Sweet Surrender: 6

2.5K 84 4
                                    


A meaningful silence is always better than meaningless words.
📖📖📖

Hailey

MALUWAG kong binuksan ang pintuan ng apartment ko para sa aming dalawa ni Aldous. Nagkasalubong kami ng tingin at para bang may himig pag tatanong sa mga mata nito pero hindi lang nito alam kung papaano bubuksan ang paksa.

"Dito ka nakatira?" bakit nga ba hindi siya mag tatanong ng ganon kung ang makikita nito ay isang maliit na kuwarto lamang na sakto para sa iisang tao. Napapikit ako saka huminga ng dalawang beses bago ko ito sinagot.

"I can't afford a decent and spacious one. Simula ng makulong si Papa isa-isa na naming naibenta ang mga ari-arian namin. Yung bahay sa Batangas na lang at yung sa forbes na lang ang natitira." Kumuha ako ng bottled mineral water saka isinalin iyon sa isang takure, "Sorry pero kape lang ang mai-o-offer ko sa'yo. Hindi pa kasi ako nakapag grocery."

I'm working three jobs para lang ipang takip sa tuition fee ko non at sa pang araw-araw kong gastusin at kahit na isang kusing ay hindi ako humingi sa mga kuya ko. Buti na nga lang at pinayagan akong mag leave kahit dalawang araw ng mga amo ko para lang mabantayan ang demonyo na'to.

"Why'd you have to do this? Why did you claim to be my fianceé? Is this because your brothers have been trying to kill me?" he helped himself to sit on a chair near where I stand. Napansin kong kahit pa nakaupo na ito sa silya ay hindi parin maitatangi na matangkad ito dahil magkasing taas lang kami kahit pa nakatayo ako.

"Iniinsulto mo ba ako?" Pinamaywangan ko ito at gusto ko na na talaga itong tirisin. "You really think I put out a hit on you and hired my brothers to do it?" Nasasaulado ko na rin ang pag kunot ng noo nito sa tuwing may maririnig itong hindi nito gusto.

"You wouldn't need to hire them. They'll do whatever you tell them to do." nakagat ko ang bibig ko para huwag siyang murahin at hindi ako makapag salita pa ng masama sa kanya. Bakit ba ang sama-sama ng ugali nito sa akin?

"If I wanted you dead, why would I tell them that I'm going to marry you?" Sandali itong natigilan sa sinabi ko. Problema ko ba kung may trust issues ito sa buhay at sa akin niya ito ibinubunton?

"Siguro para makuha mo ang yaman ko kapag namatay na ako." gusto ko siyang sipain sa kabaliwan na naiisip nito. That was the lamest answer I had of him. Nasa talampakan din pala minsan ang utak niya.

"I hadn't considered that Saavedra, pero dahil sa nasabi mo iyan nabigyan mo ako ng idea." nag pantay ang mga labi nito at para bang isang sagot ko pa ay pipilipitin na nito ang leeg ko. Buti nga sa kanya. Mamimilosopo siya tapos siya din pala ang unang mapipikon?

"Black?" tanong ko sa kanya pero nakatitig lang ito sa akin. Nang kumulo na yung tubig sa takure ay agad ko iyong isinalin sa dalawang tasa.

His eyes were dark brown and full of hot and intensity. Ibinaling ko ang tingin ko sa pag titimpla ng kape at inilapit sa kanya yung isang tasa.

"If we were actually going to get married, you'd get something out of it." my heart flipped after what I have heard of him. Muntik ko pang maibuhos sa sarili ko yung kape kaya inirapan ko siya ng todo.

 Muntik ko pang maibuhos sa sarili ko yung kape kaya inirapan ko siya ng todo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sweet SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon