Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy, "And you know what, Tydrick? 'Yong electric guitar na 'yan ang nagsisilbing alaala niya sa mga magulang niya. But she was willing to sacrifice it just to fucking save your ass. Pero kahit ganoon na ang naging offer niya sa mga gustong pumatay sa'yo, hindi pa rin sila nagpaawat sa balak nila kaya pinatay nila ang girlfriend mo."

"Kaya kung sino man ang dapat sisihin sa pagkamatay ng girlfriend mo..." lumapit sa'kin si Kuya Gary bago nagpatuloy, "Ikaw 'yon, Tj. You're the reason why she's gone."

My knees grow weak as reality strikes. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Everything took me unawares. Nanghihina akong iniisip at pinoproseso ang lahat ng narinig ko. Different emotions invaded my system. Galit, inis, at kalungkutan.

Parang gusto ko na ring mamatay nang mga oras na 'yon. Kinakain ako ng guilt at paulit-ulit akong humihingi ng tawad as tears ran across my cheeks.

I was to blame indeed. Totoong may nakaaway ako noon at kung hindi rin dahil sa pag-awat sa'kin ni Justine ay malamang nagkabugbugan na. Kung hindi rin dahil sa pagiging mayabang ko ay hindi sana nauwi sa ganito.

She wouldn't have to sacrifice her electric guitar.

She would have been alive and beside me, performing right here on stage.

May huli pang sinabi sa'kin si Kuya Gary bago ang performance namin. Ang request sa'kin ni Justine na gamitin ang electric guitar niya sa comeback stage ng banda at ang tugtugin ang favorite naming kanta kapag nagja-jamming kami.


Summer has come and passed

The innocent can never last

Wake me up when September ends


Dahil parehong September namatay ang mga tatay naming dalawa, ito ang naging kanta namin tuwing September. Two years ago ng September rin siya namatay. Ayaw ko na sanang kantahin 'to but I want to fulfill her last wish.

Even though it breaks my heart to sing this song without her. And it kills me inside that it's hard for me to sing every line.

Ako rin ang vocalist ngayong gabi. Pinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang unti-unting pagbuhay ng banda sa kanta. Parang hinahagod nito ang puso ng bawat taong nanonood sa'min at pinapakalma ang mga puso nilang may kanya-kanyang dinadamdam.


Here comes the rain again

Falling from the stars

Drenched in my pain again

Becoming who we are


As my memory rests

But never forgets what I lost

Wake me up when September ends


Sinimulan kong tugtugin ang electric guitar ni Justine. Mga ilang saglit pa ay lumabas na ang kanya-kanyang aura ng mga instrumento. Sa pagda-drum ni Kuya Gary ay lumabas ang orange fire aura, yellow ice aura naman doon sa isa pang electric guitarist, at green fire aura sa gitarista. The auras intermixed in the mid air and the crowd went crazy.

Kumunot ang noo ko at nagtaka. Bakit walang lumabas na aura sa electric guitar ni Justine kahit pa tinutugtog ko na 'to?


Ring out the bells again

Like we did when spring began

Wake me up when September ends

Every StringМесто, где живут истории. Откройте их для себя