Chapter Twenty six

Start from the beginning
                                    

"Jimin ah."

"Yeah?"

"Can we meet up?"

"Sure."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Coffee Shop

"Taehyung is Jungkook's first love and first heart break, Jimin. Saksi si Seokjin sa paghihirap na dinanas ni Jungkook sa pag-iwan ni Taehyung sakanya." Paninimula ni Namjoon, "After Taehyung's disappearance, Jungkook tried to kill himself." he continued.

"I- I know Hobi told me." Nagulat siya sa sinabi ko pero agad din itong nawala.

"Isa lang naman ang gustong mangyari ni Seokjin. He just want, Jungkook to realize na hindi lang si Taehyung ang taong nagpapaikot ng mundo niya. Pero paano mare-realize ni Jungkook 'yon kung ayaw niyang kalimutan ang nakaraan? Kung patuloy parin siyang nabubuhay sa alaala na iniwan sakanya ni Taehyung?" He says.

"He wants Jungkook to create a new start, I assumed sinabi 'yon ni Seokjin sayo." Tumango ako sa sinabi niya.

"I understand him now hyung, ang masakit lang saakin ay itinago niya at wala siyang sinabi saakin tungkol sa past ni Jungkook." I said and he smile faintly.

"What if sinabi sayo ni Seokjin ang tungkol sa past relationship ni Jungkook, will you still date Jungkook?" Hindi ako makasagot. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Susugal ba ako kapag nalaman ko sa simula pa lang na may iba parin siyang mahal? Na hindi parin ito maka-move on sa dati niya?

"Sa tingin ko, 'yun ang rason niya kung bakit hindi niya 'yon sinabi sayo dahil alam niyang hindi ka susugal." Sambit niya at tumango ako, he's right. Kung sinabi saakin ni Seokjin ang lahat sa tingin ko ay magbabago ang pagtingin ko kay Jungkook.

"Seokjin is not an idiot to let you date his brother kung alam niyang hindi mo siya mahal. Sa tingin mo, bakit siya nag pretend na walang alam sa nararamdaman mo sa kapatid niya? It's because he was observing you." Nagtataka din ako noon kung bakit wala siyang sinasabi saakin at hinahayaan niya lang akong magtanong tungkol sa kapatid niya.

"Gusto niyang makasigurado na sure ka sa feelings mo, Jimin." now I feel bad for accusing Seokjin na ginagamit niya lang ako.

"Seokjin planned your date dahil gusto niyang makilala ka ng kapatid niya and he was hoping that you guys will give it a try. That was only his plan, Jimin." Tumango ako sakanya. He's right. Kung hindi sana ako nagpadala sa emosyon ko ay sana naging maganda ang pag-uusap namin ni Seokjin. Sana mas lalo ko siyang naintindihan.

"Wag mong isisi sakanya ang lahat, Jimin. Seokjin suffered too, sana intindihin mo siya." I smile faintly and nodded.

"What I did isn't right hyung." I admitted, "I blamed Seokjin for everything, binuntong ko sakanya ang galit ko at sobra akong nagsisisi sa ginawa ko." Sambit ko, napansin kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Kung may dapat mang sisihin ako 'yon." Sabay turo ko sa sarili ko.

"Pinili kong makasama siya, hindi ko pinakinggan si Hobi. Naging matigas ang ulo ko. Kaya naman tama lang na tapusin ko na to." Pasimple kong bulong.

"Jimin ah, I want to let you know na walang kahit na sino saatin ang nakakaalam sa nararamdaman ni Jungkook. You've been ignoring him, dapat kausapin mo siya. Hindi mo dapat sinasarili ito. Wag kang padalos-dalos sa mga decisions mo." He said.

"You should talk to him. Sakanya dapat manggaling ang sagot, if he still love him." He convinced me.

I sighed heavily.

"Kakausapin ko si Jungkook pero makikipag hiwalay ako sakanya." Hindi siya umimik at iniwas niya ang tingin niya saakin.

"A-are you sure about this?" I muttered, yes.

"Please understand me hyung." I pleaded. He glance at me at ang lungkot-lungkot ng expression nito.

"Siguro ay hindi mo parin alam." I frowned, hindi alam ang alin?

"Jimin ah, about Jungkook." Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan.

"What about him?" I asked him, I bit my lower lip. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"We tried to call you that day but you won't pick up your phone." May nangyari bang hindi maganda kay Jungkook? Bakit ang lungkot-lungkot ng boses ni Namjoon?

"What happened to him?!" I asked him pakiramdam ko ay namumuo ng luha sa mga mata ko.

"Jungkook is in the hospital." I paused for a moment.

"W-what?"

"He got stabbed last two days ago." My eyes widened.

Dating Jeon Jungkook [Jikook] || TAGALOGWhere stories live. Discover now