Chapter Thirteen - "I'm with my wife."

Start from the beginning
                                    

Nakita niyang bumaba rin ang driver ng katabing sasakyan. Isang babae na aside sa sobrang kapal ng make-up ay hindi rin appropriate ang suot nito para sa simbahan. Nakita niyang ngumiti ito sa kanya at kumaway.

Wala namang ibang tao sa parking lot dahil nagsisimula na ang misa kaya alam niyang siya ang kinakawayan nito.

Hindi niya ito pinansin at lumakad na papunta sa simbahan. “Hey, Handsome! Wait up!” Tawag sa kanya ng babae.

Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad. Saan kaya umupo si Lukring. Malapit na siya sa pintuan ng simbahan ng may biglang humila ng braso niya. “Hey! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah.”

Nilingon niya ang babae na humihingal sa kakahabol sa kanya. “Yes, miss?” Mas malamig pa ata sa yelo ang boses niya.

Ngumiti ito sa kanya. Maganda naman ito sa malapitan. Balingkinitan din ang pangangatawan nito. Every guy would want to be with this woman. But not him.




“Hi! I’m Kyra. Kyra Zhang. Are you with someone? Nag-iisa lang kasi ako eh. Is it okay if we sit together?” Ngumingiting tanong nito. He knew she was flirting with him. Ilang beses na siyang naka-encounter ng mga ganitong klaseng babae.

“Actually, I’m with my wife.” Lumabas na iyon bago pa niya mapigilan. Whoa! That came out smoothly! Nakita niya ang disappointment sa mukha ng babae. May sasabihin pa sana ito ng inunahan niya.

“I better go inside. Hinahanap na siguro ako ng asawa ko.” Nilagyan niya talaga ng emphasis ang salitang asawa.

Bago pa ito magsalita ay nagmamadali na siyang pumasok ng simbahan. Nasaan na kaya ang lukring na ‘yon? Ilang minuto niya ding hinanap ito ng makita niyang nasa may bandang kaliwa ito nakaupo.

Luminga-linga muna siya sa paligid, hinahanap ang babaeng lumapit sa kanya kanina. He sighed in relief when he didn’t see her. Ayaw niyang malaman ni Gabrielle na may lumapit sa kanyang babae at nilalandi siya sa harap mismo ng simbahan.

Good thing Gabrielle didn’t know her.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kyra’s POV

He’s so yummy! Iyan ang una niyang naisip ng makita ang lalaking bumaba sa Red Convertible Jaguar. He looked so good with his Ray Ban’s on! Ano kaya ang itsura nito pag wala ‘yon? Oh I bet he’s even yummier! Nginitian niya ito at kinawayan.

She had to show her interest on him if she wanted him to be her slave for tonight. Pero hindi siya nito pinansin at dumiretso lang sa simbahan.

“Hey, Handsome! Wait up!” Hindi siya nito nilingon. Ngumiti siya habang mabilis na lumalakad para makahabol dito. Hmm. She likes challenges. Nang malapit na siya dito ay hinila niya ang braso nito.

“Hey! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah.” Nilingon siya nito. His face was enough to make her moan in pleasure. Mas lalo kasi itong gwapo sa malapitan. Don’t forget to mention his body! “Yes, Miss?” Malamig na tanong nito na mas lalong nagpangiti sa kanya.

She knew guys like him. Kunwari ay walang interesado sa kanya at magpapahabol. But he’s worth the chase anyway!




“Hi! I’m Kyra. Kyra Zhang. Are you with someone? Nag-iisa lang kasi ako eh. Is it okay if we sit together?” At ngumiti siya ng ubod tamis dito. Her smile never fails to captivate men. It’s one of her treasured assets.

“Actually, I’m with my wife.” Sagot nito. What? He’s fucking married?! That can’t be!




May sasabihin pa sana siya ng maunahan siya nito. “I better go inside. Hinahanap na siguro ako ng asawa ko.” Umalis na ito at pumasok ng simbahan.

Married pala ha? We’ll see about that. Men always fall to temptation. Tumungo na din siya sa Immaculate garden, tabi ng simbahan kung saan naghihintay si Geoff.

“What took you so long? Akala ko ba kukunin mo lang yung pouch mo?” Nagtatakang tanong nito sa kanya.

Ngumiti siya ng ubod tamis dito. “Babe, dumaan lang ako saglit sa restroom.”

Tumango lang ito at nakinig na sa sinasabi ng presider. Pero hindi niya kayang mag-focus sa sinasabi ng pari dahil hindi niya kayang tanggalin sa isipan ang pwede nilang gawin ng lalaki kanina sa kama.

He will be mine.



A Deal is a DealWhere stories live. Discover now