Part One

62 4 13
                                        

"It is not just an instrument, Tydrick..." ani Kuya Gary when I was about to throw out my late girlfriend's electric guitar.

Walang gana ko siyang nilingon, "For me, it is."

Hinawakan niya ang isang balikat ko para pigilan at pinaharap sa kanya, "I won't let you do that, Tj. Kahit pa ikaw boyfriend ka ni Justine!"

Justine got into a serious fight because of this thing. Kinukuha sa kanya ito nang pilit but she refused that's why she was beaten up to death. Pero hindi rin nakuha ito dahil dumating na ang mga pulis para rumesponde.

Tinawagan ako ni Kuya Gary who happens to be my brother and bandmate of my late girlfriend. Halos basagin ko ang bungo ng mga nambugbog sa girlfriend ko pero pinigilan ako ni Kuya Gary at pinasama na lang sa paghatid sa ospital si Justine. Nanginginig ang buong sistema ko habang pinagmamasdan ang estado niya.

Nanlambot ako nang makita ko ang mga tinamo niya. She got wounds and bruises all over his face and body. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya na nangangalumata at hirap huminga. Her heavy breathing makes it more painful for me to gaze on her. Parang tinutusok ang puso ko ng sandamakmak na karayom habang pinagmamasdan ko siyang nakahiga sa stretcher at hinihila ito papuntang ER.

"Please hold on, baby..." namamaos kong sabi at nanggigilid ang luha ko, "Don't leave me, Justine..."

"Sorry, Sir. Hanggang dito na lang po kayo..." utas ng nurse at tuluyan na akong naiwan sa labas nang maipasok siya sa loob.

Ilang oras akong naghintay sa labas ng ER. Kahit pa naiwan na kong mag-isa roon at pinapauwi na ni Kuya Gary ay nagmatigas ako.

Only to find out from the doctor that she didn't make it. She died due to several complications at dahil na rin sa tindi sa pagkakabugbog sa kanya.

Even now that it's been two years since she died, I'm still blaming this stupid electric guitar for her death. Kung hindi dahil sa bagay na 'to, hindi sana nangyari ang lahat ng 'to. If it weren't for this electric guitar, she would have been alive and we're making our dreams into reality.

"Baka nakakalimutan mong kung hindi dahil sa music at electric guitar na 'to, hindi kayo magkakakilala," ani Kuya Gary.

Oo, kung hindi nga dahil sa electric guitar na 'to at sa pagiging into music ko, hindi magkukrus ang landas naming dalawa ni Justine. Pareho kami ng instrumentong tinutugtog at 'yon ay ang electric guitar. And true enough, hindi nga lang basta instrumento ang mga ito sa'min.

Music is totally different in our world.

Madalas akong mag-aral ng musika nang mag-isa. I enjoy my own company. Paminsan-minsan ay nakakasama ko si Kuya Gary 'pag wala siyang gig. But most of the time, ako lang talaga mag-isa.

But everything changed when Justine walked into my life.

"New here?" mag-isa lang akong nakaupo at pinag-aaralan ang isang electric guitar tabs ng "Boulevard of Broken Dreams" ng Green Day nang lumapit siya sa'kin.

Kahit walang tumutugtog na kanta noon ay may naririnig ako sa mga tainga ko. That's her effect on me.

Tinanggal niya sa pagkakasukbit ang gitara niya sa likod niya. Umupo siya sa tabi ko habang ako ay tulala pa rin nakatitig sa kanya. And for the first time, she gave me a warm smile that filled my heart with gladness.

"Tj, right?" she tilted her head and stared intently into my eyes.

"U-Uhh..." sobrang lutang man ako ngayong nasa harapan ko siya ay nagawa ko pa ring tumango.

Every StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon