The Rule Breakers

263 29 0
                                    

CHAPTER FOUR

THE RULE BREAKERS

Her POV

 Tinitingnan ko ang aking sarili sa floor-to-ceiling mirror. I was wearing my leather outfits from head to toe-jacket and pants. Wearing a sleeveless turtle-kneck, and a boots with killer heels. And I hear a knock from a door. Since friday naman ngayon at last day nato ng school days this week, gusto naming mantrip ngayon.

 "Baby girl, andito na yung mga bruhang friends mo!" Sigaw ni kuya from behind the door. Hahaha. Patay ka kuya pag narinig nila yun.

 "Hoy Xander dinig namin yun ah!" Sabay-sabay na sigaw nung tatlo mula sa baba. At narinig kong tumawa nalang si kuya at napapailing nalang ako. Binuksan ko na ang pinto at nakita kong naka-boxer shorts pa si kuya at gulung-gulo pa ang buhok niya. Parang kagigising lang ni kuya ah? Napa-open ang both eyes niya saka parang gulat na gulat siya sa hitsura ko. At alam kong alam ni kuya kung ano ang mangyayari ngayong araw na to. It's a world war four. School days pa ngayon, so better get ready because war begins...

 "Ano na naman ang balak mo baby girl? Basta enjoy kalang sa school at wag masyadong magpapasaway gaya nung ginawa mo sa States. So please, maliit na gulo muna ha? Ingat kayo baby girl... Happiness!" Mahabang litanya niya. Ito ang type ko kay kuya, aside sa binibaby niya ako, nakakasundo ko siya sa kalokohan pero yung tolerable lang at masyado niya akong sinospoil. Saka niya ako niyakap at kiniss sa forehead...

 "Yuck! Kuya! Ang baho mo! Maligo ka na nga!" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Pero napatigil ako nang makita kong titig na titig sa kin si Kuya at napakunot ang noo ko sa kanya. "Bakit? May nasabi ba akong masama? Totoo naman a!" Pahabol kong sabi. Sinabi ko lang na mabaho siya para makapagayos na kasi naman baka makita siya nung mga girls at ang gross niyang tingnan. Inamoy-amoy niya ang kili-kili niya at napangiwi ako sa ginawa niya. "Grabe ka! Kadiri ka!" Di makapaniwala kong sabi sa kanya.

 "Ano nga sabi mo kanina?" Tanong niya at inisip ko ang mga sinabi ko. At biglang TING! Kuya! Ang baho mo! Maligo ka. It's my first time to call him Kuya.Saka ko narealize na pinapangarap pala niyang tawagin ko siyang Kuya. Pero di ko kaya yun, nahihirapan ako dahil nahihiya at natatakot ako. Napaka-awkwad ng atmosphere namin. Kaya dapat na akong makaisip ng paraan para makalusot dito. Masyadong masikip sa lalamunan yung awkwardness. At may naisip akong ideya para maibsan yung atmosphere namin dito. Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya ng may pumasok sa isip ko.

 "Girls! Nakaboxer lang si kuya!" Sigaw kong tama lang na marinig mula sa baba. At biglang nanlaki ang mga mata niya at narinig ko ang mga yabag ng mga paa sa may hagdan paakyat dito malapit sa kwarto namin ni kuya. Katapat lang ng kwarto ko ang kwarto niya.

He Got Me (Got Me Series)Where stories live. Discover now