First.

11K 208 49
                                    

Kharu's Corner:

Sa wakaaaaaaaaaaaaaaaaaas!!

Na-update ko rin ito!! Haha!! Pasensya na po talaga sa matagal na paga-antay. Pero hindi ko pa alam ang sunod na UD nito ah? Anyway, malapit na naman ang June 13. Di ba? Hahaha!! Nakaka-excite!!

Salamat po sa lahat ng nagbasa nito, sorry talaga sa very late UD. Vote niyo kung na-gustuhan niyo yung UD. Comment din kayo kung anong tingin nyo ah? Feel free. *kiss*

***

1st

“Baaaaaaaaaaaaaaaaaaabe!! Kinakabahan na ‘kooo!” Reklamo ko.

Nasa tapat na kami ng gate ng bago naming school. Kinakabahan talaga ako!!

Heck, it’s our last year in high school at ngayon pa kami napa-transfer!!

“Babe, Ano ka ba! Okay lang ‘yan, kasama mo ako.” And there goes his overwhelming, heart-melting, captivating and mouth-watering smile. Charot. Hihi.

Bakit nga ba ako masyadong naga-alala? I still have him with me.

This dazzling guy beside me is Jon Aldrin Villarba, my husband, I mean, boyfriend. Haha!

Thankful talaga ako at siya ang naging boyfriend ko. Sumama pa talaga siya sa pag-migrate ng family ko. Nakikitira lang siya sa bahay ng Tita niya.

Nag-punta kami sa may bulletin board kung saan naka-post ang sections. Buti nai-tour na kami dito nung nag-enroll kami, kasi bukod sa kulang ako sa sense of direction eh malabo pa yung mata ko. Hindi ko pa naman suot ngayon yung contact lenses ko. Nasa bag. Katamad kunin. Haha!

”Here it is!!!” He exclaims, “Sabrine Verceles-Villarba!!”

”Weh?! Yun talaga ang naka-lagay??!!” Lumapit ako para Makita ko nang malinaw.

I looked at him and he is wearing his naughty grin.

“Gotcha.” He says.

“Argh. Advanced ka masyado!! Gusto mo na agad gamitin ko apelyido mo!!”

“Syempre. Can’t wait.”

Hihihi. Ang sweet talaga niya. Kahit matagal nang kami (1 year and three months), araw-araw nafo-fall pa rin ako sa kanya.

Hinanap namin yung room namin.

Ang laki pala ng campus na ‘to. Mga 15 mins. pa bago namin nakita yung room namin. Buti na lang at maaga kami, hindi pa kami late.

Pumapasok na kami (nang magka-holding hands. XD) sa room. I can see different expressons from our new classmates’ faces. May mukhang nagulat, kinikilig, curious at meron din ilang mukhang nai-inggit. Hahaha.

We manage to smile before taking out seats. Syempre magka-tabi kami. Hoho.

Since hindi naman ako bulok sa pakikipag-socialize, May ilan na rin akong naka-usap. Yung mga malalapit sa upuan namin, nagsi-lapitan sa amin at ininterview kami. Karamihan mga babae, tinatanong kami about sa relationship namin. Trending agad kami. Mwahaha.

Si Aldrin naman, niyaya nung mga guy classmates namin na makipag-kwentuhan muna sa kanila. Pinayagan ko naman kasi iba pa rin kapag may kaibigan siyang lalaki dito. Ang galing, ang babait ng mga bagong kaklase namin!

”Alam mo, ang gwapo nung boyfie mo!! Bagay kayo!!” Agad na nagsalita si Phoebe (siya yung naka-upo sa likod ko) nung naka-layo na si Aldrin.

”Hehe.. Hanggang ngayon nga tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit nga ba naging boyfriend ko siya..”

”Oooh? Ang cute naman! Gaano na ba kayo katagal?” Tanong naman ni Janet. Nag-form na sila ng circle pa-ikot sa’kin. Err, para akong nasa hot seat nito eh.

You Got KISSED!Where stories live. Discover now