Kabanata 22

3.3K 82 0
                                    

Kabanata 22

Tatlong araw na mula nung nakarating kami rito, may kanya na rin kaming tinitirahan na malayo-layo sa SH Academy. Hindi pa rin kami pumapasok sa tinatawag nilang Britton Academy. Magiikot-ikot na muna kami sa syudad upang makabili na rin ng mga gamit para sa pagpasok namin bukas sa Britton dahil lunes na bukas. Ang sabi ni Miss Liza, dadalhin nalang nila ang aming uniporme dito mamaya. Kaya, kami nalang ang bibili ng gamit namin at sila na ang bahala sa pera. Binigyan nila kami ng pera nung dumayo sila rito, siguro pang isang buong taon na 'yon dahil ang dami nilang iniwan sa amin pati na rin mga ATM's na may mga laman na malalaking pera. Baka ayaw na nila kaming makita.

"Ayos ka na, Sap?" Tanong ni Scarlet, lumabas na 'ko ng banyo at nagsapatos, ako nalang rin kasi ang iniintay nila dahil natagalan ako sa pagbibihis. Kinuha ko yung small body bag ko at sinukbit sa balikat ko, mukhang nasa labas na rin ang mga lalaki dahil may sarili na kaming van na binigay sa amin ni Miss Liza, marunong namang magmaneho ng sasakyan ang mga lalaki rito sa amin kaya hindi na rin kami mamomroblema sa pagpunta ng Mall, ako lang pala, dahil hindi nila alam ang daan papunta roon. Napangiwi nalang ako at nagprisintang magmaneho. Ngayon nalang ulit naulit ng makahawak ako ng manibela. Kaya ko pa naman siguro magmaneho.

Sinuot ko ang shades ko bago umakyat ng sasakyan, naka jogger short lang akong kulay gray at naka tshirt na itim na may pocket sa gilid na may design. Sumakay na rin sila sa likod habang nasa tabi ko naman si Froze. Inistart ko ang van bago paandarin rito. Chineck na rin muna kung maayos ang lagay nila bago ko paandarin ang sasakyan. Buti naman at kaya ko pa ring magmaneho ng sasakyan dahil kung hindi ay masasagasaan kami. Hindi naman gano'n kalayo ang mall dito sa lugar namin kaya sandali lang ay nakarating na agad kami roon, ipinark ko muna ang sasakyan at agad rin kaming bumaba.

"Marunong ka pala magmaneho, Sap?" lumingon ako kay Joanne at tumango. Nagumpisa na kaming maglakad papasok ng entrance ng mall, chine-check ang mga gamit namin kung may delikado ba kaming dala o wala. Hinawakan ako nung police woman at agad niyang binawi ang kamay niya kaya napalingon ako sakaniya. At tinanggal ang shades ko. Tumitig siya sa mata ko at agad na binawi yon, bago ako papasukin sa loob. Marahil ang napaso siya sa temperatura ng katawan ko, well, sinadya ko naman talaga 'yon.

"Ano-ano nga ba ang kakailanganin natin?" tanong ni Karlos at lumingon sa iba oa naming kasama. Tumingin naman si Veen sa hawak niyang gadget at lumingon pabalik kay Karlos.

"Tatlong notebooks, ballpens, at mga papel lang ang required sa Britton. Siguro hindi uso ang pagsusulat roon. " Sagot ni Veen at humalakhak sandali. Umirap nalang si Keila sa sinabi ng kaibigan niya.

"Hindi ko talaga alam kung anong ikinatawa mo, e wala namang nakakatawa sa sinabi mo." masungit na saad ni Keila. Sumimangot naman si Veen at sumagot.

"Hindi ko talaga alam kung anong ikinainis mo, e walang nakakainis sa sinabi ko." saad ni Veen at ginaya ang boses ni Keila na naging dahilan ng mas lalong pagkainis nito. Napangiti ako sa nakikita ko, ganito rin ang nangyari sa amin ni Froze dati, ang lakas niyang mangbwisit noon.

"Ikaw, yung mukha mo ang nakakainis." bago pa magkapatayan ang dalawang tao sa harapan namin ngayon, pumagitna na sakanilang dalawa si Annie at inawat sila, para na rin sigurong walang masayang na oras dito. Maayos na rin ang ginawa niya dahil maingay na nga rito sa dami ng tao, dumadagdag pa sa ingay ang dalawang ito.

Pumasok kami sa National Bookstore, kung titingnan ang mga ito, parang normal lang silang mga tao, hindi mo mahahalatang galing sila sa ibang pamumuhay dahil hindi sila kumikilos ng parang mga inosente sa mga bagay na nakikita nila. Kung tutuusin parang mas mga inosente pa ang iilang mortal sakanila. Inalis ko ang pagiisip ko sakanila at kumuha ng tatlong Notebook na may design, kulay itim ito pero may design na nagbibigay ng buhay rito. Kumuha na rin ang mga mga ballpen at mga papel na kakailanganin sa Britton. Pagtapos ay binayaran na rin namin ng sabay sabay.

"I think we should buy a cellphone to contact each other when we're not together." saad ni Ivonne. Tumango naman sila at nagsi sang-ayon sa suggestion ni Ivonne.

Nagpunta kami sa bilihan ng cellphone dito sa mall, siguro 'yon na muna ang uunahin namin bago ang mga damit na gusto naming bilhin kanina pa. Pagkatapos naming mamili ng mga cellphone ay sinave namin ang kanya-kanya naming number para kapag malayo kami sa isa't isa may contact pa rin kami. Hindi naman ako inosente sa mga ganito, at mukhang gano'n rin naman sila. Kasi kung tutuusin, mas advance ang technology sa Sky High dahil kay Sir Johnson. And speaking of Sir Johnson, kamusta na kaya sila? Sana, ayos lang ang lagay nila.

"Ayos ka lang?" Napasinghap ako ng maramdaman kong hinawakan ako sa balikat ni Froze, ngumisi ako at tumango.

"Alam mo, kanina ka pa walang kibo. Hindi naman namin mabasa ang nasa isipan mo, kung kinakausap ka, o hinihingi ang opinyon mo, puro tango at iling lang ang sagot mo. May sakit ka ba? Diba sabi ni Sir Z, tao na tayo ngayon, so ibig sabihin, yung kapangyarihan lang natin ang nawala pero mararamdaman na nating maging isang normal na tao." Alalang tanong ni Scarlet natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi, medyo naiilang lang ako sa presensya ng mga tao." Nagsitaasan naman ang kilay nila.

"Diba galing ka rito? Bakit hindi ka sanay sa presensya ng tao?" Tanong ni Karlos, siguro okay na ring sabihin ko sakanila.

"Hindi kasi ako nalabas ng bahay dahil sa itsura ko, lumaki ako sa loob lang ng bahay, hindi kasi ako katulad ng ibang tao hindi ba? Kaya wala akong lakas ng loob na magpakita sakanila, bali, walang Sapphire na nageexist sa mga tao no'ng nakatira pa 'ko rito." Pageexplain ko. Tumango naman sila ng malaman nila ang dahilan ko. Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi na ko babalik rito, pero mukhang mali e. Pero ngayon, bumalik ako dahil sa isang misyon, hindi para sa sarili ko.

Napahawak ako sa ulo ko pati na rin kay Froze dahil siya ang nasa tabi ko, nakaramdam ako ng pagkahilo at nakikita ko na nais kaming ipatawag ni Miss Liza papunta sa SH Academy dahil may nais siyang sabihin sa amin. Nalimutan kong nakikita ko ang future kaya medyo hindi ko nakontrol ang sarili ko.

"O, Sapphire. Ayos ka lang?" Tanong ni Froze habang hawak ako sa bewang at braso. Tumango ako at umayos ng tayo.

"Tara na, bilisan na natin. Kailangan nating magpunta ng SH." Nagtinginan naman sila, at tumango.

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon