"Ngiting-ngiti ka pa. 'Kala mo naman ikinagwapo mo 'yan. Flirt! Bakla!" dagdag pa ni Daddy habang sinusundan ng tingin si Randall paglagpas sa gilid ng upuan namin.

"Oh my goodness, Daddy. Please don't make a scene. Pinagtitinginan na po tayo oh. Nakakahiya."

He turned his head to me. "Sino ba kasi yun? Kaninang-kanina ko pa gustung-gustong tirisin yun. Nakikipagtawanan pa talaga sa 'yo habang naghihintay ng flight kanina. Alam ba nun kung sino mga magulang mo at kung kanino kang apo?"

I rolled my eyeballs. "Here we go again. Activated na naman yung overprotectivity mode mo, Dad. Nakausap ko lang po siya kanina dahil nalaman namin na pareho pala kami ng flight."

"Tapos sa Paris din pala punta nun ha. Baka naman makipag-date ka dun nang hindi namin alam habang nag-aaral ka. Naku, Katheryne Candice. Sinasabi ko sa 'yo ha. Di ka pa nga nakakaalis ng Pilipinas, you're already entertaining suitors."

"Daddy, hindi po nanliligaw sa 'kin yun. Nakipag-usap lang po sa 'kin yun para di mainip kanina."

"But that moron is attracted to you! Alam ko! Sigurado ako! Marunong akong bumasa ng mga kilos at kumilatis ng mga lalaking ganyan sa isang tingin ko pa lang."

"Dad, will you please calm down. Hindi po ako magpapaligaw sa kanya sa Paris. I'm going there to study. That's my priority." I held the collar of his jacket and softly patted his chest to assure him. "Tutuparin ko po yung promise ko sa inyo nina Mommy at Kuya Jemie na sa bahay ako magpapaligaw in the future para makilatis n'yo yung manliligaw sa 'kin."

"You better be, Katie. Dahil pag nalaman kong may lalaki kang ine-entertain dun, pupuntahan talaga kita at iuuwi rito sa Pilipinas. Magalit ka na sa 'kin pero gagawin ko talaga yun."

I sighed. "Hay, sayang naman yung ganda ko. Feeling ko po talaga tatandang dalaga ako dahil sa 'yo."

He smiled and put his hand on the top of my head. "You're still too young, princess. Gusto ko munang matupad mo yung mga pangarap mo para kapag nag-asawa ka na sa future, you won't have any regrets kasi fulfilled na yung pakiramdam mi dahil may narating ka bago pumasok sa panibagong chapter ng buhay mo."

Ngumiti ako sa kanya at yumakap ulit sa katawan niya.

﹏~✿**♡**✿~﹏

Pagtapak namin sa Paris ay lumakas agad ang loob ko dahil kasama ko si Daddy. Umaga pa rin doon nang dumating kami kahit mahigit sixteen hours yung biyahe namin.

"Kita mo na. Pupunta ka rito nang wala ka naman palang tutuluyan pa," sabi ni Daddy habang nakasakay kami sa taxi paglabas namin ng airport kanina.

"Nag-search na po si Mommy ng list ng mga apartments at tumawag na siya. May available units pa po siyang nakita." Kinuha ko sa bag ko yung listahan na ibinigay ni Mommy sa akin at inabot sa kanya.

"Your safety should always come first, princess. Hindi natin alam kung safe ba talagang tumira sa mga apartments na yan."

"Eh saan po ako titira?"

He took something out of his pocket and put it on my hand. "Here. Diyan ka titira sa bahay na yan."

Napatitig ako sa isang bungkos ng susi na inilagay niya sa kamay ko.

Huminto kami sa tapat ng isang taxi stand at ibinaba ni Daddy yung luggages ko mula sa compartment ng taxi. Mula doon ay naglakad kami habang hila yung mga maleta ko. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang magandang bahay.

"Wow! Ang ganda naman po nitong bahay na ito. Dito po talaga ako titira?"

"Diyan ka muna titira habang nandito ka pa sa Paris. Besides, this is just near the academy where you're going to study. Come on, let's get inside."

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now