Love Will Keep Us Together: Three

66 2 0
                                    

COFFEE lang ang in-order ni Harvey sa isang café, malapit sa hotel na tinutuluyan nila. Pampainit sa malamig na klima. Mag-isa lang ni Harvey na nag-punta roon. Dala-dala niya ang Camera, ni minsan hindi niya magawang iwan ang camerang iyon.

Nakaupo sa isang single table si Harvey. Hindi maiwasang hindi kuhanan nang litrato ang iniinom na kami. Halos lahat yata ng madadaanan niya at mga bagay na nakikita ay kinukuhanan niya ng picture.

"Pwede bang maki-upo? Wala na kasing upuan sa loob." isang lalaking may hawak na coffee ang kumausap sa kaniya.

"Sure," sambit ni Harvey nang hindi niya pinansin ang lalaki, dahil nakatingin lang ito sa mga kinuhanang larawan.

Nang kunin ang kape para humigop, napansin niya ang lalaking kaharap niya. Napadilat ang mga mata niya ng makita niya ito.

"Ano'ng nangyari sa 'yo? Para kang nakakita nang multo." ani nang lalaki habang ito'y nakangiti.

Hindi mapalagay sa sarili itong si Harvey. Kinakabahan na ewan. Ano bang meron sa lalaking ito?

"Ah wala. Nagulat lang ako at may katabi na pala ako."

"Ikaw nga ang nagpa-upo sa akin dito, e." wika nang lalaki.

"Gano'n ba, pasenya na. Wala siguro ako sa sarili kanina." pagsisinungaling ni Harvey. Patuloy siyang humigop ng kami habang nakatingin ito sa lalaki.

"Ako nga pala si Brent, Brent Velasco." pakilala nang lalaking kaharap niya. Inalok niya ng kamay si Harvey.

"Harvey Salcedo nga pala, nice to meet you." tinangap naman ito ni Harvey.

"Nice to meet you too."

Hindi mawari ni Harvey ang naramdaman niya nang mahawakan niya ang kamay ni Brent nang ito'y nag-pakilala. Para bang merong ibig sabihin. Napa-ngiti nalang si Harvey sa nangyari.

"Dito ka ba nakatira?" tanong ni Brent.

"Hindi. Kararating ko lang kahapon." sagot nito sabay inom nang kape.

"Ah, mahilig ka pala sa camera."

"Oo, isa akong photographer." nakangiting sinagot ni Harvey ang mga tanong ni Brent.

Napapansin ni Harvey na panay ang tingin itong si Brent sa kaniya.

"Napapansin din niya kaya na tumitingin ako sa kaniya?" wika nang kaniyang isip.

"Parangap kong maging isang sikat na modelo, freelance model pala ako." sambit ni Brent.

"Wow! Bakit hindi ka mag-apply sa mga Studio?" lalong nabuhayan ang dugo ni Harvey.

Hindi maipagkakait na isang freelance model itong si Brent. Ma-gwapo, may matipunong pangangatawan, maputi, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang kaniyang labi, higit sa lahat masarap ang kaniyang katawa. Halata nga na isa itong model.

"Gusto ko kasi sa Maynila ako maghahanap." ani Brent. Napangiti si Harvey sa sinabi ni Brent.

"Okay. Ito ang # ko. Tawagan mo nalang kung nasa maynila ka na. Tulungan kitang makahanap."

May hinugot itong si Harvey sa bulsa at ibinigay ito kay Brent. Isang maliit na matigas na papel. Isa yata itong Calling Card.

"Maraming salamat." ngiting wika ni Brent.

"Walang anuman." napatingin si Harvey sa suot nitong relo. "Mauna na pala ako, baka hinihintay na ako nang kasama ko." dagdag nito.

"Bye, salamat."

Love Will Keep Us Together (BoyXBoy) LGBTWo Geschichten leben. Entdecke jetzt