Step1

12 0 0
                                    

Chapter 1

Naglalakad ako na may hawak na libro ng makita ko si Francis. Agad akong naglakad. Kaya ko to!

Naglakad ako palapit sa kanya at kunwari ay nabangga ako sa kanya pero ang totoo ay sinadya ko. Nalaglag ang mga dala kung libro.

"Sorry miss!" Sabi nito at nagmamadaling umalis.

Denedma ang beauty ko kainis hindi manlang ako nito tinulungan. Kaya naman inis na inis akong pulutin ang mga libro ko.

Habang nagpupulot ay may tumulong sakin pag-angat ko ng tingin. Napanganga ako ang gwapo. Sobrang gwapo parang anghel na lumapag sa langit.

"Miss ito na!" Sabi ni pogi at inabot ang libro ko.

Itinikom ko muna ang nakanganga kung bibig at nagsalita.

"Salamat, I'm Angela Jane!" Pagpapakilala ko.

"I'm Romar Etnicus Dettir short for Red!" Sabi nito at tinulungan akong tumayo.

Pagtapos ay umalis na rin ito. Shemay ang gwapo. Pero mas gwapo parin sakin si Moo ko. Kahit namaynusan sa akin ito na 0.00000000001percent ngayung araw. Love ko parin sya.

Ang bigat talaga ng librong binitbit ko nasayang lang di man lang napansin si beautiful face ko.

Dumerityo akong library para isuli ang inamag na libro hiniram ko na matagal ko ng di nasusuli. Ngayon ko lang naisip na ibalik ito dahil sa naging balak ko. Kahit hirap na hirap akong bitbitin ito ay pinunta ko ito sa library. May student librarrian doon na malamang sila ang nagbabantay ngayon dahil maaga pa at wala pa ang head librarrian. Nang makarating doon ay nilapag ko agad ang mga libro.

Ang lagkit-lagkit ko na sa pawis paano hagdan lang naman ang meron dito walang elevator. 4th floor pa ang library kaya naman katamad talaga magsuli kaso alangan bitbitin ko lahat yun kada subject diba.

"Heto na po yung mga librong hiniram ko!" Sabi ko sa student librarrian na natatakpan ng librong binuhat ko.

"Ms. Castillo over due na lahat ng librong ito alam mung 1week lang ang palugit lahat ng libro pero ikaw umabot ng 4na buwan. May mga kulang ka pa ata!" Sabi ng naiinis na lalaki parang pamilyar sakin ang boses nito.

"Ah nakalimotan ko eh!di ko na kasalanan yun ang hirap kayang maglakad papunta dito pasalamat ka nga naisipan ko pang isuli yan eh!" Reklamo ko sabay punas ng pawis sa leeg ko nakakapagod talaga.

"Ms. Castillo maraming mga studyante na gumagamit ng libro! Ikaw parang pinaamag mo lang lahat ng ito sa bahay nyo! Sana naisip mong mahihirapan ka palang magsuli sana di ka nalang nanghiram." Naiinis na wika nito.

Ngumuso lang ako ayoko ng makipag-away pa kung si ninang ang taga bantay dito malamang ay ayus lang kaso iba ang nagbantay eh.

"Ms. Castillo dahil puro late ang due date nito ay may panishment ka one week kang maglilinis ng library!" Sabi nito.

Aba!aba!aba hindi ako papayag nuh masisira lang ang mga bagong manicure kung kuko.

"Ayoko!Sino ka para utusan ako? Asan na ang head nyo kakausapin ko isa ka lang din estudyante dito kaya wag kang matapang!" Mataray kung sabi.

Tumayo ito at nagsalita.

"I'm not a head but I'm the only one who own this skul kaya may karapatan parin ako dito dahil pag-aari ko to!"

Lumaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ito. Shit! Walang iba kundi si Francis kaya pala pamilyar ang kanyang boses sakin shit ang tanga-tanga ko bakit hindi ko nakilala ang boses nya. Kainin nalang sana ako ng upuan huhu nakakahiya.

"My dear Angela anong ginagawa mo dito hija?" Sabi ni ninang na kararating lang.

Save by ninang. Laking pasasalamat ko at dumating si ninang.

"Tita! Kilala mo si Ms. Castillo?" Tanong ni Francis.

"Yes hijo sya ang kwenikwento kung inaanak ko!" Sabi ni ninang Ashley.

Lumapit ako kay ninang para humalik sa pisngi.

"Ninang sorry po ah ngayun ko lang po nasuli yung mga libro!" Paglalambing ko kay ninang.

"Ayus lang yun hija ang mahalaga nasuli mo." Sabi ni ninang.

Ang bait-bait talaga ng ninang ko.

"Thank you ninang. I have to go na ninang late na po ko sa klase."paalam ko kay tita.

Tumingin muna ako kay Francis at nginitian ito ng pagkatamis-tamis. Sana iffective ang beautiful smile ko para mainlove agad sya.

Kaso napabusangot ako dahil sinamaan nya lang ako ng tingin. Ang bad nya ako na ngamabait eh! Pasalamat sya crush ko sya.

****

Ilang araw ko ng di natyetyempohan si Moo ko. Hay nakakamiss na talaga sya malapit pa naman na ang Intrams namin. Di bale mamaya dadaanan ko sya sa library para sa second moves ko hehe. Sana mag work.

Pakanta-kanta lang akong naglakad ng may nabangga ako. Nilingon ko kung sino walang iba kundi si Red. Yung Gwapong gentlemen na tumulong sakin.

"Sorry kuya!" Pa umanhin ko with beautiful smile.

"Okey pang wag mo na akong ikuya magkaesad lang naman tayo!" Sagot nya at nginitian din ako.

Wahhh! Kaya ang gwapo talaga nya.

"Kuya I like you na!" Di ko mapigilang sabi.

"Ahahaha patawa ka talaga." Sabi nito at tumawa pa.

Natulala ako sa pagtawa nito ang gwapo.

Pero maya maya sumakit ang gilid ko. May nanadyang nambunggo. Kaya inis kung binalingan kung sino ang walang hiyang nambunggo sakin.

"Daanan to sa tabi kayo maglandian wag sa gitna tsk! Harang sa daan." Masungit na wika niya sabay lagpas sakin.

Ayieh nagselos si Fafa Francis ko hehe! Ano beyen ang haba ng hair ko.

"Una na ko Red ah. Nagselos na yung Moo ko hahabulin ko lang!" Nakangiti kung paalam.

Nagkamot pa ito sa ulo bago tumango. Ano ba yun Kutohin siguro sayang gwapo pa naman.

Di ko nalang pinansin tumakbo na ako patungo kung san dumaan si Francis ko. Pero habang tumatakbo ako natapilok ako sa daan. Kaya naman ang Ending nahalikan ko ang sahig. Huhu ang sakit-sakit yung first kiss ko wala na nakuha na ng sahig. Kaya naman nag-iniyak talaga ako sa daan dahil sa pagkawala ng aking first Kiss. Napaupo lang ako dun at umiyak may lumalapit pero sinasabi kung don't touch me.

I am very very disappointment balak ko pa naman ialay ang aking napakatamiss na labi kay francis pero nasira na huhu.

"Huy! Ms. Castillo anong drama mo jan at sa sahig ka pa umupo?" Masungit na tanong ni Francis my moo.

"Ayan sisihin mo yang sahig nayan! Kinuha nya 1st kiss ko!" Nguso ko sa sahig.

"Tumayo kana jan!Pinagtitinginan ka na ng mga estudyante." Sabi nito pero di ako tumayo.

Kaya naman hinila nya ako patayo. Dahil doon i grab the oppornunity kunwari nadikit ang labi namin pero sinadya ko.

Para kahit pano ay makabawi man lang sa First kiss ko sa sahig. Embes na ako ang magulat sya pa ang nagulat ng magkadikit ang labi namin. Naistatwa ito sa kanyang kinatatayuan kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon na mag exit sa kanyang harapan hindi ko kasi alam kung paano ba magpapaalam sa kanya eh.

***

The Naughty GirlWhere stories live. Discover now