Man, I am wrong.

Ibang iba yung auction na napuntahan ko.
Hindi bagay ang ibinibenta nila kundi mga babae.

Iba iba ang lahi nila at totoong magaganda.

Paalis na sana ako doon ng

"Ayoko nga, bitawan nyo ko please. Pakawalan nyo na kami" napatingin ako dahil may babaeng pilit na kinakaladkad nung dalawang lalaki.

She's wearing a off shoulder dress. Maputi sya at mahaba ang straight na itim nitong buhok. She's beautiful.

Nakita kong tinitingnan na sya nung mga kasali sa auction and fck the way they look at her, alam ko na masama ang gagawin nila. I know how heartless those man are, alam kong gagamitin lang nila yung babae at since mga pamilyadong tao na sila. Pagkagamit dito ay papatayin na to para walang issue.

Hindi ko alam what got into me, pero ginawa ko ang lahat para makuha ka sya. Wala na kong pake kung gano kalaking pera ang lumabas sa bank account ko nun, all I want to do is save her.

That's the first time I met her.
Akira.

She begged me na kuhanin ko rin si Luna and so I did.

Takang taka ako nun, dahil wala silang parehas na memorya pero ang first name nila alam nila, yun daw kasi ang tawag sa kanila nung nagbebenta sa kanila sa underground.

Pero naisip ko ng may umiikot na klase ng injectibles sa underground market ng Italy noon na nakakapagpawala ng memorya, it can even put you in coma. Aside from that, they've been drugged a couple of times.

Hindi ko alam kung pano sila napunta sa Italy pero nung time na iuuwi ko na si Akira at Luna may lumapit saking lalaki, hindi ko sya namukhaan dahil naka hood sya. He said na hindi ko daw dapat patapakin ng pilipinas si Akira kung gusto ko pa raw tong mabuhay.

Akira is so aloof, lagi syang takot at umiiyak pero lagi nya ding sinasabing gusto nya ng umuwi ng pilipinas.

Dahil sa sobrang depression nya, hindi sya nagkakain sa first few days nya dito sa mansion ko sa France, nawalan sya ng malay nun kaya nagpatawag ako ng doktor. Hindi ko sila sa Italy dinala dahil ayoko pang makwestyon nun ni papa. Doon ko nalaman na 2 months na syang buntis. Hindi naman kasi halata sa kanya dahil payat sya.

Medyo delikado ang pagbubuntis nya nun kaya ako muna ang nag alaga sa kanya. Hindi naman ako magsisinungaling, sa 2 months kong pag aalaga sa kanya, I fell inlove, hindi lang sa kanya kundi maski dun sa dinadala nya. For that 2 months, pakiramdam ko ako yung magiging tatay.

Mas natuwa pa ko nung malaman na namin ang gender nung baby nya at 4 months. Advanced sobra sa france kaya kahit as early as 4 months nalaman banib na she's having a baby boy. Ang saya ko nun. I even told her that Damon would be a great name, pumayag naman sya. Kaya nung panahon na yun, pakiramdam ko akin talaga si Damon.

Pero dumating yung time na sabi sakin ni Akira na gusto nyang umuwi ng pilipinas. What if daw hinahanap sya ng magulang nyo or kung may asawa ba syang naiwan na ama ni Damon. Masakit para sakin dahil minahal ko na sya pero hindi ako selfish na tao, nag decide ako na iuwi sila ng pilipinas dahil baka kapag nandun na ay maalala na nila ang lahat.

Pero nagkamali ako. Pasakay na sana kami ng private plane ko nun nung walang sabi sabi itong sumabog.

Medyo malapit lang kami nun kaya tumilapon kaming tatlo kung saan. Nawalan ako ng malay nun. Akala ko mamamatay na ko.

Pero nung dumilat ako nasa site pa din ako, mausok. Pinilit kung tumayo kahit injured na ko. Nakita kong karga karga nung piloto ko si Luna kaya mabilis kong hinanap si Akira.

Wala syang malay nun and she's bleeding too much.

That day, she lost Damon. We lost our little angel. Nag nervous breakdown si Akira. Mas lalong lumala ang amnesia nya, ni pangalan at edad nya nakalimutan nya pero I never gave up on her. After 6 months of treatment. Unti unting bumalik si Akira.

Nagkaroon din si Akira ng matinding takot na umuwi ng pilipinas. She hates darkness. Malaking takot nya yun dahil pakiramdam nya daw naririnig nya ang pag iyak ni Damon.

Inayos ko ang lahat para sa kanya. Ako ang nagbigay ng new identity nya. As much as I wanted to make her a Willford, hindi naman tama. Gusto ko kung magiging Willford sya yun ay dahil asawa ko sya kaya ginawa ko na lang na Ferrero ang apelyido nya.

In just a year, naging normal na ang lahat. Pinasok na ni Akira ang modelling industry. Tinulungan ko din si Luna na makapag aral as fashion designer last 2 years sa paris and I am glad to see how good and successful she is.

I confessed my feelings to Akira, 3 months ago. Akala ko mababasted ako pero masaya ako dahil espesyal ako para sa kanya.

Hindi ko alam, wala na akong pakielam kung sino man ang ama ni Damon. For me, Damon is my child.
Akira's mine.

2 taon ang hinintay ko kung may maghahanap ba sa kanya pero wala. I got my chance, he lost his. I am not going to let Akira go.

Napatigil ako sa pag iisip ng mag ring ang cellphone ni Akira.

Pinunasan ni Akira ang mga luha nya.
At sinagot ang tawag.

It's her manager, reminding her na may scheduled photoshoot sya ngayon at 3 pm. Napasilip ako sa relo ko 2:30 na.

"Tara na" she said.

"Okay ka lang ba? Pwede mo namang ipa cancel" sabi ko.

"Hon, kung magmumukmok ako, mas maiisip ko lang si Damon. Mas mamimiss ko lang sya. I'd rather make myself busy" sabi nya.

I sighed at niyakap sya ng mahigpit.
I kissed her forehead.

"I'm always here okay? I love you" I said.

"I love you" she said kaya kahit papano ay nabawasan din ang lungkot ko.

"Tara na, baka atakihin yung manager mo kapag di ka pumunta sa commercial shooting mo. Sasama ako" sabi ko.

"Sure ka? May trabaho ka pa" sabi nya. Nagsimula na kaming maglakad papuntang kotse ko.

We are holding hands.

"You are my priority" I said.

Natuwa naman ako ng kahit papano ay sumilay ng ngiti sa labi nya.

She's my life now and damn it
Kinakabahan ako sa tuwing malalapit sya doon sa lalaking yun.

That Thunder Rein Montenegro.
I somewhat feel uncomfortable kapag nalalapit sya kay Akira.

I'm jealous for no reason

---------
TBC

Ayan narinig nyo na ang side ni Dmitri haha bad yung mga nanghusga!

Gwapo lang sya pero mabait naman haha!

Sinong lilipat na sa Team #Akimitri
Sinong mananatili sa #Thundekira

Aki and Thunder scene sa next chap are you ready?

Vote and comment

- Kaye

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now