4. School Trouble

39K 1.1K 1.2K
                                    

"Terrence, I think we need a break."

Napalingon siya sa akin mula sa kinauupuan niya. Isinarado ang laptop at inaayos ang salamin sa mata niya. I continued to apply moisturizer on my face. There's something wrong on his reaction. Weirdo?

"Baby love, do you heard me? We need a break." I said. Mas naningkit ang mata niya sa akin.

"I don't know why you insist for a break-up? Ito ba ang gusto mo, Trish?! After all we've been through, ito ang igaganti mo? Paano ang mga bata?! They still need us. Paano ako?! Bakit kailangan mo akong hiwalayan?" he said. Napanganga ako sa sinabi niya.

I said we need a break and not a break up. Ano na namang dinadrama niya? Ito na nga ba ang sinasabi ko, masyado na siyang stress sa work niya.

"Break as in vacation and not a break up. Nasaan na naman ang kokote mo? Naitapon mo ba kanina?" natawa ako. Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya. Nakasuot siya ng manipis na t-shirt at boxer shorts. Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at minasahe ito.

"Ah, I thought you were breaking up from me. Teka, mukhang namimiss ako ng misis ko ah?" tanong niya. Sumilay ang ngiti niya, bakit ba ang gwapo talaga neto. Inalis niya ang salamin sa mata at inalagay sa ibabaw ng mesa. Mas idiniin ko ang paghagod.

"You wish, hindi ka naman kamiss miss." I replied.

"Kapag ganito, hindi mo ako namimiss?" hinawakan niya ang kamay ko at inilagay ito sa labi niya. Hinalikan niya ito ng paulit ulit.

"Hindi." Tipid kong sagot.

"Saan mo ba gustong magbakasyon?" tanong niya sa akin.

"'Yung malapit lang, gusto ko beach. I don't want Palawan kasi nakapunta na tayo doon. Sa Batangas, nakapunta na rin tayo don. Saan ba maganda?" tanong ko sa kanya.

"We'll discuss this tomorrow morning...with our kids." He said.

*

Maaga akong gumising dahil kailangan ko pang mag-prepare ng breakfast ng asawa ko at ng mga anak ko. Good bye single life, bawal na ang tamad ngayon. Hindi ko rin lubos maisip na nagagawa ko na ito ngayon.

No more late na gising sa umaga, no more sleepless nights with acads. Sa ibang bagay na lang ako napupuyat ngayon. Alam na.

"Good morning, love." Bati sa akin ni Terrence pagkababa niya. Nakabihis na siya na pang-office samantalang ako ay hindi pa rin nakakaligo.

"Good morning, love." Bati ko rin sa kanya habang pinaulanan niya ko ng halik sa pisngi.

"Amoy ulam 'tong baby ko," sabi niya ng may panggigigil. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matawa siya.

Wala siya talagang mata kapag tumatawa. Bakit ang oppa naman nito?

Kung hindi niyo naitatanong, nahilig na rin ako sa kdrama. Pangtanggal ng stress sa mga anak ko at sa married life ko. Tsaka kung magiging fan girl ako, sa mga oppa na lang sa korea.

"Puntahan mo nga yung mga anak mo sa taas, at pababain mo na sila dito. Kakain na tayo." Utos ko kay Terrence na prenteng nakaupo. Sinaluduhan niya lang ako, habang ako naman ay kinuha ang dry shampoo at nagsimulang ihagod ito sa buhok ko.

Saktong pagkatapos kong gawi ang ritual sa buhok ko ay bumaba na ang mga bata.

"Mommy!" sigaw ng kambal at ni baby girl.

"Give me a kiss," aya ko sa kanila. Isa isa silang nagsilapitan sa akin at niyakap at hinalikan ako. Si Yusef naman ay tahimik lang na sumunod kagaya nila.

Inihain ng kasambahay namin ang mga pagkain na niluto ko, "Mom, is that edible?" tanong ni Trace pagkakita sa itlog na prito. Napangiwi siya, at narinig ko ang mahinang tawa ni Terrence.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Downfall (Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon