Kabanata 23

3.1K 85 2
                                    

Kabanata 23

"Ano po?! Seryoso po ba kayo dyan Miss?" Napasaklob ako sa mukha ko pagkatapos ko marinig ang gustong gawin ni Miss Liza sa amin. Seryoso ba siya? Pumayag na nga kaming ibahin ang anyo namin ni Sir Z, ngayon pati pangalan namin kailangan namin ibahin?

"Bakit naman gano'n, Miss? Pumayag na kaming ibahin ang anyo namin para lang magmukhang totoong tao kami, pero pati pangalan namin? Hindi ko na kayang sikmurain 'yon, paano kami masasanay no'n kung iba ang pangalan na gagamitin namin?" Inis na wika ko, natahimik naman si Miss Liza ng marinig ang salaysay ko. Hindi talaga siya nakakapagsalita kapag ako ang nagsasalita. Hindi ko alam kung dahil sa takot niya sa akin dahil sa ginawa ko sakaniya noon o  may iba pang dahilan.

"Oo nga, Miss. Parang hindi namin kaya 'yon." Reklamo ni Scarlet.

"Sa tingin ko may katwiran si Miss Liza." Napalingon kaming lahat kay Hunter na nakahalukipkip at nakasandal sa pader habang nakikinig sa amin.

"Hindi ba't paghihinalaan tayo kung sino tayo bakit kakaiba ang pangalan natin sakanila kung tagalog at mukhang mga pinoy naman tayo? Magtataka sila kung saang planeta tayo galing." Paliwanag niya, napatango naman ako. May point, pero syempre kailangan naming mag adjust doon kung papalitan namin ang pangalan namin.

"Hindi niyo na kailangang gumastos kasi ginagawan na kayo ng birth certificate. Pangalan nalang ang kailangan, kayo na mismo ang gumawa ng sarili ninyong mga pangalan para hindi kayo magkalituhan." Paliwanag ni Miss. Napaiwas ako ng tingin, umupo ako sa sulok at nagisip ng maayos na pangalan na pupwede sa akin.

"Ako, ay magiging si Krystel Santos." wika ni Scarlet na sinundan ni Alexander.

"Ako, Justin Zaragoza." sumunod naman ay sina Jillian at Joanne.

"Nagkasundo kami ni kambal na magiging magkalapit ang pangalan namin para halatang magkakambal kami, ako, ay magigiging si Alexandrite, at si Jillian ang magiging Alexandrote at Cuijano ang magiging apelyido namin." Tumango si Miss Liza sa magkakambal at lumingon sa iba pa naming kasama para bang nagiintay ng isasagot nila.

"Ako, magiging si Gian Ramos." wika ni Karlos na sinundan ni Ivonne.

"Ivette Zaragoza, magkapatid kami ni Alex e." gusto kong matawa sa sinabi niyang magkapatid sila pero hindi ko nalang ginawa. As if may alam sila sa totoo nilang pagkatao. Sunod na nagsalita sina Veen.

"Ako, si Kyron Villafuente." Veen

"Kathy Gomez." Keila

"Ayokong palitan yung pangalan ko, kaya Anikka Mendoza ang naisip ko para Annie parin ang nickname." Ngiting wika ni Annie.

"Daniel Villanueva ang naisip ko, narinig ko lang 'yong pangalan na 'yon sa babae sa mall kanina. Kaya naisipan kong gamitin." wika ni Hunter, sumunod naman si Froze na nakahalumbaba sa lamesa.

"Naisip ko na gawing Brix Medina ang pangalan ko." wika niya.

"Ikaw Sapphire? May naisip ka na ba?" Napasinghap ako ng marealize kong ako nalang ang wala pang naibibigay na pangalan. Ngumisi ako at tumayo.

"I will be Laurelie Camaya." sagot ko. Nagtinginan naman sila at tumango.

"Magmula ngayon, 'yan na ang itatawag ninyo sa isa't isa para walang makakalimot, maliwanag ba? Kami na ang bahala sa mga papeles ninyo sa eskwelahan. Mula bukas, magsisimula na kayong pumasok. Magkakahiwalay kayo ng section kasi ipapabantay ko sainyo ang bawat kilos ng mga kaklase ninyo." Napakunot 'yung noo ko, may mga gusto akong itanong pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. Bakit nais nilang pabantayan ang bawat kilos ng mga magiging kaklase ko? May tinatago ba sila sa'min? Hindi nalang ako umimik, pagkatapos ay lumabas na kami ng SH kasama ang sasakyan, medyo sanay na naman sila dahil madali silang makatanda ng mga nadadaanan namin kaya si Karlos— I mean, Gian na ang nagprisintang magmaneho. Siguro ay napansin niya ring bilasa ako kaya siya na ang nagprisinta. Nagpasalamat ako at sumakay sa loob ng sasakyan. Umupo ako sa tabi ni Scarlet— este Krystel sa may bintana dahil ito ang paborito kong spot maski noon pa.

"Laurelie, hindi ba pwedeng Lori nalang ang itawag namin sa'yo? Ang haba kasi ng napili mong pangalan, ang hirap pang bigkasin." Napalingon ako kay Annie o Anikka, at ngumiti. Tumango nalang ako bilang sagot, kahit ano naman ang gawin nilang nickname ko matatanggap ko.

"Kahit kailan talaga napakatipid, kala mo naman may sense kausap." Napalingon ako kay Ivette o mas kilala sa pangalang Ivonne. Otomatikong tumaas ang kilay ko at sinagot siya.

"C'mon Ivette, wala ka rin naman sense kausap kaya patas na tayo." ngumisi ako at umirap sakaniya. Nakita kong nagmake face siya bago umiwas ng tingin. Sumandal nalang ako sa bintana at hindi na sumagot. Wala namang mangyayari kung bibigyan ko pa siya ng pansin. Baka mamihasa lang siya.

Sandali pa ay nakarating na kami sa bahay na inuupahan namin. Hindi naman masyadong traffic kaya hindi kami nagtagal sa daan. Siguro ay bagot na bagot na ko kung mangyari man 'yon. Dumaretso ako sa kwarto ko at tiningnan ang aparador kong pno ng damit ko. Napalingon ako sa study table dahil may nakapatong roon. Nilapitan ko ito at nakita kong uniporme ko ang nakalagay rito. At may nakalagay na Camaya sa gilid nito, nakaclip at kulay ginto. Kulay itim ang palda naming mga babae na hindi lalagpas ng tuhod. At may puting longsleeve na may itim na parang jacket na ipapatong. Sinilip ko ang nasa ilalim nito at nakita ko ang necktie na kulay itim. Napangiti ako dahil kahit simple ay maganda ang unipormeng susuotin namin.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko dahil sa sunod sunod na pagkatok rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko dahil sa sunod sunod na pagkatok rito. Marahil ay nakita na rin nina Alexandrite ang kanilng mga uniporme kaya sila nagkakagulo sa labas, kung pagmamasdan mo sila, parang mga simpleng babae lang sila. Hindi mo aakalaing may tinatago silang lakas na hindi kaya ng isang normal na tao. Ngumisi ako at umiling dahil sa mga iniisip ko. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko para buksan ito dahil kung hindi, baka gibain ito ng mga babae sa labas.

"Bakit?" salubong ko kina Kathy, Krystel, Anikka, at Alexandrite. Hinagilap ko ang buong kwarto pero wala si Ivette, malamang, galit sa akin 'yon kaya hindi talaga ako pupuntahan no'n dito.

"Nakita mo na ang magiging uniporme natin? Ang ganda hindi ba? Hindi namin naranasang gumamit ng ganitong klaseng uniporme dahil kahit anong damit ay ayos lang sa Sky." Tila parang manghang mangha sila sa mga unipormeng ibinigay sa amin ni Miss Liza. Ngumiti ako at tumango.

"Oo, aaminin ko ang ganda nga." sagot ko kay Kathy.

"Nakakaexcite tuloy pumasok bukas, pakiramdam ko hindi ako makakatulog sa sobrang excited." gusto kong tumawa ng malakas sa sinabi ni Krystel pero hindi ko ginawa. Kahit kailan talaga ang mga babaeng ito, kailangan ko nang sanayin ang sarili kong tawagin sila sa mga pangalan namin ngayon. Napangiti ako dahil nakikita ko sakanila na sobrang saya nila sa magiging misyon namin. Sana, maging maayos ang daloy ng magiging misyon namin kahit wala talaga kaming ideya kung ano ito.

"Osya sige na, magsitulog na kayo at maaga pa tayong gigising bukas. Tama na ang excitement. Bukas na 'yon, bawal ang haggard sa school. Bahala kayo, kayo rin." tumawa naman sila at isa isang humalik sa pisngi ko. Nagpahuli si Scarlet o si Krystel, pagkatapos ay niyakap ako.

"Good night, Lori." Pagkatapos ay lumabas na siya ng aking silid.

"Good night, Krystel."

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon