Mas mabuting magpahinga nalang siya. Ibaba ko na sana ang cellphone ko sa mesa ng tumunog yon at pumasok ang isang textmessage.

Napangiwi ako ng makita ang pangalan ng nagtext sakin.

From: GagongBaliw
Message: My life... I miss you.

Yung hindi ko na nga sya nirereplyan pero ang kulit pa rin nya. Consistent sa pagiging GagongBaliw ang isang to. Isama pa yung pakiramdam na parang kilala ko sya.

Sa halip na replayan, binaba ko nalang ang cellphone ko sa lamesa. Nahiga ako sa kama at sa matagal na pagtitig sa kisame kusa nalang ako nakatulog.

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Parang may tumatawag.  Bumangon ako at kinuha yon sa lamesa pero saktong paghawak ko natapos ang tawag.

Si Yuri ang tumawag.

Nagkibit balikat nalang ako at tumingin sa orasan. 6pm na pala, ang haba ng tulog ko. Nakaramdam ako ng gutom. Binaba ko ulit ang cellphone ko sa lamesa at lumakad ako palapit sa pinto ng kwarto ko.

Saktong pagbukas ko ang pagbungad sakin ng kamay ni Yuri. Mukang kakatok pa lang sya.

"Anung ginagawa mo dito?" Medyo iritableng tanung ko.

"A-anu... K-kasi..." Himas batok na sabi habang umiiwas ng tingin.

Semi-formal ang ayos ng luko. Para bang may lakad o ano. Napataas ang isang kilay ko habang hinihintay ang isasagot nya.

"Hangang anung oras ako maghihintay ng sagot mo?"

Napabuntong hininga sya. "Remember? Dinner with the Head Master."

Sinong Head Master?

Dahan-dahan akong umiling. Wala akong maalala. Anu ba yung Head Master? Bakit may ganun?

"I'm doom." Bulong nya habang naka-yuko.

Pakiramdam ko mabigat ang pino-problema nito. Papa-alisin ko na sana sya pero parang bell sa pandinig ko yung salitang dinner.

Pagkain.... Libre....

"Please... Hindi ako makakabalik sa bahay ng hindi ka kasama." Paki-usap nya.

Naningkit ang mata ko sa kanya.

Ayan! Japanese na rin ako.

"Tapos? Anung gagawin?"

"Ipapakilala kita sa Head Master then Dinner."

Dinner.....Dinner.....Dinner.....Pagkain!

"Panu kung ayoko sumama?"

Bagsak ang balikat nya habang nagpipilit ng ngiti. "I understand."

Hahakbang na sana sya para umalis pero pinigilan ko sya agad.

"Teka lang!" Taka nya kong tinignan. "...My sushi?"

Kahit nagtataka sa sinabi ko, unti-unti syang nag-nod.

"Hintayin mo ko. Bihis lang ako." Sabi ko at mabilis na sinara ang pinto.

Dumiretso ako sa cabinet ko at namili ng damit. Humanap ako ng pwedeng ibagay sa suot ni Yuri. Masabi man lang belong ako sa pupuntahan ko.

Semi-formal Dress.....

Muka akong ewan habang sinusuklay ang sabog kong buhok. Nagka-buhol-buhol kasi sa ipit ko kanina. Ayun, nagmukang buhok ng mangkukulam. Kung anu-anu na napahid ko, pati yata deodorant naipahid ko sa buhok ko.

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon