The class went by smoothly. Ryder was called by Eros pero nakasagot naman siya. I was really impressed by the way he speaks. Nakita ko din ang reaction ng ibang mga kaklase naming babae sa kanya at alam kong hindi magtatagal rarami ang tagahanga niya kagaya noong elementary kami.

"Attorney Montagne!" I called him after class bago lumabas ng pinto. Naalala ko kasi wala pala akong number ni Eros at wala din akong balak hingiin. "Sandali lang po." I said. Naunang nakalapit sa kanya si Idan. Ano kayang pinag uusapan nila?

"Wait lang Ryd." Nagpaalam ako kay Ryder na may itatanong lang ako kay Eros about sa schedule kaya iniwan ko siya sa may upuan niya habang nag aayos ng gamit.

"Looks like you've got competition." Narinig kong sabi ni Idan bago tinapik ang balikat ni Eros. "Sige Psyche mauna na ako. Sofia's waiting for me." Tumango naman ako sa kanya.

Tumingin muna ako sa paligid bago nagsalita. "Pwede bang ikaw muna ang magbantay dun sa kambal? Male-late lang ako ng konti umuwi." Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako so I raised my eyebrows creating an arch waiting for him to speak. He just nodded. I smiled. "Thank you po Attorney." Sabi ko dahil nakita kong palapit na sa amin si Ryder.

"What did you ask him?" Tanong ni Ryd nang naglalakad na kami paalis.

"Wala, about random stuff lang sa subject."

"Wag mong sabihin na crush mo si sir?" Sumimangot naman ako sa kanya.

"Hindi noh! Ang sungit kaya nun tapos hindi masiyadong nagsasalita. Saka kapag magsasalita nakakapangilabot. Mukha pang kill joy. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa kill joy na tao. He looks young pero ang ugali mukhang 70!" Tumawa naman ng malakas si Ryder.

"So you really have a crush on him." Tinignan ko siya ng masama. "Kilala kita Psyche. When you keep on blabbering about someone it means you like the person."

"Well this time wala akong gusto sa kanya."

"If you say so." He shrugged while still laughing.

Ryder and I went to dinner at nagkwentuhan lang kami. We also had a beer. I just had two bottles dahil mahina talaga ang alcohol tolerance ko at alam din yun ni Ryd. It's nice to know that Ryder and I still has that connection as bestfriends. Now that I think about it, I have three bestfriends.

"I'll take you home."

"Ay hindi na. Nag-book na ako ng taxi. I'm okay." He shook his head. Hindi naman sa ayaw ko na malaman niyang may anak ako. I just don't want him to find out that I'm living with Eros. Eros is my professor and I don't want others to misunderstand the situation. Ryder was about to say something when he suddenly looked at my back and called someone. "Attorney Montagne!" Para akong na estatwa ng marinig ang pangalan niya.

Hindi ako lumingon but I felt Eros walked towards us.

"Hi." Eros said rather enthusiastically. Napakunot ako nang marinig ang boses niya at agad na lumingon. The man whom Ryder thought is Eros is not Eros, it's Ethos. He's looking at me and I just rolled my eyes at him. "Enjoying the night?" He smiled.

Gusto kong matawa nang makita ko ang reaction ni Ryder. He looks confused and at the same time he looks at Ethos weirdly. Sabagay, sino naman ang hindi magtataka kung akala mo nakita mo si Attorney Eros Savin Montagne, the descendant from hell is smiling at other people. If only Ryd knows.


"Pauwi na po kami." Saad ko. He grinned.

"Really? I was about to go home too. Your house is on my way, right Psyche?" Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero tumango nalang ako.

I told Ryder na kay Ethos nalang ako sasabay para hindi na niya ako ihatid since magkaiba kami ng daan pauwi. Pumayag naman si Ryd kesa naman daw magtaxi ako ng naka-inom. He hugged me before we parted and told me he missed me and I felt glad.

"So," pagsisimula ni Ethos nang nasa sasakyan na kami. "Who's the guy?"


"He's my childhood bestfriend." Napa Ah naman si Ethos.

"He seems nice."

"Of course. Mapili ako sa mga taong kinakaibigan ko." Tumango naman siya.

"So how's living with my brother?" Napasimangot ako sa tanong niya.

"Hell." He chuckled. "You know this would happen right?"


"Hey it's the first time I heard my brother telling someone to live with him. Kahit nga overnight hindi ako nakakapag-stay doon. Also, the only people he allows to visit him at his house is Sofia and me. So I was curious."


"If I had known hindi ko na sana siya hinanap."

"Psyche," Napatingin ako kay Ethos. Bigla kasing nagseryoso ang boses niya kumpara kanina. "Please be patient with my brother. Hindi siya ang pinaka mabait na taong nakilala mo but once you get to know him, you'll like him. Besides, there's a reason why we became what we are, right?"

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now