➵ Chapter 8: Picture

796 16 0
                                    

Hindi ko makalimutan yung pinag-usapan namin ni Lance kahapon, hindi niya kasi sinabi kung sino si Savannah tsaka gusto ko pa malaman kung ano pang meron sa kanya.

*Flashback*

“Makikinig ako. Friends tayo diba?”

“Friends nga, tsaka promise, maghintay ka lang sasabihin ko yun sayo.” Sabi niya sa akin. Maya-maya umalis na siya nung pagkakuha niya ng tray.

*End of Flashback*

*Knock! Knock!*

Huh? May kumatok? Sa pinto ng kwartong to mismo? Seryoso? Narinig ko ulit yung katok ng apat na beses, at oo tama nga, sa kwartong to mismo. Sino naman yun? Si Lance? Hindi naman kumakatok ng pintuan si Lance eh, kabute ata yun, biglang sulpot. Eh sino to? Baka naman may magnanakaw na nakapasok?! Teka, magnanakaw na kumakatok? Bago yun ah.

“Eh kung binuksan mo sana, diba Star?” rinig kong sabi ni Lance sa labas ng pinto. Ano? Si Lance yun? Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan, baka naman hindi kasi talaga si Lance yun eh. Pinihit ko yung door knob hanggang sa mag click na yun at nabuksan ko nga! Grabe.

“Hi.” Bati niya sa akin na nakangiti, yung ngiti na talaga walang halong pang-aasar o pangbabanta ng buhay ko. Bakit naman niya ginawa na buksan yung pintuan? Ibig kong sabihin, hindi na naka-lock? Nasapian na ata talaga to ng tuluyan. Kawawang Lance. “Pwede kang mamili, ilock yung pintuan o hindi.”

“Syempre hindi!” sigaw ko. “S-sorry, hindi. Hindi ko gugustuhin na malock ulit sa kwarto ng ilang araw no.” mahinahon kong sabi, mukha kasing excited na excited talaga ako dahil bukas yung pinto eh, tipong ngayon lang ako nakakita ng pintuang nabubuksan ko.

“O sige, sabi mo eh. Kain na tayo.” Tumingin ako sa kamay niya, pero wala namang tray.

“Kung hinahanap mo yung tray, wala. Doon ka kakain sa lamesa.” Sabi niya. Doon? “Tara na, ayaw mo pa?”

Akala ko wala ng mas gaganda sa kwartong pinagsta-stayan ko dito, pero napaka ganda, as in ang ganda ng kusina at ng kainan. Paano pa kaya pag yung sala na nila? Wala pa ata ako sa one fourth ng bahay na to, mukhang maliligaw pa ako dito. Tapos, si Lance lang mag-isa dito? Bumalik yung atensyon ko sa realidad nung nilagyan na ni Lance ng pinggan yung placemat ko.

“Bilisan mong kumain.” Sabi niya sa akin habang kumakain na kami. Bilang lang pala yung oras ko dito sa labas, ganun? Hindi nalang ako sumagot at kumain nalang.

Pagkatapos namin kumain, dinala ako ni Lance sa isang kwarto na pagbukas mo tatambad sayo yung… malaking sliding door na may balkonahe sa labas, madaming canvas sa paligid, paint, iba’t-ibang klase ng brush at pencil, paintings, sketches, tapos sa gilid ng kwarto may mahabang lamesa, hili-hilera yung mga picture frames, siguro family pictures nila yun.

“Art room ko.” Mahinang sabi ni Lance.

Humakbang ako ng isa papasok ng kwarto at tinignan ko yung buong lugar, kailangan ko ng jaw supporter mukhang bibigay na tong panga ko. “Ang gan…da.” Bulong ko, pero tahimik naman yung buong lugar kaya panigurado narinig niya yung sinabi ko. “Kaya kong mabuhay dito.” Dagdag ko. Tama, kaya kong mabuhay dito, at pangarap ko talagang magkaroon ng art room, kaso materials pa lang ang mahal na, tsaka yung laki ng kwarto na to, sala pati kusina na namin.

“Alam kong magugustuhan mo to, kaya dinala kita dito.”

Pumasok na ako sa kwarto at naglakad ako ng dahan-dahan, pakiramdam ko kasi nasa exhibit ako. Merong isang sketch doon na kumuha ng atensyon ko, babae siya, black at mahaba na wavy yung buhok niya, tapos ang ganda ng mata ang joyful tignan, nakangiti siya, at nakasuot ng puting damit. Matagal-tagal din akong napatigil sa gawa na yun, ang ganda, tapos parang may something pero hindi ko nalang pinansin, masyado lang siguro akong nagalingan at nagandahan doon. Maya-maya narating ko na yung parte ng kwarto na nadun yung mga pictures, at tama ako, family pictures nga.

“Tsaka yan din, kaya kita dinala dito.” Napatingin ako kay Lance, na nasa likod ko na, nung nagsalita siya. Kinuha ko yung isang picture frame na mukhang matagal na kinuhanan, “Yan, yung mama ko, eto naman yung papa ko.” Sabay turo niya sa parents niya.

“Tapos ikaw to.”  Tinuro ko yung nasa gitna doon sa picture, na si Lance, yung batang Lance. Tumingin ako sa kanya at tumango naman siya. Binaba ko na yung family picture nila at nagpatuloy akong maglakad para tignan pa yung ibang pictures, hanggang sa mapatigil ako sa picture na isang babae ulit, pero hindi siya yung nasa sketch kanina. Kinuha ko yun at pinakita ko kay Lance.

“Siya naman, si Savannah.”

Ka-ano ano niya to? Girlfriend? O kaibigan? O close friend o ano?

“Kapatid ko siya.” Sagot niya doon sa tanong sa isip ko.

“Kapatid?” ulit ko sa kanya, pero patanong, parang hindi niya kasi kamukha eh.

Mahina siyang tumawa at kinuha niya yung picture sa kamay ko, “Anak ni mama si Savannah kaso sa ibang lalaki, ako naman anak talaga nila mama at papa.” Explain niya sa akin habang nakatingin doon sa picture ni Savannah, nung kapatid niya.

“Okay… So, bakit si Savannah lang yung nakatikim ng pagkain na niluto ng mama mo?” Tanong ko sa kanya at tumingin din ako sa picture.

“Gusto kasi ni mama na babae yung anak, si Savannah mas matanda siya sa akin kaya ate ko siya, eh nung pinanganak ako, sa kasamaang palad lalaki ako eh.” Huminto siya at parehas kaming natawa sa sinabi niya, “Kaya lahat ng oras niya ginugugol niya, doon, doon sa Savannah, kay Savannah.” Huminga siya ng malalim at nagpatuloy siya, “Malayo yung loob sa akin ni mama, si papa naman wala naman parati dito sa bahay kasi inaasikaso niya yung kumpanya, kahit weekends nandun siya. Meron ngang Christmas na wala si papa…” huminto ulit siya at kinuha yung isang picture doon sa dulo ng lamesa, inabot niya sa akin yung picture, “Tapos kami lang nila mama at Savannah yung nandito. Silang… dalawa lang yung masaya.” At yung picture na inabot sa akin ni Lance ay yung picture na kung saan Christmas at magkatabi ang mama niya tsaka si Savannah, nasa gilid lang nila si Lance na obvious hindi masaya. Nakakaawa naman pala talaga si Lance, kung yung pag-aalaga ng mama niya kay Savannah eh parehas din kay Lance siguro hindi nga talaga kailangan gawin to ni Lance, yung kidnapin ako tsaka bukod dun, sigurado sana napag-usapan nila yung mga problema. Pero hanga ako kay Lance kasi—

“Alam mo ba kung para saan yung mga pictures na to, dito sa art room?” putol ni Lance sa pag-iisp ko tungkol sa pamilya niya. Umiling ako sa kanya at binalik naman niya yung picture ni Savannah kung saan niya yun kinuha, “Diba artist ka?” tanong niya sa akin. Artist ba ako?

“Hindi naman ako mayaman eh.” Sabi ko at ngumiti ako sa kanya pero sana hindi niya mabasa sa mukha ko na nanghihinayang ako.

“Hindi mo kailangan maging mayaman para maging artist, kailangan mo lang talent. So artist ka, kasi may talent ka at tsaka magaling ka.” Sabi niya at sagot din niya sa sarili niyang tanong. Pakiramdam ko tuloy namula ako dahil sa pag compliment niya sa akin.

“So para saan yung mga pictures dito sa art room?” binalik ko ulit yung tanong.

“Bilang artist, kailangan mo ng hugot, ng… inspirations.” Si Darren “Kahit hindi ganun kasaya yung memories mo sa kanila o sa kanya…” Si Darren “Basta nasa puso mo siya at ayaw mo siyang mawala…” Ayokong mawala si Darren, kaso nangyari na “Magiging inspiration mo siya sa lahat ng bagay, at sa kahit anong paraan.” 

Keep Calm This is My KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon