Chapter 11 : Changes

111 0 0
                                    

Chap. 11 – Changes

Habang tumatagal hindi ko na sya maintindihan! Anak ng tokwa! Gyne, ang pangungulit mo noon bakit nagiging sweet ngayon? Ang dating akala ko bakla, pilyong lalaki na ngayon. Maling akala na isipn kong bakla sya dahil sa pictures nya, pero pag nakilala mo sya ng lubos dun mo na malalaman kung gaano sya kakulit at waaaah.

I admit, sweet sya. at yun ang hindi ko matanggap!

Sa hindi maipaliwanag na dahilan eh naiirita ako kapag oras na ng klase. Alam nyo kung bakit? Ang Micah na ito ay grabe kung makadikit kay Gyne. Ate tao ka hindi linta! Alam mo ba yun?! Makikita mo na lang kasi na habang nakikinig si Gyne eh sya naman grabe ang lapit kay Gyne kunwaring hindi marinig ang prof kaya lumalapit.

Pwede pakipot ha -_- at ate babae ka po wag ka pahalata. Kahit ako maging lalaki maiilang ako sa’yo!

Nagulat ako biglang lumingon si Gyne! Iwas tingin naman ako, at sumulyap saglit nakatingin sya sakin na parang inaabangan ako tumingin ulit!

Nagvibrate na naman phone ko na naman, si Gyne nagsisimula na namang mangulit. Oh jusme! Pag ba walang magawa ako agad kukulitin nya? -_-

Lagoot, tapos na ang class namin didikit na naman tong baboy na to at aasarin ako. Nagsoundtrip ako at hindi ko kunwari alam na papunta na sya sakin.

Pagtabi nya sa upuan ko….

“Oh ano yang pinapakinggan mo?”

Dedma kunwari walang naririnig. Hahaha! Pero nagulat ako sinundot ang leki ko!

“Ai kabayo!”

“Kabayo ka dyan! Ahahah!”

“Sorry naman baboy pala dapat. Ahahaha!”

“Sisiw! Hahaha. Ano ba yan?”

Now playing : Decode

“Palitan mo nga yan ang rocker nito”

Pinalitan nya nga yung kanta, ang pinili nya eh Statue. Tinanggal nya ang headset kaya naka speaker mode na yung phone ko.

“Ang senti ng trip ko ah. Ahaha”

“Kesa maging rocker na sisiw. :p”

Ugoks! Ahaha sarap mo talagang upakan, pasalamat ka hindi ko magawa yun sayo.:’> ♥

Habang nakikinig kami, hinawakan nya ang kamay ko at yumuko. OMG! Hello kilig vibes! Feeling ko parang ako na yung title nung song, STATUE! Nanigas ako bigla na parang waaah!

“Bitawan mo nga yung kamay ko! ahaha Landi nito!”

“Landi ka dyan!” bgila syang nagpout at nagsingkit-singkitan!

“Ai ewan ko sayo! Bahala ka nga dyan.”

Yumuko sya ulit, bat ang lakas na ng topak mo? May pahawak hawak ka na ngayon sa kamay ko? hindi to libre ha! Joke lang, pero yung oras yun, feeling ko yun ang unang beses na naging sweet sya ng bongga sakin. Alam kong hindi to tama dahil hindi naman kami, pero hindi ko magawa pang itaboy sya sa tabi ko.

Dahil sa mga oras na to, ang alam ko ito ang isa sa pinaka masayang araw ko bilang college student.

“Huy andyan na yung prof natin bumalik ka na sa pwesto mo”

“Sa tabi nung Micah na yun.” Pabulong kong sinabi

“May sinabi ka?”

“wala noh! Guni-guni mo lang yun baboy! Ahaha”

“ahaha tumigil ka angry bird baka halikan kita eh.”

Tama ba yung nairinig ko? hindi ba ako nabingi?! Baka halikan nya ako? Oh my goodness! Pati mga hirit nya sakin tumindi na!

“Bumalik ka na nga don bago pa kita katayin! Ahaha, peace tayo.”

“Bye baby. Wag ka na makipag daldalan dyan sa pwesto mo ah!’

“opo GAY este Gyne!

“humirit ka pa nang mahalikan talaga kita!”

Recoiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon