Chapter 44 : Arcade

81 0 0
                                    

Chap. 44 –Arcade

“Saan mo pa gusto pumunta?”

“Hmm, Gusto ko mag-arcade!”

“Ikaw mag-aarcade sa ganyang suot?! Kaya mo ba?”

“Oo naman noh! Ahaha, ako pa!”

Nasa tapat na kami ng escalator bago ako humakbang, hinarangan nga ako.

“Dito ka nga sa lefty side ko, ang daming asungot na tumitingin sayo eh baka pati sa baba may nakatingin pa sayo, silipan ka pa ng mga yan.”

Nilipat nya ako sa left side at dumikit ng mabuti sakin. Hawak nya akos a waist at sinisigurado na walang makakasilip sakin.

“Ayos, inaalalayan ako ng baboy ko. ahahaha.”

“Syempre, baka may matanaw sayo eh! Ahaha.”

At nakarating na rin kami sa Quantum.

“Magkano papapalit mo?”

“Hmm, P20 siguro muna.”

“Sige ganun na rin ako.”

Ang inuna kong laruin ay yung basketball. Maiisip nyo nga ba naman na makakapaglaro ako ng basketball habang nakadress? Ahaha, medyo nakakatawang tingnan pero kayak o yun noh!

“Sure ka makakapaglaro ka nyan habang nakadress ka? ahaha.”

“Oo naman, favorite ko to eh. Ahaha. Gusto mo magtry?”

“Sige panonoorin ko na lang pano maglaro ang sisiw ng bola. Ahaha!”

At umariba na ako! Kada laro ko, umaabot ako hanggang stage 3! Hindi bumababa ng 200 ang score ko nakakatawa pero babae ako ha! Ahaha. Naubos ko na yung P20 na tokens ko at bumili na naman ako.

“Tara Time Crisis tayo!”

“Grabe adik ka pala sa arcade noh! Daig mo pa yung ibang kahilera mo na babae eh, lika nga ditto punasan mo muna pawis mo.”

“Ahaha, diba nga dati akong lalaki nagpasex change lang ako. JOKE!”

“Hindi ka nga lalaki ang kulet!”

“Ahaha, oo na potaralaro na tayo!”

“Babawi ako dito. Ahaha nilalaro ko rin to eh.”

“Ahaha tingnan natin kung sino matitira!”

Mani lang tong laro na to para sa akin pero hinayaan ko syang bumaril kasama ko. nakakatuwang tingnan na sabay kaming naglalaro nung isa sa favorite kong laro sa arcade.

“Hala dead na ako!”

Inabutan nya ako ng token

“Oh dali para sabay pa rin tayong naglalaro!”

“Oo dali!”

“Thank you!”

Pareho kaming serious sa ginagawa namin. At maya-maya sya naman ang nadeads

“Hala talo ka na wala na akong token eh, dapat hindi mo na binigay sakin yung token mo ayan tuloy deads ka na.”

“Okay lang yan, aantayin na lang kitang matapos.”

Habang hinihintay nya ako, nilabas nya ang phone nya at pinicturan ako! Eto ang 2nd time na pinicturan ako ng guy na nagbabaril. Ang unang gumawa sakin nun eh yung ex ko na si Christian de Vera.

Hindi man kami tumagal ng sobra nun, masasabi ko na minahal nya ako kahit na may oras  na hindi kami nagkaka-intindihan.

Recoiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon