"Hindi naman sila counted."

"So, Sir Cyril Vergara, bakit nandito ka pa sa Davao gayong akala ko nasa Manila ka na?"

"Mas gusto mo bang mag-sir sa akin kaysa Cyril na lang? I'm not really that old, you know."

"Twenty eight?"

"Magkano ang ibabayad ko sa'yo for guessing it correctly?"

"Huwag mo nang bayaran ang kinain mo. That's all." And she's indeed Lucky Krit. Parating tumatama sa hulaan.

Ngising tagumpay ang isinukli ni Krit sa akmang pag-pro-protesta nito. Alam niyang nababasa nitong ayaw niya ng 'no' bilang sagot pero nagparaya ito kapalit ang pride nito. Nadagdagan tuloy ang paghanga niya. Lalo na at nainterbyu ng lahat si Alhe tungkol dito at ang dapat na sorpresa nito kay June.

"Alright. Ikaw ang nanalo ngayon. But call me Cyril."

"Cyril." agad niyang sunod. Tunog-komportable. Tunog close.

He has a satisfied smile. "Na-cancel ang flight ko at nailipat mamayang gabi."

"Ahh."

"At hinatid ko ang mga pamangkin ko. Naisip kong dumaan na rin dito. Para makapag-hi."

"At kumain. That's good. Daan ka lang dito kahit anong oras. Dagdag iyon sa benta ko." At good health para sa mga mata niya na masilayan ito.

"You're witty."

Nag-usap pa sila. Krit liked how the way Cyril responded to her. Napaka-open nitong tao na inaasahan niyang hindi dahil nagmamay-ari ito ng isang malaking kompanyang palago ng palago. But just like Alhe said, she just needed to talk to him in full honesty. Dahil mabait daw itong talaga at istrikto lang sa una. Na hindi niya naman naranasang makita ang ganoong ugali dahil sa ipinapakita nito sa kanya.

"Salamat sa limang croissant. Sigurado ka bang hindi mo pababayaran sa akin?"

"Hahabol pa, e." she led him to the parking lot. "At maghanap ka na ng mapapangasawa mo para hindi ka na itulak ng mga pamangkin mo sa isang estranghero."

Ikinwento nito ang nangyari nang araw ng Valentine's Day at hindi niya mapigilang tawanan ang kinasuungan nito dahil sa mga pamangkin. Hindi raw kasi nito inaasahan na tototohanin nga ang sinabi kaya nakisakay lang ito sa inakalang kalokohan. At siya ang nagkataong napag-diskitahan at umayaw sa imbitasyon nito.

"Marunong mamili ang mga pamangkin ko. I regretted nothing."

Hay... Lalaki talaga ito. Straight na straight. Alam na alam kung paano gagamitin ang bibig para pakiligin ang gaya niyang walang love life.

"Ingat sa biyahe." habilin ni Krit nang nasa tapat na sila ng sasakyan nito.

"I will. Salamat ulit sa pagsabay sa akin."

"Mag-asawa ka na. Para araw-araw ka nang may kasama." tulak niyang may munting kontrang nakapa sa kaloob-looban niya.

"I will. At invited ka." Hayan, Krit! Pinatulan tuloy! "And Krit..."

"Hmm?"

"It's really nice knowing you. Hindi ako nagsisi na pumunta rito dahil nakausap kita. Unlike yesterday, may mga madaldal at singit ng singit. Hindi ako makatiyempo."

"Cute naman." depensa niya sa mga pamangkin nito para pagtakpan ang ngiti na bunga ng sinabi nito.

"May pinagmanahan."

"Agree. Sige na. Pagtratrabahuan ko pa ang pambayad sa croissant na kinain mo." pagtutulak niya. But wondering when to see him again.

"Huwag pakapagod." he opened the door of his car. "And see you."

KARMA'S Appetite Series 1: Chef Krit  (COMPLETED)Where stories live. Discover now