Sweet Surrender: 13

1.6K 59 4
                                    


The person who loves you is not the person who sees you every day, but the person who looks for you every day.
📖📖📖

Hailey

DO YOU EVER get the feeling that you would like to reach out and just choke someone to death?

"How dare you kidnap me!" Walang tigil pa rin ako sa pag papasag habang nasa gilid ko si Kuya Harold at mahigpit ang mga brasong naka pulupot sa akin.

"Hindi ka namin kinidnap!" Sigaw ni Kuya Harvey mula sa driver seat. Nangangat'wiran pa talaga siya?!

"Anong hindi? You grabbed me off the street like trash!" Pag papaalala ko sa kanila. Hindi pa rin mawala ang takot ko kanina ng may bigla na lamang lumitaw na sasakyan sa tapat ng kotse ni Aldous at basta na lamang akong hinaklit sa braso at tinangay na parang pusa. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko halo ang galit ng mapag sino ko kung sino ang kumuha sa akin.

"You were going to run with that man, Hailey! Nasisiraan ka na ba ng bait? O, sadyang hindi ka na talaga nag iisip!?" Hawak ako ni Kuya Harold sa mga balikat habang isinasandal niya ako sa backseat.

"How dare you do this to me, monster!!!" Halos mapatiran na ako ng litid sa lalamunan lalo na ng marinig ko iyon mula sa kuya ko. Hindi na talaga sila tao kung kumilos. Hindi na nila inisip ang mararamdaman ko sa ginagawa nilang ito sa akin. "Pakawalan mo ako! Sinabi ng pakawalan mo ako, eh!?" Hinampas ko si Kuya Harold sa tabi ko na sumasalo lang lahat sa buhos ng galit ko.

"Tumigil ka na nga, Anne! Baka mabangga tayo!" Kuya Harold took both my hands when I was about to grab the door of the car. Kumuha ito ng tali saka ako tinalian sa mga kamay.

"How—How could you! Pakawalan mo ako!" Utos ko rito pero para itong binging walang narinig. "Kuya Harold, please..."

"Hindi ka makakaalis sa taling yan hangga't hindi ka tumitigil. Masasaktan kang lalo, Anne! Kaya tumigil ka na!" Galit na rin si Kuya Harold at wala talaga itong balak na pakawalan ako. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanilang dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nanlalabo ang paningin ko sa nag aambang mga luha na gusto ng mag sipag laglagan mula sa mga mata ko. There are no words to describe the anger and frustration that I am feeling right now. Lalo pa't malalaman kong ang mga kuya ko pa ang may kagagawan ng lahat ng mga ito sa akin.

"We were not falling for your tears now, Anne. Ginagawa lang namin lahat ng ito para sa'yo. Para sa ikabubuti mo. Mali ang desisyon mong piliing samahan ang Saavedra na iyon." Mariing sabi ni Kuya Harold sa akin at saka ko naisip kung nasaan na nga ba si Aldous? Alam na kaya niyang nawawala ako? Hinahanap na niya kaya ako?

"What about Aldous? What did you do to him?" Tanong ko.

"Wala kaming pakielam kung humihinga pa siya. And for the past five years, neither did you." Malamig na sabi ni Kuya Harold. Nakatingin lang din ito sa daan at kita ko ang pag tatagis ng panga nito.

Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon