"A reservation under Mr. and Mrs. Cruz."

Sumunod si Cyril sa waitress na igigiya siya sa pina-reserve niyang table. Agad na humingi siya ng kape pagkaupo habang hinihintay si June at pamilya nito na tumuloy sa banyo. He roamed his eyes around. Parang nasa paboritong restaurant niya pa rin ang pakiramdam niya na KARMA'S appetite din pero sa Makati branch.

"Um-order ka na?" tanong ni June kasama si Ryan. "Nasa labas lang ang mga pamangkin mo. Nagmamasid." dagdag nito nang bigyan niya ito nang nagtatakang tingin.

"Not yet. What do you want?" he scanned the menu.

"Mamaya na. Pinatawag ko ang chef dito."

"Kakilala mo?"

"Kinilala ko." kinuha nito ang hawak niya saka inilapag sa table. "Balik tayo roon sa babae kahapon."

"Ate, tama na. Tantanan na natin at baka nadapa na iyon." saway niya na ikinatawa ni Ryan. Kanina pa ito tanong ng tanong at paulit-ulit na sila.

"Am I hearing concern?" tukso nito. Hindi siya sumagot. "O siya siya. Ito na lang. Is she your type?"

"She looks like a teacher." sabi niya imbes na sagutin ito. "Nakagaanan agad siya ni Rune at Rjune ng loob."

"Akala ko ba tantanan na natin? What's with opening new topic but still regarding about her?" when he snorted, June laughed. "I'll take that as a yes. At gusto ko na siya kasi gusto siya ng mga anak ko. At inaasahan ko na gusto mo rin siya."

"As a teacher for my niece and nephew, why not?"

"Paano ka nakasisigurong isa nga siyang guro?"

"I can tell."

Nasabi iyon ni Cyril dahil sa maliwanag na awrang pumapalibot kay Krit. Ganoon kasi ang mga nakita niyang imahe ng teacher ng mga pamangkin niya nang minsa'y masundo niya ang mga ito. Napakaamo pa ng mukha ng babae kaya lapitin ng mga bata gaya nang nangyari kahapon.

"Gusto mo bang teacher ang makatuluyan mo? Gusto mo iyon?" napahiyaw si June kasabay ng pagtayo nang akmang tatapikin niya ang kamay nito. Ang kulit lang talaga. "Sumagot ka kasi."

"What's that got to do with you? Para namang magkikita pa kami o kayo ng babaeng iyon." Sana... he ignored the tiny-winnie thought.

"Kung taga-Davao siya, hindi malayong mangyari ang sinabi mo."

"Kung ganon, sasagutin ko iyan kapag nagkita ulit kami."

Sabay silang napabaling sa labas ng pribadong silid na inookyupa nila nang makarinig ng ingay. Boses iyon ng mga pamangkin niya na parang naglalaro. Tumayo siya para sawayin ang mga ito.

When Cyril opened the door, just like the first time he laid his eyes on Krit's pretty face, everything disappeared and all his attention is only towards her, who's now surprisingly staring back at him as well.







"Take a rest."

Lahat ay napabaling sa nagsalita kasama si Krit na biglang nabuhayan. Binitiwan niya ang hawak na sandok saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan niyang si Mad at niyakap.

"Mukha kang zombie." anito nang matitigan siya.

"I know." alam niyang ngarag na ngarag ang kagandahan niya samantalang nag-uumapaw naman sa liwanag ang dating ito.

KARMA'S Appetite Series 1: Chef Krit  (COMPLETED)Where stories live. Discover now