Kabanata 4

12.2K 386 2
                                    

Kabanata 4

Nakahalumbaba ako sa desk ko habang naglelecture yung teacher sa harapan namin, i think it's Ms.Celestine? But she wants to call her Ms.C, hindi ako pinapatulog nung apat na apoy, halos gabi-gabi ayaw akong patulugin. Para kasing pamilyar siya. Hindi ko lang maintindihan, kung saan ko siya nakita.

"Miss Granger, are you paying attention?" Nalaglag naman yung ballpen na hawak ko kaya napaupo ako ng maayos. Halos lahat ng estudyante nakatingin sa akin, maging ang Elemental Family nakatingin rin sa akin. Yumuko ako at nag sorry.

"Pasensya na Ms.C, ilang araw na rin kasi akong binabagabag ng kung sino. Kaya wala ako sa sarili." Ngumiti naman si Ms.C at tumango.

"It's okay, siya nga pala. Ang Elemental family sasama sa akin pagka dismiss. May paguusapan tayo, that's all for today, students! Be prepared for your training. Class dismissed." Nagsi labasan naman ang ilang estudyante, hindi rin nagtagal ay kami nalang ang natira dito sa loob ng room.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng room, para bang may nakamasid sa amin kaya napatingin ako sa bintana. Nakakita ako ng anino kaya lumapit ako, pero paglapit ko wala naman. Sinilip ko ng naigi ang kabuuan ng labas, mukhang guni guni ko lang.

"Are you okay?" Naramdaman ko namang nilapitan ako ni Ms.C at nakisilip din sakin.

"Ah, opo Miss. Exhausted lang po yata ako, kaya kung ano ano ang napapansin ko." Tumango naman si Ms.C at lumapit sa kapwa ko kapamilya. Napatingin ulit ako sa bintana at iniwan 'yon, bumalik ako sa tabi ni Scarlet. Siniko niya naman ako.

"Anong meron? Parang lutang ka lagi." Usisa niya, umiling lang ako at humikab. Mukhang kaikangan ko talaga ng tulog.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Joanne, napatingin naman si Ivonne sa akin at tila parang agree sa pagtatanong ni Joanne. Tumango naman ako at nag thumbs up para alam nilang ayos lang ako.

"Sigurado ka? May sakit kaba?" This time, si Jillian naman ang nagtanong sa akin. Magkakambal nga sila, pareho silang maalalahanin.

"Oo, ayos lang ako. Kulang lang siguro sa tulog. Pero ayos lang." Ngumiti ako para makasigurado silang ayos lang ako.

"Siguro nga, namumutla ka kasi e. Kaya nagawa naming mag-alala." Sagot naman ni Alexander. Tumango naman ako at ngumiti. Bumalik si Ms.C sa harapan namin na may hawak na susi. Umalis kasi siya noong bumalik ako sa tabi ni Scarlet.

"Ano 'yan Miss?" Tanong ni Ivonne, nakita ko namang umirap si Scarlet.

"Susi, ano ba sa tingin mo 'yung hawak ni Miss C, Ivonne?" Sarkastikong saad niya. Umirap naman si Ivonne.

"Alam ko, ibig kong sabihin, para saan? Have a sense of humor please." Masungit na saad ni Ivonne. Nag smirk naman si Scarlet.

"Nagpapaka praktikal lang ako, kailangan kasi sa buhay 'yon. Prinsesa ka diba? Ba't hindi mo alam 'yon?" Narinig ko ang diin sa boses ni Scarlet nung nabanggit niya ang salitang Prinsesa, yup, alam kong prinsesa si Alexander at Ivonne. Pero nagtataka lang ako kung bakit para silang nag aaway.

"Enough, Scarlet and Ivonne. Sa harapan ko pa ba kayo mag aaway?" Medyo pataas ang tono ni Miss C doon kaya medyo napa atras ako. Naramdaman ko naman ang tensyon sa tinginan ni Ivonne at Scarlet, napalingon naman sa akin si Joanne at tumabi sa akin. Sinukbit niya yung braso niya sa braso ko at bumulong.

"Don't worry, madalas talaga silang nag aaway. Kaya parang normal na sa amin 'yon." Paalala niya, kaya napatango ako. Kaya pala parang wala lang sakanila na mag away sina Scarlet at Ivonne. Kasi araw araw naman daw 'yon. Pero di ko naman masyadong napapansin, siguro dahil hindi naman kami madalas magkakasama dahil lagi akong nasa library.

"Okay, alam niyo ba kung bakit ko kayo pinaiwan?" Tanong ni Miss C. Nagkatinginan naman kaming lahat at umiling.

"Kasi, ito na ang oras para humawak kayo ng armas na babagay sainyo." Nanlaki naman ang mga mata nila. Si Scarlet naman ngumisi lang, balita ko kasi. Isa siyang sorcerer. Pero she's special because she have a special power, nakokontrol niya 'yung lupa minsan. Pero hindi niya doon itinutuon ang atensyon niya, doon mismo sa pagiging sorcerer niya.

"Hahawak ng armas? Paano? E diba ang sabi ang armas mismo ang pipili sa amin? Paano kung hindi namin kayanin ang mapuntang armas sa amin?" Naramdaman ko ang pag aalala sa tono ni Ivonne. Oo nga, paano kung hindi namin gamay kung ano 'yung armas na mapunta sa amin? Lalo na 'ko, ni hindi ko alam kung paano humawak ng esoada, archer, o kahit ano pa. Paano na buhay ko nito? Hay! Ang oa ko.

"Kaya nga andito kaming mga guro niyo hindi ba? Anong sibli namin kung hindi namin kayo tuturuan. Sasanayin namin kayo sa paghawak ng mga armas na mapupunta sainyo. Kaya you don't have to worry." Napa-buntong hininga naman kami, na sign of relief para sa amin. Napakagat labi naman ako at yumuko.

"Ah, miss? Bakit parang ang bilis? Kaikangan agad namin ng armas?" Nahihiyang tanong ko, kaya natuon sa akin yung atensyon nila. Tama naman ako diba?

"Hindi naman ganon ka bilis 'yon, Fire. Hindi naman porket nakakuha na kayo ng armas, aaraw arawin na natin ang ensayo, ihahanda na muna namin kayo bago namin kayo iensayo. Para ready kayo sa mga bagay na pwedeng mangyari." Sagot naman sa akin ni Miss C. Napangisi lang ako ng konti at tumango. Tama, para lang handa sa mga pwedeng mangyari.

"Oh ano? Tara na?" Nagsitango naman kami at sumunod sakaniya.

Natigil kami sa isang malawak na pader. Nagkatinginan naman sina Ivonne at Joanne, maging kami ni Scarlet ay nagkatinginan din na para bang nagtataka kasi tumigil si Miss C rito. Naghikab naman si Karlos tapos naglakad papunta sa pader na tinititigan ni Miss.

"Malapit na ba tayo, Miss?" Tanong ni Jillian.

"Nandito na tayo." Sagot ni Miss. Nagkatinginana naman kaming lahat, anong ibig niyang sabihin? Eh wala naman kaming ibang nakikita kundi puro pader lang. Sa pagod ni Karlos ay umakma siyang sasandal sa pader na tinititigan ni Miss C.

"Ang pader na 'yan ay— [/blaaaag;— ang dadaanan natin." Nagsitawanan sila Scarlet ng sumandal si Karlos sa pader at tumagos na naging dahilan ng pagkatumba niya. Lumapit naman si Joanne kay Karlos at itinayo habang humahalakhak.

"Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa utak mo, pero natawa kaming lahat sa kalokohan mo." Saad ni Joanne habang pinapagpagan si Karlos.

"Anyway, tara na, para matapos na." Nagbago ang ekspresyon niya at hinila ang kakambal sa loob ng pader. Parang may isang napakalaking question mark sa ulo ko. Nagsisunuran naman sila at naiwan kaming dalawa ni Froze. Hindi siya nakatingin sa akin pero wala rin siyang imik.

"Tara na? Gaya nga ng sabi nila para matapos na." Nauna siyang maglakad, pero hindi pa siya nakakapasok. Tumigil na muna siya sa paglalakad nasa tapat lang siya ng pader. Narinig ko naman ang buntong hininga niya, humarap ulit siya sakin at hinila yung kamay ko papasok sa loob ng pader napapikit naman ako kasi pakiramdam ko mauuntog ako kapag nakadilat ako. Naramdaman ko namang tumigil siya kaya napadilat ako. Bumitaw siya sa kamay ako, at narinig ko naman ang mahinang tawa niya bago siya pumasok sa loob ng isang kwarto kung saan naririnig ko ang boses nina Ivonne. Ngumisi nalang ako at nagkibit balikat bago pumasok. May kanya kanya na silang mga armas, maging si Froze ay mukhang napusuan kagad ng isang armas rito.

Nilibot ko ang tingin ko pero mukhang walang papasa sa kagustuhan ko. Lahat sila masaya sa kani-kanilang armas na natanggap, samantalang ako. Wala. Bumuntong hininga ako at ngumisi. Balak ko sanang lumabas na muna para makalanghap ng sariwang hangin pero nakaramdam ako ng presensyang papalapit sa akin habang naka talikod ako. Agad akong humarap at hinawakan kung ano 'yon. Isang espada na nababalutan ng apoy. Ni hindi manlang ako napaso sa espadang ito. Nakita ko kung ano ang naging reaksyon ni Miss C sa armas na nakuha ko. Pero agad niya naman akong nilapitan. Tinitigan ko yung espada ko. Pamilyar kasi siya. Parang nakita ko na siya.

"Oh my god. Ang..." Hindi maituloy ni Miss C ang sasabihin niya, nakita ko ang gulat sa mata ni Alexander. At nilapitan ako.

"Ang espada ni Reyna Flame..." Pagtuloy niya, na naging dahilan ng pagkanganga ko. Kaya pala pamilyar siya, kasi nabasa ko siya. Ang espada ni Queen Flame ang mismong pumili sa akin. Ang espada ng isang magiting na bayani ng Sky..

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon