Chapter One: Sorry

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na tinugon ang mga paninermon nila. Sa halip ay naglakad na lang ako palayo. Tumungo ako sa paborito naming tambayang magtotropa sa likod ng school. May mga puno kasi ng mahogany doon at may mga benches na ginagawa naming tambayan sa tuwing vacant time. Pero ako ang mas madalas tumambay doon dahil gustong-gusto ko ang lugar dahil makakapag-isip ka talaga dahil tahimik.

Umupo ako sa isang bench na naroroon. Katabi iyon ng maliit na batis na may mga maliliit din na isda at mga itim na susu. Naririnig ko ang mga huni ng ibon na malayang naglalaro sa mga sanga ng mahogany trees.

Pumasok sa isip ko ang galit na galit na mukha ni Luke. Sigurado akong mahihirapan akong makipag-ayos sa kanya.

Ano ba naman kasi ang pumasok sa isip ko at pinatulan ko ang panunukso sa akin ng nililigawan niya. Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan. Ay hindi pala, napaka walang kwentang kaibigan pala. Bakit kay Luke ko pa ginawa.

Alam ko nasaktan siya sa ginawa ko dahil tinuring niya na akong bestfriend pero maging siya ay hindi napalagpas ng kagaguhan ko.

'PUTANG INA MO ZION!' nag echo yun sa pandinig ko.

Natauhan ako sa mga kagaguhang ginawa ko. Yung tatlong beses kong ginawa na panunulot sa ibang tropa namin ay parang wala lang sa akin. Tinatawanan ko lang sila kapag nagagalit sila sa akin. Sabi ko nga na layuan na nila ako kung ayaw na nila akong tropahin.

Pero this time kay Luke, parang ambigat ng loob ko. Tumalab sa puso ko ang galit niya. Yun ang first time kong nakita si Luke na galit na galit sa akin. May mga times dati na nagtatampo siya pero mild lang yun. Sa pagkakataong ito kasi, iba eh. Ambigat sa pakiramdam.

Pinukpok-pukpok ko ng dalawang palad ang ulo ko. Nagagalit kasi ako sa sarili ko talaga at hindi ako kumportable sa nararamdaman ko ngayon.

Yumuko na lang ako at naramdaman ko nalang na may namumuong tubig sa mga mata ko. Nagsisisi na kasi ako at puno ng panghihinayang. Paano kung tuluyan nang lumayo si Luke sa akin? Hindi ko na yata mapapatawad ang sarili ko.

Ako pa naman ang nagturo sa kanya kung paano niya liligawan ang babae na yun. May paka torpe kasi si Luke. Ako pa nag advised sa kanya ng mga bagay na gagawin niya. Ako din pala sisira sa pinaghirapan niyang panliligaw.

Kinuha ko ang ballpen sa bag at naisipan kong magsorry kay Luke sa pamamagitan ng pagsulat nito sa bench na inuupuan ko. Hindi niya man mabasa ito, pero alam ko sa sarili ko na seryoso ang paghihingi ko ng sorry.

[Sorry na brad! Ayokong iwan mo ko ='(  -- Zi]

Yan ang sinulat ko sa bench. Hindi ko talaga maisip na hindi ko makakausap si Luke kahit na isang araw.

Sinipat ko ang relo ko at nakita kong sampong minuto na lang pala ay papasok na ang next subject namin. Kaya pinahid ko muna ang namumuong tubig sa mga mata ko at tumungo sa room.

Pag dating ko sa room ay napansin kong umiba ata ng pwesto si Luke. Magkakatabi kasi kaming walo at napapagitnaan ako ni Chris at Luke. Sa pagkakataong ito ay lumipat siya sa pinakadulo namin, napakalayo niya sa inuupuan ko. Si Jerome at Chris nalang tuloy ang nasa tabi ko. Naiintindihan ko naman siya. Galit siya sa akin.

Umupo ako ng tahimik at tinanguhan ko lang si Chris na nasa tabi ko. Tiningnan lang din ako ng ibang tropa at tinanguhan ko lang din sila. Tapos tumitingin din sila kay Luke na noon ay seryosong nagrereview.

Brad Mahal Kita Matagal Na Where stories live. Discover now