I was really struck dumb. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat features ng mukha niya. From her expressive doe eyes,to her narrow nose, then down to her pinkish lips. Kulay porselana ang kanyang balat and she has a shoulder-length brown wavy hair

Sino ba namang hindi magaganda sa nilalang na 'to?

Para siyang anghel na bumaba sa langit para i-pickup ako! Jackpot! Akin na 'to mga tsong!

Hahayaan ko pa bang mapormahan ng iba?

"Alam mo 'yong strumming pattern ng kantang 'yan?" aniya habang nilalabas ang electric guitar niya sa casing.

"Oo."

"Okay, you do that part and I'll do this part para makita mo kung paano," utos niya at tumango akong nakangiti.

Nung una, nag-aalinlangan pa akong tumugtog dahil hindi ako sanay ng pinanonood ako nang ganito kalapit. An blue ice aura flew out of her electric guitar as she started to play the song. Namangha ako sa kung paano 'to sumayaw habang patuloy siya sa pagtugtog. Napaawang ang bibig kong nakatitig doon at palipat-lipat ang mga mata ko sa kanya at sa ice aura niya.

"Your part, Tj," She said.

Unti-unting naengganyo ang mga kamay ko sa pag-strum ng electric guitar ko and when I finally got the right rhythm, lumabas ang red fire aura ng gitara ko.

Namangha rin siyang nakatingin doon at nang maghalo ang kulay ng mga aura namin, we gazed upon its beauty. The melody is in harmony and our auras intermixed, forming a powerful combination of fire and ice which later turned into rain that made the people around us happy.

We called it the rain of bliss.

How ironic, right? Kadalasan ang tao 'pag umuulan ay nalulungkot. Pero 'pag gawa naming dalawa 'to, kabaliktaran ang epekto nito sa mga tao. Nawawala ang mga mabibigat na dala nila sa kanilang puso. Nagwawala ang mga problema nila.

How I wish it has the same effect on me. Pero paano mangyayari 'yon kung wala na si Justine? Paano pa mabubuo ang rain of bliss kung wala na ang tutugtog ng electric guitar na 'to at ilalabas ang blue ice aura?

"This is the reason why she died, Kuya Gary!" Giit ko at matalim na titig ang binigay ko sa kanya.

"Don't be so irrational, Tydren! Don't put the blame on it!"

"Then saan ko dapat ibato ang sisi ha? Who should I put the blame on, Kuya?" nanggagalaiti kong utas at inimuwestra 'yong electric guitar.

Nag-igting ang panga niya at imbis na sagutin ako ay tumingala siya't mariin na pumikit. Ramdam ko na may gusto siyang sabihin pero nagpipigil lang siya at hindi ko alam kung kailangan niyang pigilan 'yon. But whatever it is, I don't care. Kung tungkol man sa gitara 'yon ay lalong wala akong pakialam doon.

Sa inis ko, pabalagbag kong binitawan ang electric guitar sa sahig dahilan kung ba't siya napalingon doon at parang bulkan na pumutok sa sobrang galit.

"What the fuck, Tj!" kinuwelyuhan ako ni Kuya Gary at diniin sa pader, "How could you do that?! Alam mo naman kung gaano kahalaga kay Justine 'yang electric guitar 'di ba?!"

"How could you still care for that fucking instrument when it took away your friend's life?!"

"The reason why she died is because of you!" he yelled.

Natahimik ako sa sinabi ni Kuya Gary. He got me so puzzled.

Kumunot ang noo ko at naguguluhan na ngumisi, "What the hell are you talking about?"

Binitawan niya ang kwelyo ko at tinalikuran ako, "Nang gabing 'yon, nakipagkita siya sa mga nakaaway mo noon sa isang bar. They were so mad that they wanted to kill you. Pinakiusapan ni Justine na huwag na ituloy 'yong binabalak nilang masama sayo kapalit nang electric guitar niya."

Every StringWhere stories live. Discover now