Chapter 2

135K 3.5K 1.3K
                                    

Thunder's POV.

"Ma, okay lang ba na dito muna sa inyo si Celestine. I can't bring her to Italy since may school sya" sabi ko kay mama. Ngayon ang flight namin nila Josh papuntang Italy dahil ngayon lang natuloy yung expansion namin with Mr. Ricci.

"Of course, okay na yun. Ayoko namang isama mo ang apo ko dyan kay Hailey" nakasimangot na sabi ni mama.

She doesn't like Hailey.

"Ma, you know Celestine needs a mother figure and Hailey is doing her best to be like that" sagot ko.

"So? Kailangan ba pumayag kang maging girlfriend sya, baka mamaya yayain ka bigla ng kasal nyan ay pumayag ka. Kung hindi lang sana namatay si Akira"

"Ma, enough. Wag na natin syang pag usapan. My wife is at peace now. Alam kong ito rin ang gusto nya. 2 yeard had already passed ma, Hailey is not a bad person"

Hailey is my girlfriend. Dumating sya nung time na sobrang down ko dahil kamamatay lang ni Akira which is 1 year ago. She is a great friend and companion. And last 2 months ago, nung nag decide kami na i level up na lang ang relationship.

Hindi naman dapat, pero one time I came home na umiiyak si Celestine. She's been bullied dahil wala na daw syang mommy. I know hindi masyadong valid ang reason para pumasok ako sa isang relasyon pero bilang isang ama, isa yun sa mga naisip kong paraan. Isa pa, I can't move on. Isang taon na pero nahihirapan pa rin akong tanggapin na wala na sya, na hindi na talaga sya mabubuhay pa. Maybe Hailey can be a stepping stone for me to start again.

I can't afford to be weak, kailangan ako ng anak namin. I don't want to disappoint Akira.

"Bahala ka, pero bilang isang ina, hindi ko sya gusto. Opinyon ko yun" sabi ni mama bago umalis.

"Daddy, are you going na po?" sabi ni Celestine sakin na kakalabas lang mula sa kusina.

"Yes baby, nandoon na sila papa cloud mo, I have to go na. Be a good girl okay?" sabi ko.

She smiled at me at tumango.
Noong bata sya, lahat sila sinasabing kamukha ko sya. Siguro may anggulo pero kapag ngumiti sya, kamukhang kamukha nya ang mommy nya. Si Akira, dahil sa anak namin ay kahit papano naiibsan ang pagka miss ko sa kanya.

"Yes daddy"

"May gusto ko bang pasalubong?" tanong ko.

"Wala naman po. Mag iingat ka daddy, don't leave me too" nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan. Ramdam kong takot si Celestine na magagaya ako sa mommy nya.

Just thinking about it, hanggang ngayon wala pa din silang lead on whose those heartless people that killed my wife and I freakin feel useless dahil wala akong magawa o maisip kung sino ang pwedeng gumawa nun kay Akira at Luna.

"Don't worry, babalik si daddy. You take care of yourself too" sabi ko bago sya niyakap ng mahigpit. I kissed her head bago tumayo. "Wendy, ikaw na muna ang bahala dito" sabi ko sa yaya nya.

"Oo kuya, ako ng bahala. Ingat po" sabi nya kaya tumango ako.

"Babe!" sigaw ni Hailey ng makita nya ko. Nandito na kami sa airport. We're travelling to Italy via private jet.

That's still 18 hours kahit one stop flight lang yun.

"Good, now that we're all here tara na para masulit naman natin yung pagpunta natin sa Italy" Josh.

"Geez, sinong nag aalaga kay Brent?" tanong ni Cloud.

Brent is Sanya and Josh 1 year old son.

"Sa magulang ko muna sila iniwan, atsaka gustong gusto naman nilang inaalagaan si Brent" saad ni Sanya.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now