Chapter 16 :Walked Together

107 1 0
                                    

Chap.16 –  Walked Together

Nakita ko si Gyne na naglalakad papunta sakin. Bat mag-isa lang yun ?  OMG, tumutibok ng mabilis ang puso ko….

“Zhaymi wait mo ko dyan.”

Pasigaw na sabi ni Gyne, so anu pa nga ba ang ginawa ko? edi hinintay ko sya, baka kasi magpasama na naman ulit.ahahaha!

At hayan na sya sa harap ko, medyo hinihingal sya kasi binilisan nya ang paglalakad.

“Magppunas ka ng pawis mo, tumutulo na eh.”

Pero ako ang nagpunas ng pawis nya! ahaha, FAIL.

“Ako na, ahaha para naman akong bata nyan eh.”

“Edi ikaw na. ahaha oh bakit mo nga pala ako tinawag?”

“Pauwi ka na diba? Sabay sana ako sayo.”

Nakasmile sya habang sinasabi nya sakin yun. At pacute pa! ahahah

“Haha, sure!”

“Ikaw lang lagi mag-isa umuuwi?”

“oo eh.aheheh.”

“Eh bakit hindi ka sumama kila Rhea?”

“Eh bawal eh. Ahehe, kelangan ko umuwi ng maaga baka kasi bawasan ni mom allowance ko.”

“Pango ka kasi! Ahaha.Tara na nga.”

“Che ewan ko sayo! Ahaha. Mayabang na baboy!”

Ang kulit na naman namin para kaming maga bata, bungguan habang naglalakad! Ahaha

Pero, habang naglalakad kami lagi nya akong inaalalayan. Hinawakan nya ang kamay ko at tumawid kaming dalawa.

Habang naghihintay kami ng sasakyan namin pauwi, pinapayungan nya ako.:’>

“Ang init grabe!” sabi ni Gyne habang nagpapaypay gamit ang panyo nya.

“Oo nga eh.  Ano nga pala sinasakyan mo pauwi?”

“Bus po pango.”

“Bus papuntang?”

“Fairview.”

“Ha? Eh kakadaan lang nung bus paFairview ah?”

“Ayoko ng naka aircon eh, nahihilo kasi ako.baka isuka ko lang sa katabi ko! ahahaha”

“Haha kaya pala. Oh yan hindi naka aircon sumakay ka na..”

“Ayoko, andito ka pa kasi eh. Hindi kita pwedeng iwan ng nag-iisa dito, ikaw saan sakay mo? =)”

Ang sweet! ♥ hahah, ayan ang tunay na lalaki. Hindi iniiwan ang babae at hindi inuuna ang sarili!

“Ahahah, naks naman oh. Okay lang naman ako dito eh. Okay lang sakin kung mauna ka na.  Jip papuntang tayuman.”

“Wag ka makulit!”

Piningot nya ang ilong ko! ang sakit, ahahaha. Kainis to.

“Oh eto na yung sasakyan ko. bye. =)”

“Ingat baby eto na rin yung bus na sasakyan ko.”

Inalalayan nya ako sumakay ng jip at sumakay na sya.

Nagtext sya sakin.

“Bye baby, take care ha? Wag ka muna magtext sa byahe. Text mo ko pagka-uwi mo ha. :* ”

Recoiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon