4. School Trouble

Depuis le début
                                    

"Of course, honey. Medyo nasunog lang pero it's good naman." I answered as I put fried egg and hotdogs on each plate. Lahat sila ay napanganga bukod kay Yusef na kumuha agad ng ulam at nilagay sa plato niya. He is the first one to take a bite.

"Medyo?", tanong ni Terrence.

"Simulan mo ko." Sagot ko naman. "Kung ayaw niyo ng niluto ko, huwag niyo kainin." Nakangiti pa rin ako at doon na napalunok si Terrence.

"Love, nagbibiro lang naman kami ng mga anak mo. Alam naman namin na masarap 'to." Pambobola niya pero ganun pa rin ang ekspresyon ko. Tinaasan niya pa ng kilay ang mga anak namin at para bang kinukumbinsi niya ito na sumang-ayon ito sa kanya.

"Dad, masarap luto ni Mommy." Yusef butted in.

"Masarap naman talaga magluto ang mommy niyo."

"Will you stop talking, love? I'm about to lose my temper." Tinawag ko si Scarlet, "Pakihanda na lang mga prutas na hiniwa ko kanina at iyon na langa ng ihain mo." Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Eat well, ayaw ko kayong nagugutom." Naglakad ako patungong hagdan.

"Kids, hindi na nga pala makakasama si mommy sa inyo sa school. Masama ang pakiramdam ko. Nandiyan naman si daddy niyo." I said as I made my exit.

*

Humiga muna ako sa kama para magpahinga. Ang dami kong talsik ng mantika sa braso. Ang baho ng buhok ko kahit nag-dry shampoo na ako kanina. Ang baho ng damit ko. Ipinikit ko muna ang mga mata ko dahil napaaga masyado ang gising ko. Pahinga muna bago maligo.

Kilala ako ni Terrence kapag nagagalit ako, hindi niya muna ako kakausapin. Mas prefer ko iyon kaysa naman magtalo kami ng husto. Halos isang oras na rin pala akong nakatulog, kinuha ko ang phone sa ibabaw ng coffee table at tiningnan ang mga text dito. Si Terrence ang bumungad sa akin, "Mag-breakfast ka na. Sorry."

Nag-effort naman palang mag-message, marunong na rin siyang mag-sorry kahit walang dahilan o may dahilan. When you finally learn to apologize without a reason, I think, that's love.

Tinawag ko na si Scarlet para ipaghanda ako ng bubble bath. Gusto kong magbabad sa bathtub.

"Ma'am ilang volume ng water ang ilalagay ko?" tanong niya sa akin.

"Two thirds from the base." I said.

"Okay, copy. Ilang surface tension ang ilalagay ko sa bubbles?" tanong niya sa akin. Napatanga na lang ako. Ano ba naman 'to, ligong ligo na ko.

"You decide, teka, do you even know what you are talking about?"

"Yes, it's pressure inside the bubble multiplied by radius over 4...." Marami pa siyang sinasabi pero nanlisik na ang mga mata ko sa kaniya. "You can leave now. Ihanda mo ang breakfast ko." Sabi ko sa kanya. "Paki-on ang music sa speaker bago ka pala lumabas."

Ipinikit ko ang mata ko, syempre bawal makatulog dahil malulunod ako ng wala sa oras.

Ayos lang na malunod sa pagmamahal huwag lang habang naliligo.

Narinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto ng bathroom, bunganga ni Scarlet 'yon, "Ano na naman?!" sigaw ko sa kanya.

"Pinapatawag po kayo sa school."

"Bakit daw?" tanong ko.

"Nakipag-away daw po si Trace." Sagot niya. Pumikit muna ako ng mariin bago nagsalita.

"Don't call Terrence. Ako na ang bahala." I paused, "You wait for me, ipahanda mo ang car sa labas." Utos ko sa kanya bago ko bilisan ang paliligo.

*

Mabilis kaming nakapunta sa school. Si Scarlet na rin ang pinag-drive ko, multi-talented itong babaeng 'to. "Where are we headed to?" tanong ko kay Scarlet habang naglalakad kaming dalawa. Naka-heels na rin ako with my ripped jeans. Heels is life. Masarap sa feeling na matangkad ka at masarap din itong pamukpok sa mga ganitong sitwasyon.

"Principal's office." Napatanga na lang ako. Bakit sa principal kaagad, hindi ba pwedeng guidance office muna. Sobrang lala ba ng ginawa ng anak ko? Okay, breathe in. Breathe out. Kailangan pa rin ng class sa ganitong sitwasyon.

Pagkadating namin ay lumapit sa akin ang umiiyak na si Trace, yumakap siya kaagad sa baywang ko. Laking gulat ko rin na nandito rin si Tyrone, ito ang pinakamabait sa kambal. Pero si Trace ang iyakin kahit matapang. Si Tyrone, kaugali ni Terrence pero hindi iyakin.

Namumula ang ilong ni Trace at pinunasan ko ang umaagos niyang luha, "Mommy is here. Tumahan ka na." pagko-comfort ko sa mga anak ko. "Sit there, and eat." Utos ko sa kanila.

"Scarlet, pakibigyan ng sandwich 'yang mga bata, at ng mamahaling juice." Naglakad ako papalapit sa mga bruhildang ito. Anong karapatan nila para paiyakin ang anak ko? Binati pa ko ng good morning ng principal at nakita ko ang nanay at 'yung batang katabi niya. Isang batang lalaking medyo mataba. Mukhang bully.

"Good morning!" bati ko sa kanila habang nakangiti.

Rule number one, maging plastik.

"Good morning, Mrs. Sy. Kamusta naman ho kayo?" tanong ng principal na 'to. Hindi ko rin siya feel, may kung anong bad energy akong nasasagap mula sa kanya.

"I'm good. Kayo ho, kamusta naman kayo?" tanong ko rin.

"Mabuti rin naman." Sagot ng principal.

"Yung mga anak mo, pagsabihan mo!" sabi sa akin ng nanay sa kaharap kong upuan.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Sanay naman akong nasasabihang maganda. Ikaw? Hindi mo ba ko sasabihan ng maganda?" sabi ko naman sa kanya, "Can we first discuss what is the issue para hindi naman ako clueless kung bakit ako nandito?" tanong ko sa kanila.

"Misis, ito pong anak niyong si Trace. Sinuntok 'tong anak ni Matilda na si Mat." Napalingon ako kay Trace.

"Is that true Trace?" syempre, kung mali naman ang anak ko mag-sosorry naman ako. Pwede ko rin bigyan ng free scholarship yung anak niya tutal mukhang hindi naman siya mukhang mayaman na mayaman.

"I only did that because he said that my mom is ugly. He said different insulting words, and I can't take that. He also said we should gave him money. Tyrone said he doesn't want to but he insisted, and grabbed Tyrone on his collar. So I fought back."

"Mukhang paniniwalaan ko ba ang anak mo?!" bwelta ni Matilda sa akin.

"Mukhang paniniwalaan ko rin ba ang anak mo?" sagot ko naman.

"At bakit hindi?!" sagot niya naman ng may gigil.

"Look, una pa lang, kasinungalingan na sinabi ng anak mo. Ugly? Itong mukha na ito pangit? Kung pangit ako, ano na lang itatawag sa'yo?" sagot ko.

Susugod siya sa akin pero hinubad ko na ang heels ko, "Subukan mo. Ibabaon ko 'to sa taba mo." Nakangiti kong sabi. Pumagitna sa amin ang principal.

"Madadaan natin ito sa mabuting usapan."

"Okay, go on." Sabi ko.

Marami siyang siansabi na hindi ko gusto. Magkamag-anak 'tong dalawang 'to, si Matilda at itong principal, "Ano bang gusto mong iparating? Mag-sorry kami ng mga anak ko. Para saan?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kung physical condition 'yang sinasabi mo, okay fine. Ipa-confine mo ang anak mo kahit isang taon pa, ako na magbabayad ng hospital bill. Sapat na siguro iyon para tumahimik ka." Huminto ako sa pagsasalita, "Never akong magso-sorry dahil mas pinaniniwalaan ko ang mga anak ko. Malaki ko silang pinaayos. Takot lang nila na magsinungaling sa akin."

"Hindi namin kailangan ng pera mo."

Napatingin na lang ako kay Matilda, "Ano bang kailangan mo? Ganda ko?" 

****

I have booksigning, you can bring your book, FMBG and MGD on September 17, 2017 at Smx Convention Center Mall of Asia at 4 to 6 pm. See you. Thanks! xoxo

Matagal ba ang update? Parang hindi naman. 

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Sep 10, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Forever Downfall (Trilogy)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant