sala si ate Elaine.

"Oh, Dr. Lopez bakit ka bad trip?" Tanong niya habang nagbabasa ng isang makapal na file na nasa blue binder.

I collapsed on the other couch. "Wala lang, Atty. Lopez. Nasasaktan lang ako." Sabi ko naman.

Napabalikwas si ate at napaharap sa akin. Tinanggal niya ang salamin niya.

"Anong nasaktan? Evangeline, ano 'yan?" Huminga ako nang malalim at umupo.

"Ate, I think... I fell in love at first sight." Sabi ko sa kanya.

Napasinghap siya. She grabbed a glass of cool soda and gulped it straightaway.

"What?! Evangeline, kelan ka pa nakahanap ng papasa sa standards mo? Sino naman ang lalaking ito? Curious talaga ako sa lalaking nakabighani sa kapatid kong choosy na akala mo eh maganda." Inirapan ko lang siya at napahinga ng malalim.

"He's the resident assigned to our group. Basta ate, ang lakas-lakas ng dating niya. Hindi ko talaga maipaliwanag 'yung atraksyon ko sa kanya. He's so mysterious at... nakakamatay 'yung dimple niya. Matangkad, moreno at higit sa lahat napakatalino niya, ate. He's... lethal. Ang ipinagtataka ko lang, never siyang ngumiti sa akin pero doon sa isang intern, todo ngiti siya."

Natawa lang si ate Elaine. "Alam mo, to be honest eh maganda ka naman talaga. Hindi ka nga lang kasing-feminine ng iba kaya hindi sila friendly sa 'yo masyado. Malakas masyado ang personality mo na minsan, threatened na ang mga lalaki sa 'yo."

"So ate, dapat bang maging mas friendly at pabebe ako? Is that it? Parang 'di ko yata kaya. Ate, hindi ko kaya mag-inarte ng ganyan. Siguro sa grooming at damit talagang maarte ako pero hindi sa kilos. Hindi ko kayang... ugh! Nakakainis na talaga."

Natawa na lang siya sa akin. "Nagseselos ka, ano?"

"Oo ate! Walang duda. Biro mo, sa lahat ng babae sa ospital nakangiti siya nang maayos, sa akin hindi."

"Gaga, syempre under ka niya. Kailangan niya kayong disiplinahin, besides, professional lang talaga ang resident na naka-assign sa inyo. 'Wag ka munang mag-assume atsaka, lumaban ka muna. I-try mo magpakita kahit konti ng motibo tapos habulin mo, o kaya ligawan mo. Pero kung wala talaga at hindi ka na masaya, sukuan mo na lang. Baka hindi talaga siya interesado sa 'yo. Baka wala ka lang talaga sa Line-of-sight niya."

Parang may palasong tumarak sa dibdib ko. Bakit parang tinamaan agad ako? Bakit para... medyo masakit?

"Ang sakit naman n'on ate, kung wala ako sa Line-of-sight niya. Mukha ba akong lalaki? Maganda naman ako at medyo okay na rin ang brains. Sexy... este slim naman ako. Dahil ba kulang ako sa dibdib?"

Naantala ang pagmuni-muni ko nang magsalita si mommy. "Oh, maghain naman kayo, ano? Nakakahiya naman sa lalaking bulas niyo hindi niyo man lang ako tulungan. Aba, marami din ako tinrabaho kanina sa law firm. Makahilata kayo akala niyo may mga katulong kayo."

I just rolled my eyes. "Ma naman, kakauwi ko pa lang litanya na agad?"

"Hoy Evangeline, tigilan mo ako sa kapilosopohan mo. Magbihis ka na at nabubwisit ako sa annulment case kanina sa firm." Reklamo ni mommy.

"Bakit ma? Ayaw ba ng settlement? Problema nga 'yan." Dagdag pa ni ate. Silang tatlo lang naman sa bahay ang nagkakaintindihan sa ganya. Biro mo, bantay-sarado ni daddy at mommy si ate n'ung kasagsagan ng review para sa bar exams nila. Guess what? My sister ranked number 11 at the bar exams five years ago.

"Nahulaan mo. Libo na yata ang annulment na dumaan sa buong buhay ko bilang abogado. Nakakawalang-gana. Wala na bang iba?"

Sumagot ako. "Anong gusto mo ma, maging defense lawyer? Ano ka, nasa TV series?" Natatawa kong sabi sa kanya habang naglalagay ng mga plato sa mesa.

"Evangeline, hindi na ako nagpa-practice ng 'Criminal Law'. Matagal ko nang iniwanan 'yan. Okay na ako sa ganito, kaso... nakakasawa lang talaga." I just smiled at my mom. Nakakatuwa siyang pakinggan about sa cases nila.

She just temporarily removed Dr. Lorenzo out of my mind.

I Got To BreatheWhere stories live. Discover now