Kabanata 28

2.3K 80 3
                                    

Kabanata 28

"Hoy Froze! Anong gagawin natin? Nawawala si Sapphire, ano ba kasing nangyari sainyo ah? Hinatid mo lang siya nawala na agad." kanina pa 'ko sinisigawan ni Scarlet kahit hindi niya naman alam kung ano yung dahilan. Kanina ko pa rin tinatawagan si Sapphire pero hindi niya sinasagot, at ngayon nakapatay naman ang phone niya. Mukhang iniiwasan niya ang tawag ko. Hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta dahil ang sabi ng mga kaklase niya, nagcutting daw si Sapphire.

"Sapphire sumagot ka." rinig kong wika ni Alexander habang nakatapat sa tenga ang phone niya. Sumenyas siyang nakapatay ang phone ni Sapphire kaya nonsense ang pagtawag namin. Napahampas ako sa table namin dito sa loob ng bahay namin dahil umuwi na rin kami matapos naming malaman na nagcutting si Sapphire. Kasalanan ko 'to e. Halos malaglag kami sa kinauupuan namin ng sumigaw si Ivonne na nasa itaas dahil magbibihis daw siya. Lahat kami nagsiakyatan sa itaas dahil inaakala naming may nangyaring masama kay Ivonne pero wala. Nasa harapan lang siya ng pinto ng kwarto ni Sapphire habang nakatakip ang bibig.

"Naglayas si Sapphire, nagtira lang siya ng konting gamit dito sa loob ng aparador niya pero the rest wala na, maging ang mga undies at mga gamit niya sa school wala rin dito." wika ni Ivonne. Lumapit naman si Hunter sa kama ni Sapphire at para bang may inaamoy roon tapos tiningnan niya ang cabinet ni Sapphire nagiba yung kulay ng mata niya tapos lumingon sa amin.

"Nanggaling nga siya rito, mga dalawang oras na ang nakakalipas." wika nito. Umupo ako sa kama ni Sapphire at tumingin sa kawalan. Anong bang trip ng babaeng 'yon at ayaw magpakita sa amin.

"Sa tingin mo, Hunter? Saan siya pupunta?" tanong ni Ivonne. Tinaasan naman ni Hunter ng kilay si Ivonne.

"Nakita ko lang ang fingerprint niya sa cabinet at naamoy ko ang perfume na gamit niya lagi kaya ko nalaman na umalis siya. Pero hindi ako manghuhula para alamin kung saan siya pupunta." seryosong sabi nito at lumabas ng kwarto. Nakita kong nagpigil ng tawa si Keila dahil nasa seryosong scenery kami ngayon. Mabuti nalang at napigilan niya.

"Hoy, Froze. Ano ba kasi talaga ang nangyari? Hindi naman maglalayas si Sapphire kung walang nangyari." tanong ni Joanne sa akin at hinawakan ako sa balikat. Tumingin ako sa mata ni Joanne pero agad ko rin namang inalis 'yon. Nakita kong nasa akin naman ang atensyon nilang lahat kaya pakiramdam ko wala talaga akong kawala kung magsisinungaling pa ako.

"Nakipaghiwalay ako kay Sapphire." sagot ko.

"Nakipaghiwalay lang pala— ano?! Nakipaghiwalay ka kay Sapphire? Isa ka talagang malaking tanga ano?" inis na saad ni Scarlet at umakmang susugudin ako kung hindi pa siya naawat ni Alexander. Tiningan ako ni Alexander ng walang emosyon habang hawak sa bewang si Scarlet na nagpipigil na sapakin ako. Anytime talaga mapapatay ako ni Scarlet mabuti nalang at pinigilan ito ni Alex. Talagang magagalit sa akin yan, bestfriend niya 'yon at alam kong ayaw niyang masaktan 'yon. Nakita kong sumama ang tingin sa akin ni Keila at nilayasan ako sa kwarto ni Sapphire. Siguro sinundan niya si Hunter. Maging si Annie na happy-go-lucky at ang pinakamabait sa amin ay umalis rin dahik sa sinabi ko. Siguradong alam nilang sobrang nasaktan ko si Sapphire dahil maski ako, ramdam na ramdam ko ang sobrang pagmamahal niya sa akin. Pero lahat ng 'yon ay sinayang ko lang.

Hinila ni Alexander si Scarlet palabas ng kwarto, naiwan sina Ivonne, Karlos, Jillian at Joanne sa tabi ko. Sumabay kasi si Veen kina Scarlet nung umalis ang dalawang ito dahil na rin siguro sa disappointment nila sakin. Siguradong malaki ang galit ng mga ito sa akin. Lalo na si Scarlet at Keila dahil malapit ang loob nila kay Sapphire, peri hindi nila maiintindihan dahil hindi naman sila ang nasa isang relasyon kaya hindi sila dapat magsalita tungkol sa akin. Lumapit si Ivonne sa harapan ko. Tinitigan niya na muna ako sa mata at halos matanggal ang ulo ko sa katawan ko dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"Kahit madalas kaming mag away ni Sapphire, ayoko pa rin nung ginawa mo. Mahal na mahal ka nung tao, kahit ayoko sa relasyon ninyo, nakakabastos pa rin sa amin 'yon." walang emosyong wika nito bago umalis ng kwarto. Nakita kong umiling si Joanne at sumunod kay Ivonne. Natira nalang sina Karlos at Jillian na kasama ko. Nakatitig sa akin ang dalawa habang nakahalukipkip sa harapan ko.

"Alam kong wala kaming karapatang manghimasok sa relasyon ninyong naputol, pero kaibigan namin kayo pareho. Ang tanga mo lang kasi prinsesa yung pinakawalan mo." wika ni Karlos bago umalis. Oo, alam na naming prinsesa si Sapphire. Alam na naming kapatid siya ni Alex at hindi si Ivonne. Alam na naming siya ang susunod na reyna ng Sky. Alam ko. Alam na alam ko.

"Ang tanga mo, pinakawalan mo si Sapphire. Alam mo bang pwede kitang sapakin ngayon dahil bestfriend ko si Sapphire? Pero hindi ko ginawa. Alam kong may rason ka, pero sana pagisipan mong mabuti ang ginawa mo. Ngayon, naiintindihan na namin kung bakit naglayas ang isang 'yon. Hayaan mo na munang kami nalang ang kumausap sakaniya. Pinapangako kong hinding hindi ka na makakalapit pa sakaniya." ani niya bago ako iwan magisa sa kwarto ni Sapphire. Napatingin ako sa picture frame na nasa gilid ng higaan ni Sapphire, ang mga ngiti niyang walang kapantay. Kahit nagbago na siya ng anyo, naging itim man ang mga mata at buhok niya na noo'y singpula ng dugo. Alam kong siya parin ang Sapphire na nakilala ko. Ang Sapphire na minahal ko. At ang Sapphire na mahal na mahal na mahal ko hanggang ngayon. Hinawakan ko ang imahe ng babaeng mahal ko, at nasaktan ko. Naramdaman kong may tumulong likido sa mga mata ko. Agad kong pinunasan iyon bago itinabing muli ang picture frame kung saan ito nakalagay. Huminga ako ng malalim bago ako tumayo sa higaan ni Sapphire. Muli kong binalikan ng tingin ang picture ni Sapphire na nakatabi sa higaan niya bago ko sarhan ang ikaw at pintuan ng kwarto niya.

Patawad Sapphire..

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon