Chapter 8

425K 4.1K 357
                                    

A/N

Happy reading ^ ^ Please vote or comment po kung nagustuhan nyo. Thanks 

Maybe ang next UD po next week na. 

Nang makita ni Gabriel si Althea ay agad nyang inilayo si Marian sa kanya.

“The table is ready.” Pag anunsiyo nya sa mga ito at nauna ng lumakad.

Nagulat si Althea ng bigla syang akbayan ng asawa at sabay silang pumunta sa dining room.

Nakasunod lamang si Marian sa kanila at matalim ang tingin kay Althea.

Nanghihina si Althea ng dumulog sa hapag kainan hindi nya alam kung saan sya kumuha ng ganun kahabang pasensya para hindi magwala sa nasaksihang eksena.

Tahimik lamang syang kumain wala syang ganang makipagpalitan ng kahit na anong salita sa dalawa.

“Gabby lagyan mo naman ako ng food sa plate ko.” Malambing na sabi ni Marian.

Napapailing na lamang si Gabriel. Nakatingin sya sa asawang tahimik na kumakain. Very impressive ang ugali ng asawa hindi ito nakipag away sa kabila ng mga insultong natanggap kay Marian.

“Nana Chato!” tawag ni Gabriel sa matanda.

Nagmamadaling pumasok ang matanda sa dining room.

“Bakit hijo?”

“Pakiasikaso po si Marian.”

Naguguluhang napatingin ang matanda sa bisita.

Naiinis na tumingin si Marian kay Gabriel.

“Ano po ang kailangan nyo Maam?” magalang na tanong ng matanda kay Marian.

Nakikiramdam lang si Althea sa mga kasamang kumakain.

“I don’t need you here old lady!” sigaw ni Marian kay Nana Chato.

Pinaglagay pa ng pagkain ni Gabriel si Althea sa pinggan nito.

“Kumain ka ng marami, parang ginugutom mo sarili mo kapag wala ako dito.” Malambing nitong sabi kay Althea.

Inis na inis si Marian. Nakita nya kung paano asikasuhin ni Gabriel si Althea siya dapat ang nasa pwesto nito.

Dahill sa inis sa nakikitang paglalambing ni Gabriel kay Althea ay walang sabi sabing tumayo ito at nagmartsang umalis.

“You deserve it.” Bulong ni Gabriel na hindi naman nakaligtas sa pbadinig ni Althea.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon