Dahan-dahang gumalaw si Cyril nang maramdaman ang pangangawit ng leeg. Kumurap-kurap siya para ma-adjust ang paningin sa liwanag bago binalingan ang katabi niyang may nakakahalinang halimuyak. He was greeted by a beauty that's sleeping lovingly.

Marahang hinipan niya ang mga nakatabing nitong buhok. He smiled when she moved and rubbed her nose. Sa mga pagkakataong wala itong ginagawang kakaiba, tingin niya ay siyang panahong napakaganda ni Krit. Nagagawa kasi nitong ituon lang niya ang atensyon dito at wala nang pakialam sa paligid niya. Na parang wala nang iba at sila lang.

"Sweetie..." he whispered.

Buti at napakiusapan ni Cyril si Neril na ito ang um-attend sa isang conference sa New York. Nang sabihin niya kasing sasama siya kay Krit para makilala ang pamilya ng babae, walang pagdadalawang-isip na um-oo ito. Kung hindi, walang pagkakataon na gaya nang sa mga oras na iyon. Walang pagkakataon na maaabutan niya itong tulog at inosenting-inosenti sa dulot nitong kakaiba sa kanya. At wala itong kamalay-malay na sa presensya lang nito, kakaibang tibok ang nangyayari sa puso niya, na pabilis ng pabilis sa bawat segundong lumipas.

Pinag-piye-piyestahan ng mga mata niya ang magandang mukha ni Krit nang humito ang bus. May mga nagsi-akyatan na may mga dalang paninda. His protective instinct rose up. Mabilis na tumayo siya, marahang binuhat si Krit at saka inupo sa window side kung saan siya nakaupo mula kanina. Buti at malalim itong matulog kaya hindi nagising.

"Boss, mani po?" alok ng tindero sa kanya.

"Hindi-"

"Mani... mani..." mahinang sabi ni Krit. Napabaling siya rito dahil akala niya ay gising na ito. Subalit mahimbing pa rin ang pagkakatulog nito. "Mani..." ulit nito na ikinatawa niya pati ng lalaking nagbebenta.

"Sige. Bigyan mo ako."

"Naglilihi ba, boss?" tanong ng tindero. A wide smile formed on his lips upon hearing it. Napag-alaan pa yatang asawa niya ang dalaga at buntis.

"Wala pa namang balita. Pero baka gusto akong e-sorpresa. Uuwi kami sa kanila ngayon." pakikisakay ni Cyril. Dapat hindi iyon malaman ni Krit. Baka masapak siya nito at sabihan na makapal ang mukha.

But that wasn't a bad idea either. Gusto na nga ng mga pamangkin nila na magpakasal sila.

"Mabuti iyan, boss." inabot na nito ang supot sa kanya. "Magpakarami kayo."

Muling umandar ang bus. Inayos naman ni Cyril ang posisyon nila ni Krit. He wrapped his arms around her shoulders. And that not-wanting-to-let-her-go feeling consumed him. Parati naman. Kapag hawak niya ang kamay nito, he wanted to keep it the whole duration they are together. Gusto niya, siya lang ang hahawak 'nun. Kung pwede lang iuwi niya ito mismo. A possessive attitude he never ever had in his past relationship.

But he desired of taking it slow. Krit is no ordinary inside of an ordinary lady that's why he's buying all the time in the world of getting to know her and making her fall for him. Hindi ito gaya ng mga nakilala at nakakasalamuha niya. Gusto niya, perpekto ang lahat sa pagitan nila mula sa pagkilala rito hanggang sa maging kanya ang dalaga na sisiguraduhin niyang sa huli ay doon sila papunta.

Cyril bet on it, of having her in his life. But the most important on building a relationship is a moment worth lasting. Hindi dapat minamadali. Dahil ang bawat sandali ay magiging isang paalala kapag sinubok ang magsing-irog ng tadhana. Ang masasayang sandali ay magsisilbing pundasyon para hindi basta-basta mabubuwag ang binuong relasyon. Na wala sa kanila nang babaeng huli at pinakamatagal niyang naging nobya kaya kahit nakaplano na lahat, naglaho ang mayroon sila na parang bula.

KARMA'S Appetite Series 1: Chef Krit  (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें