Twenty Third.

5.1K 131 41
                                    

Kharu's Corner:

Hiiiiiiii! Slamat sa paga-antay. Waaa. ANNOUNCEMENT PO ULIT.

EPILOGUE NA PO ANG KASUNOD. SENSYA PO BIGLAAN. WALA NA PO KASI AKONG MAI-DUGTONG. SORRY SA MAGAGALIT! HAHA. SORRY TALAGA T___T

Anyway, sinusundan ko po kasi yung plot. Kaya ayun. Say Bye Bye to Drei, Saab, Aldrin and Daphne na po sa next update. Thankies sa lahat ng nag-participate sa story na 'to despite the author's turtleness. Love you all. Godbless! :***

**

23rd

SAAB’s POV.

”Hahaha! Dun naman tayo!” Tinuro ko yung fishball stand sa kabilang dulo ng park. Na-miss ko yun eh.

Marami na kaming napuntahan. Kung saan kami dalhin ng paa namin. Kahit gnito lang, sobra akong nage-enjoy.

Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming nag-punta roon.

Pumayag ako sa sinabi niya.

Kahit ngayong araw lang.. Magiging maka-sarili ako. Cheater na kung cheater. Pagbi-bigyan ko muna ang sarili ko at si Drei.

Hindi ako nagsi-sisi, at alam kong hindi ko rin ’to pagsi-sisihan.

Kung alam niya lang kung gaano ako kasaya ngayon.

Kung alam niya lang kung gaano ko ka-gustong gawin ang mga bagay na ’to kasama siya.. Kung alam niya lang..

”Eto oh.” Binigay niya sa akin yung isang plastic cup na may lamang fishball, at naka-ngiti na naman siya. Yung ngiting.. Kayang tunawin ang puso ng kahit sinong babae.

Ang swerte ng babaeng magiging forever mo, Drei. Sayang..

Sayang at hindi pwedeng maging ako ’yun..

”Tara upo tayo dun, prinsesa.” Hinawakan niya yung free hand ko at sabay kaming lumapit sa isang bench. Napa-tulala kasi ako nung tinawag niya akong, ’prinsesa’

Ang sarap pakinggan.

6PM na. Halos dalawang oras na kaming magkasama. Nagsi-simula na ring dumilim. At sa totoo lang..

Parang ayoko nang lumipas ang oras.. Ayokong matapos ang araw na ’to.. Yung pagkakataon na ’to..

Na maka-sama yung totoong mahal ko.

Alam ko siguro na sa tingin nang marami.. Isa akong malaking t*nga.

Kasi alam ko naman na mahal ko si Drei, pero hindi ko siya pinipili. Mas pinipili ko pa rin si Aldrin.

Siguro kung malalaman ’to ng lahat, iisipin nila nagiging unfair lang ako sa sarili ko at kay Aldrin. T*nga ako, T*NGA.

Pero wala kasi sila sa sitwasyon ko. Hindi nila mai-intindihan kung gaano kahirap mamili sa dalawang taong minahal mo ng sobra-sobra. Hindi nila alam yung pakiramdam na mang-hinayang at matakot na i-risk ang napaka-habang pinag-samahan namin ng boyfriend ko. Hindi nila nararanasan yung hindi k maka-tulog sa gabi sa kaka-isip sa gagawin mo.

Mahirap din sa’kin ’to. Masakit. Sobra. Ako kasi yung nai-ipit.

Ako yung MASAMA.

Kaya para matapos na ’to.. Aayusin ko yung ginawa kong gulo. Tutal.. Konti na lang naman at g-graduate na kami. Maghihiwa-hiwalay na rin kami. Magsa-sama na lang ulit kami ni Aldrin sa iisang university.. At siguro naman matututunan ko uling ibigay sa kanya ang buong puso ko, ang buong pagma-mahal ko.

Sobrang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang.. Nagka-mali lang ako ng taong nahalikan at mahal na mahal ko pa si Aldrin. Ngayon.. Hindi ko na alam.

You Got KISSED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon