➵ Chapter 10: Call

727 16 0
                                    

Nakakalabas na ako dito, kaso hanggang garden lang. Syempre. Hindi niya pa din ako pinapaalis, hindi ko din alam yung buong storya, pero kahit papaano kinukwentuhan ako ni Lance ng tungkol sa pamilya niya, pero kay Savannah… Ayaw na niyang pag-usapan yun. Ang huling bagay lang na nabanngit niya sa akin tungkol kay Savannah ay masungit daw sa kanya yun.

*Flashback*

 

“… tsaka si Savannah, masungit sa akin yun.” Mahinang sabi ni Lance at nilagay niya yung kamay niya doon sa bulsa ng jacket niya. Gabi na kasi kaya malamig sa garden.

“Masungit?” tumigil ako sa paglalakad at nung napansin niya, tumigil din siya.

“Oo. Naiinggit lang yun sa akin kasi ako anak ako ni mama at papa, siya hindi niya kasama yung papa niya.” Sagot niya.

“Isa pa, ikaw kumpleto ka, may mama at papa.”

Ngumiti siya at tumingin sa langit, “Physically, oo. May mama at papa ako, kumpleto kami. Emotionally, siguro na kay Savannah na yun.” Tumigil siya at tinuro yung langit kaya napatingin din ako, “Yung tipong pati buong mundo na hingiin ko mabibili pero hinding hindi sila. Sana nababayaran nalang yung pagmamahal ng mama at papa, kung ganun siguro kaya kong gawin yun.” Dagdag niya.

Maya-maya huminto na din kami sa paglalakad at pumasok na sa loob para mag hapunan.

*End of Flashback*

Pagkatapos nun, hindi na siya nag kwento tungkol kay Savannah. Ang lungkot ng buhay niya, marami ngang pera balewala kung wala kang pamilya. Kaya nga ako masayang masaya kahit na sakto lang yung buhay namin, hindi sobra, hindi din naman kulang. Basta masaya. Namiss ko tuloy bigla sina mama at papa, namimiss ko naman talaga sila, simula nung napasok ako dito, pero ngayon miss na miss at gusto ko na marinig yung boses nila. Lalo na ni mama, yung nakaka kalma niyang boses pag malungkot ako.

*Flashback*

 

*Knock! Knock!*

 

Bago ko buksan yung pintuan naginat muna ako,

“Ma. Good morning.” Bati ko.

“Good morning nak, may gagawin ka ba ngayon?” tanong ni mama. Umiling ako at napangiti naman si mama, “Gusto mong pumunta kay Darren ngayon?”

Whoa.

“Bakit naman po mama?” tanong ko.

“Mukhang malungkot ka kasi kahapon, kaya tinawagan ko si Darren para puntahan ka dito. Kaso walang sumasagot sa phone niya. Kaya kung gusto mo, papayagan ka naman naming pumunta sa kanya.” Explain ni mama, para sa akin siya ang sweetest nanay sa mundo. Sa totoo nga lang gusto kong pumunta kaso tulad ng sabi ko wala na kami,

“Mama.” sabi ko sa pinakamahinang tono na pwede.

Binigyan naman ako ng tingin ni mama na alam na alam ko, yung “may-problema-alam-ko” look.

“Break na po kami.” At doon hindi ko na napigilan, naiyak na ako. Inakap naman ako ni mama, hindi na niya ako tinanong ng kung anu-ano pa, alam niyang eto ang kailangan ko ngayon, ang umiyak. Hinahaplos niya yung buhok ko hanggang sa pag kalma ko.

*End of Flashback*

 

Mama. Kailangan kong matawagan si mama, kailangan kong masabi na okay lang ako. Lumabas ako ng kwarto at hinanap ko si Lance, magpapaalam akong tumawag. Teka, papayag ba yun? Ano ba Star! Syempre hindi. Pero dapat alam niya na ngayong pinapayagan na niya akong lumabas ng kwarto eh dapat alam niyang itago yung mga telephone para hindi ako maka-communicate.

“Lance?” dito.

“Lance?” doon.

Hindi ko siya mahanap, bukod sa malaki yung bahay nila eh wala ata talaga siya. Pumunta ako sa sala at nakita ko din yung telepono, mukhang inaantay niya akong kunin ko siya. Tumingin-tingin ako sa paligid, clear. Walang tao. Dinial ko na yung number ng bahay namin at nag ring siya, medyo matagal bago masagot.

“Hello?” sagot ng kabilang linya. Hindi to si papa… lalong hindi to si mama. Teka sino to? May nakapasok ba sa bahay? Teka, bago yun ah, magnanakaw na sumasagot ng tawag, secretary kuno. “Hello?” hindi nga sila papa or mama, kasi si Darren to, anong ginagawa niya sa bahay namin? Paano siya nakapasok? “Star? Star? Ikaw ba yan? Hello Star?”

Hindi ako sumagot.

“Star, si Darren to.”

Okay.

“Wala ang mama at papa mo dito, pumunta silang headquarters. Pang-ilang araw na nilang balik doon simula nung nawala ka… si tita… m-mama mo pala…” huminga siya ng malalim at nagsimula ng tumibok ng mabilis yung puso ko.

“Anong nangyari kay mama?” dito na ako nagsalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan na ako.

“Iyak siya ng iyak. Tuwing pumupunta sila ng HQ tapos walang balita sayo, dadating siya ng umiiyak dito at hindi siya tumitigil.” Sagot niya. At ako naman ang huminga, ng napaka lalim. Ako pa, ako pa yung wala sa tabi ni mama nung umiyak siya at umiiyak siya. Pero siya, pag umiiyak ako nandiyan siya parati sa tabi ko. Sa bagay hindi naman to mangyayari kung hindi lahat ng to nangyari.

“Bakit ka nasa bahay namin?” tanong ko sa kanya may pagka galit yung tono, ayoko namang magalit sa kanya, nandito pa din siya sa… puso ko kahit siya yung dahilan kung bakit ako nandito.

“Nung nalaman kong nawawala ka, pumunta kaagad ako sa bahay ninyo at doon naabutan ko yung mama mo na umiiyak, nasa tabi niya yung papa mo, pinapatahan niya yung mama mo. Tapos sabi ng papa mo, hahanapin ka daw niya, mag-isa lang. Gusto rin ng mama mo, kaya sabi ko ako nalang magbabantay ng bahay.” Naawa ako kay mama, hanggang nandito ako, hindi magiging okay si mama. “Pumayag naman sila tutal… sabi nila… boy— ex mo ako.” Tumigil siya at narinig ko siyang napalunok, at dito sa puso ko parang may unti-unting binabasag, yung puso ko pala yun. Pero hindi din ako babalik hanggang sa hindi ko nalalaman yung rason ni Lance kung anong ginawa sa kanya ni Darren.

“Sabihin mo kay mama… tahan na.” tumulo ang luha ko pero pinigil ko na mag tuloy tuloy yun. Mahirap na, wala si mama sa tabi ko, walang magpapatahan sa akin. “Tapos, sa kanilang dalawa ni papa na, okay lang ako dito. Babalik ako. Hindi ako sasaktan ni L—, ng kidnapper.” Ibababa ko na sana yung telepono nung narinig ko pa yung boses ni Darren, narinig kong tinawag niya yung pangalan ko, kaya binalik ko ulit yun sa tenga ko.

“Sorry. Mahal na mahal kita Star, hindi ko gusto makipag-break sayo. Star, mahal na mahal kita. Kapag nakabalik ka, Star… please, mag-usap tayo. Please. Mahal kita.”

Hindi na tumigil yung pag tulo ng luha… Darren mahal na mahal din kita, mag-uusap tayo pagdating ko diyan, aayusin natin to yung gusto kong sabihin sa kanya, pero ayokong marinig niya akong umiiyak, na nasasaktan. Binaba ko na yung telepono at bumalik na sa kwarto.

Maiintindihan ko naman si Darren, nagkamali lang si Lance kasi dati walang nakikinig sa kanya, pero ako, papakinggan ko siya. Maayos to. Maayos namin to.

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon