2. The Invitation

75.3K 2.6K 1.4K
                                    

"Trish, wait!"

Inis na inis ako noong naiharang niya pa ang kamay niya sa pasaradong pintuan ng elevator. I closed my eyes and expelled a heavy breath. I should breathe out those deleterious vibes. Nainis ako lalo noong wala man lang akong narinig sa kanya hanggang makarating kami sa desired floor unit ng office niya. Imbis na suyuin ako ay sipol lang siya nang sipol.

"Can you stop whistling, hindi ka lang nakakabwisit ay nakakadagdag ka pa sa polusyon," pahayag ko na nakapagpatigil sa ginawa niya. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin habang masayang masaya ang mukha.

"Eww, ialis mo nga 'yang kamay mo, ang bigat bigat!" reklamo ko at mabilis na naglakad papalayo sa kanya.

"Arte, mabango naman ako." Pabulong nasabi niya na nakarating pa rin sa matalas kong pandinig.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo sa mga bata na naglalaro doon sa office niya. Nakakalat ang mga papel sa flooring at sa table ni Terrence. Si Lacey ay nakaupo sa table. Si Trace ay naglalaro sa computer. Si Tyrone ay nagbabasa ng libro at si Yusef ay may hawak na bola. Wait, saan niya nakuha ang bola?

"Mom, I miss you..." nagpakarga kaagad sa akin siLacey. My goodness, patagal nang patagal ay bumibigat na ang bunso ko.

"Lacey baby, daddy's here." Niyakap ako sa likod ni Terrence habang karga ko si Lacey. Humalik pa ito sa batok ko. "Buhat kani daddy, mukhang nahihirapan si mommy sa'yo, e. Alam mo naman, strong si daddy unlike mommy." Humagikgik ang bata sa sinabi ng ama.

"Let's eat outside, kids. Kumain na ang daddy niyo, I'm very sad to say that he can't come with us. May work pa siya besides nakakain na siya." Malungkot na pahayag ko pero sa loob loob ko ay naiinis pa rin ako sa kanya.

"Okay, mom," sagot ni Tyrone, lumingon siya sa ama niya, "Daddy, we came here just to visit you. Kuya Yusef and I is hungry already. We're going to eat outside," pinalapit siya ni Terrence para guluhin ang buhok.

"Dad, are you sure you'll not going with us?" tanong ni Trace.

Tumingin sa akin si Terrence at ngumiti pa ang loko, "Of course not, daddy is so hungry kaya sasama ako sa inyo." Napatingin sa akin ang mga anak ko. So ako pa ang sinungaling bandang huli, "Your mom is mad at me because she thought I'd already eat. But of course, I love your mom so I can't answer no to this lunch date. Right, baby?" nagsmile lang ako ng pilit dahil ayoko naman na malaman ng mga anak ko na hindi kami ayos ng tatay nila.

Marami na naming nagbubulungan noong madaan kami sa mga cubicles ng mga empleyado, kesyo relationship goals daw kami. Mga ganon. Mga echosera.

"May work ka di'ba?" tanong ko sa kanya pagkasakay niya ng driver's seat, gamit niya ang kotse niya na kung saan kami nakasakay ngayon, "Huwag mo akong nginingitian." Sita ko.

"Why? What's wrong with smiling? Pinagbabawal na ba?" tanong niyang nakakaloko. Alam ng Diyos kung gaano ako nagtitimpi sa oras na ito. Gusto ko siyang suntukin sa braso kagaya ng ginagawa ko kapag naiinis sa kanya pero hindi ko magawa dahil baka akalain ng mga anak naming na nag-aaway kami. We don't want that to happen.

"Hindi, ang cute cute mo kasi," sabi ko sabay nilapirot ng dalawang kamay ko ang dalawang pisngi niya. Ini-stretch ko pa ito para naman maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal, hindi ko ito tinigilan hanggang hindi ito namumula.

"Daddy, are you okay?" tanong ni Tyrone sa kanya. Napatigil ako sa pagpisil ko ng mukha niya. Sinamaan ko ng tingin si Terrence kaya naman nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig.

"I'm okay, sweetheart. Namiss lang ako ng mommy niyo." Paliwanag niya.

"Dad, can I pinch your cheeks too?" tanong ni Lacey na nasa lap ko. Nasa shot gun seat ako habang ang tatlong batang lalaki ay nasa back seat. Natawa ako sa tinuran niLacey, very good talaga ang anak ko.

Forever Downfall (Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon