Chapter 34 part 1

344K 3.1K 130
                                    

A/N

Pasensiya na po ang konti ng mga ud ko this week, sinisingit ko lang po sa busy schedule ^ ^

 

Chapter 34

“Friend okay na ba kayong mag-asawa?” curious na tanong ni Emily.

“Hindi ko alam, naguguluhan pa rin ako.” Sabay iling ng ulo nya.

“Ano ba ang sabi nya? Bakit ka nya sinundan dito?”

“Babawi daw sya sa mga pagkukulang nya. Then…”

“Then what?” hindi na makapaghintay sa sasabihin ng kaibigan.

Natawa si Althea sa kaibigan. “Alam mo ikaw mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago, masyado kang nagmamadali lagi.”

“Ikaw naman kasi ang hilig mo ng mga suspense.” Naka ingos ito sa kanya.

“He asked for forgiveness. Hindi na daw nya ako papaiyakin.” Mahinang sabi ni Althea. Baka kasi biglang bumalik si Gabriel ay marinig nito na pina-uusapan nila sya.

Nanlaki ang mga mata ni Emily pagkarinig sa sinabi ng kaibigan.

“Really?!” hindi sya makapaniwala na ang isang Gabriel Monteverde ay magpapakumbaba ng ganun.

Tumango lamang si Althea.

“Friend one more question” nakangising hirit pa ni Emily.

“Ano ka ba? Baka abutan tayo nun.” Sabay tingin sa direksiyon kung saan lumabas si Gabriel.

Hindi pinansin ni Emily ang kaibigan. “May nangyari nab a sa inyo?” nakakalokong ngiti ang pinakwalan nito.

Pagkarinig sa tanong ng kaibigan ay nag-blush si Althea. Ang babae talagang ito wala palalampasin.

“Hala Thea nagba blush ka. I think something happened last night.” Sabay kindat nito.

“Alam mo ikaw daig mo pa ang mga reporters kung makapagtanong.”

Lalo lamang natawa si Emily. Iniinis lang naman nya si Althea dahil sya ang nakakaalam sa totoong feelings nito kay Gabriel.

“Bakit nga pala ang tagal ng asawa mo? Sino kaya ang tumawag?”

Nagkibit balikat na lang si Althea.

Hindi naman nagtagal sinaluhan na sila uli ni Gabriel sa pagkain.

Nang mapansin nito na wala ng kanin ang asawa sa plato ay muli nyang nilagyan ito.

“You have to eat a lot sweetheart.” Nag-aalala na naman ang tinig nito.

“I’m full Gab, ang dami ko na ngang nakain.” Reklamo ni Althea.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon