Chapter 11

105K 3K 495
                                    

Akira's POV.

"May nagpadala nito sayo, siguro galing sa isa sa mga fans mo" sabi ni Luna sakin. Nasa condo kami ngayon.

Dalawang linggo ang mabilis na lumipas simula nung patayan ako ng ilaw sa boutique ni Luna. Muntik na ngang idemanda ni Dmitri yung mall na yun.

Dalawang linggo ko na ring hindi nakikita si Thunder. Hindi ko alam, I don't know him. He is a puzzle to me, pero somehow parang namimiss ko ang presensya sya.

I shook my head with that thought.
Stop being like this Akira!
Untag ko sa sarili ko.

You had sex with him, habang may boyfriend ka. That is too much for Dmitri!

Dmitri, I can't hurt him. I love him. I learned to love him for the past 2 years that I've been with him. Nakaahon ako sa trahedyang nangyari sakin dahil sa kanya. He never left my side, lagi syang nandyan kapag kailangan ko sya. Hindi sya kahit kelan nagalit sakin. He's always there to protect, take care, and love me. So how can I hurt him?

Infatuation.
Tama that's how I want my feelings for Thunder to be called. Infatuation.
Mawawala din ito.

"Hoy, tulala ka dyan" nabalik ang atensyon ko kay Luna nung sigawan ako nito.

"Bawal mag isip? Bawal?" sagot ko sa kanya. She just rolled her eyes on me. Pinako ko na ang atensyon ko sa kahon na binigay sakin ni Luna. "Let's see what we got here"

I opened the lid at naihagis ko iyon.

"Sht sht!" sabi ko. I am shaking so badly again.

"A-anong meron?" tanong ni Luna at tinungo ang hinagis kong box.

Pakiramdam ko ay maiiyak na ako.

Sa loob ng box may picture ko, at may kasamang patay na daga na nagkalat ang dugo sa litrato ko.

There is a letter na nakatambad at nabasa ko because it's huge and bold.

"You're gonna die, like how your son died"

That is what written in the letter.

"Damn it! Ano bang problema nitong nagpapadala sayo ng mga ganito?! Hindi naman to tulad ng dati, akala ko yung nagpapadala lang sayo ng threats ay may inggit lang sayo but since last month, pa worst ng pa worst ang pinapadala nila at fvck how did they know our address" Luna said.

Pero hindi ko makasagot at trumiple ang kaba ko ng may mag doorbell.

Sinong pupunta samin ng ala una ng madaling araw?

Nagkatinginan kami ni Luna. She's thinking what I am thinking.

Umiling ako kay Luna senyales na wag nyang bubuksan ang pinto kahit papalakas ng papalakas ang pagkatok dito. Namumuo na ang luha ko.

"I will just check it, tatawag na din ako sa guards sa baba. Wag kang matakot" Luna said in a comforting tone but it didn't help me.

Mas nanaig ang takot sakin nung maiwan akong mag isa.
Halos mapatalon ako nung marinig kong bumukas ang pinto ng unit namin.

Did Luna opened it?
Or someone broke it?

Hindi ko alam may maliit kasing pasilyo bago mag main door.

Tumayo ako sa sofa at dahan dahang naglakad.

"L-luna?" tawag ko sa kanya habang papalakad. Paliko na ko sa pasilyo ng may makabangga ako.

Sisigaw na sana ako ng

"Akira" he called me, kaya mabilis akong yumakap ng mahigpit sa kanya at hinayaan ng magbagsakan ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon