Hahabulin ko pa sana sya pero narinig ko ang boses ni Papa. "Sam." bumagsak ang mga balikat ko dahil sa lungkot at pagkadismaya. "Hayaan mo muna si Grace, sigurado akong nabigla sya," wala na akong nagawa kundi ang sumunod kay Papa. Sinamahan ko sya sa opisina nya at pinagusapan namin ang asksyon na gagawin kay Paulo.

"Nakafreeze na ang mga bank accounts ni Paulo pati sa kapatid nya kaya sooner or later ay mababawi nyo na ang lahat lahat," paliwanag ni Laura.

Si Laura ang company lawyer namin. Take note, ang bata pa ni Laura at sobrang ganda. Pero alam nyo ba ang una kong napansin sa kanya? Syempre yung ang mga dimples nya.

"Very well," nakahinga ng maluwag si Papa at pinagsalikop ang kanyang kamay. "I want him rot in jail!"

"But let us not be surpise kapag nakapagpyansa si Paulo dahil may kaukulang bail ang kaso nya," dagdag ni Laura. "At kapag nakapagbigay na ng official statement at documents ang bangko ay maari na natin syang sampahan ng mas mabigat na kaso," dumikwatro ang magandang abogada bago tumingin sakin. "Dahil kung tutuusin, what Ms. Sam Imperial did was illegal dahil hinack nyo ang system ng bangko."

"Magkakaproblema ba tayo kay Sam?" nagaalalang tanong ni Mama.

Ngumiti si Laura habang nakatingin sa laptop at pinagaaralan ang kaso. "Wala naman siguro tayong magiging problema since tayo lang naman ang nakakaalam about that,"

"Anyway Ms. Laura," singit ko sa usapan. "Ano kaya ang pwede nating isampa kay Paulo about stalking?" napakunot ang noo ni Laura. "May mga pictures sya ni Grace. All of them are stolen. He clearly invaded someone else privacy,"

"It's a crime," matuwid na tumayo si Laura at ang kanyang daliri ay tumapiktapik sa kanyang mapupula na labi. "A criminal harassament is an offence in the Criminal Code. It is harassing behaviour that includes stalking."

"Makukulong din ba sya sa kaso na yon?"

"It depends on the facts and the seriousness of the behavior," seryosong sagot ni Laura. "But if the accused person found guilty then the judge will decide the sentence and Grace can file a restraining order."

Parang slow motion na nagbukas ang elevator at lahat ng tao ay nakatingin sa direksyon ko lalo pa at nakabuntot sakin sina B1 at B2. Sa itsura ng mga mukha nila ay malamang na alam na nila kung ano ang nangyari kay Paulo at kung ano talaga ang tunay kong pagkatao. Siguro kaming dalawa ni Paulo ang main at hot topic ng mga chismoso at chismosa sa loob ng elevator.

"Gwen.." mahina kong tawag sa pangalan ng isa sa itinuturing kong kaibigan dito sa kumpanya.

Lumingon sya sakin habang may nginunguyang pagkain. As usual. "Sam!" pinahid ni Gwen ang bibig nya at saka excited tumayo. "Or should i say. Ms. Sam Imperial." napatingin sya sa mga body guards ko. "Now i know kung bakit may nakabantay sa kotse mo nong pinakuha mo sakin yung extra tshirt,"

Sumaludo sina B1 at B2 kay Gwen. "Yeah," ang tangi kong nasabi. "And please just call me Sam, ako parin naman yung Sam na una mong nakilala. Wala namang magbabago." isang malaking ngiti ang sinagot ni Gwen. "Hmm. Nasa opisina ba si Grace?"

May pagaalinlangan sa mga mata ni Gwen. Hindi naman siguro sya bulag para hindi mapagtanto kung ano ba ang namamagitan samin ni Grace. "Wala sya. Maaga syang umalis pagkatapos ng conference."

"Umuwi na sya?"

Napakibit balikat si Gwen. "I'm not sure. Maybe."

"Okay," dismayado kong sabi. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ganon ba talaga sya kagalit sa ginawa ko at ayaw nya na akong makita, ni hindi nya nga ako kayang tignan ng daretso. "Salamat,"

The Undercover Heiress (lesbian)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ