Bye, Travis | Chapter 4 *3/3*

21.6K 616 30
                                    


The Chapter 4 | The Shuffled Feelings.
3/3





Tumitig lang ako sa langit. Kahit pala talaga kaming mga lalaki may mga kahinaan din. Ramdam ko na ang pag-gilid ng luha ko pero sa di malamang dahilan ay mas pinili nitong magtago at huwag pumatak mula sa mga mata ko. Pero totoo, nasasaktan talaga ako.



Nakita ko siya na naglalakad papunta dito sa playground. Bumilis. . . Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Gusto kong maglabas ng isang magandang ngiti dahil sa nalaman ko pero mas nangingibabaw ang sakit sa tuwa.




“T-travis.”




Sinasabi ko na nga ba. . . Siya lang ang pedeng gumawa sakin nito.




Tumayo ako mula sa swing at kinapa sa bulsa ko ang keychain niya. May dahilan pala kung bakit hindi ko 'to agad naibigay kay Ree. Dahil sa hindi 'to kanya. . . masyado akong nabulag at naniwala.




“Buti naman pumunta ka.”




Ngumiti ako ng mapait at akong lakata niya ang pinaparating ko sa kanya dahila namumula na ang mga mata niya. Kaya pala. . . Kaya pala ganito.




“S-sabi mo kasi importante.”




Iniwas niya ang tingin niya sakin at nakita ko sa mga mata nia ang pagkagalit, pagkainis, pakatalo, pagkatakot at pagkalungkot. Di ko na maintindihan pero ito lang ang alam ko, na kahit anong mangyari . . . galit at nasasaktan ako.




“A-alam mo a ba?”




Nagulat ako sa sinabi niya.





Ngumiti ako, “Alam mo na pala kung bakit kita pinapunta.”




Ngumiti din siya at naramdaman ko na naman ang puso ko.





Sht.





Ak naman ang natalo at iniwas ang tingin sa kanya. Inilabas ko yung keychain sa bulsa ko at itinapon 'yun sa kanya. Nakita kong tumama 'yun braso niya. Kinuha ko din yung phone ko at iopen 'yung video.




Pero hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksyon niya.




Nakangiti siya pero nagsimula ng tumulo ang mga luha niya.




“Manloloko.” sabi ko.





Kinuha niya 'yung tinapon kong keychain sa sahig at pinunasan 'yun. Rinig naming dalawa ang pagsasalita niya sa video. Pinunasan niya ang pisngi niya pero mukhang walang balak tumigil ng luha niya sa pagiyak.




“Anong karapatan niyo para lokohin ako?!” Hindi ko alam kung bakit lumalabas 'to sa mga bibig ko. . . Masakit kasi. . . Sobra.



Naba-blanko ang utak ko.



Iyak pa rin siya ng iyak pero hindi rin mawala ang ngiti sa labi niya.





“Bullsh*t Travis.” ungol niya. Rinig sa boses niya ang lungkot at poot. “P@#$%! Minamahal lang kita. Mali ba 'yun? Panloloko ba 'yun?”





Natigilan ako. . .




Biglang nawala 'yung ngiti niya. . .




At ang tanging naririnig ko nalang ang boses at iyak niya.





“Minahal kita kaya ako naging ganito. . . Pero alam mo kung ano? Ang sakit dahil hindi kita pedeng mahalin pa!”




Iyak siya ng iyak. . .




Tama na. . .




“Hindi lang dahil hindi pede. . .Dahil mahal ko din si Rica at aykong masaktan siya dahil sa orad ng nawalan ako,  siya 'yung nandun.





Tumungo siya at nakita ko ang pagpigil niya sa galit niya, “Mahal ko si Rica. . .”





Si . . .






“Kaya mas pinili kong talikuran ka nalang.”




Pinunasan niya ang luha niya pero walang bisa dahil ng patuloy pa rin ang pagpatak nila.




“Oo, niloko kita. Pero mahal mo din naman si Rica, di ba? Ano pang mapapala ko kung ipaglalaban ko to di ba? Tako ako Travis! Talo ako! Kahit na anong gawin ko!” Ang sakit. “Kasi kahit hindi siya si Ree na nakakausap mo. . .Mahal mo din siya di ba?!”



Tama na.





Pinilit kong ngumiti, “Tama ka. Mahal ko nga si Rica.”



“See?” sagot niya. “Oh ano pang ginagawa ko dito? There's no use kung magalit ka pa sakin. Kahit sabihin mong niloko nga kita, ganito pa rin ang kakalabasan.”





Tama na.




Tumigil ka na.





“Di mo ko mamahalin, Travis.” Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad. “Wag kang mag-alala. Kung magiging sagabal pa din ako para sayo. . . Di mo na ako makikita, pangako.





Mas lalo akong natigilan. Hinayaan ko lang siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko sa sarili ko na dapat. Dapat pinigilan ko siya.





Di ko na siya makikita?




Bakit?






Bakit sobrang sakit na ng nararamdaman ko. . .








- - - - - - - - - - - - - - - - - -  - -





“T!”




Nakita ko si T na nakaupo sa swing. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun. Masaya ako pero bigla akong kinabahan nung bigla siyang tumingin sakin.




Ito ang unang beses kong nakita na ganyan siya kaseryoso.




U--umiyak ba siya?





Tumayo si T at lumapit sakin.. Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. Niyakap niya ako na parang bang. . . na para bang may nararamdaman siyang sakit at ayaw niyang sumuko sa sakit na 'yun.




“A-anong meron, T?”




Umiling siya at hinigpitan ang yakap sakin,  “Call me, Travis.”




“Ha? Hindi ba ayaw mong tinatawag kang Travis?”



“Please. . .”





“Travis.”





Ginawa ko ang sinabi niya. Bigla niyang niluwagan ang pagkakayakap sakin at dahan dahan na ding kumalas. Humarap siya sakin at ngumiti. . . isang mapait na ngiti.




“C-can you sing for me?”




Bumilis ang tibok ng puso ko. . .




“Pero...”



“Please Ree. Just one song.”





Ree na naman.




Bigla akong nanghina.




“Pero T. . .”



“I said, call me Travis.”



“Travi-”



“Sing, Ree. Please.”




Natatakot ako. . .



Ang lamig ng boses niya.



Nakakatakot ang mga tingin niya.




Nakakatakot ang Travis na nasa harapan ko ngayon.




“Bakit Ree? Magaling ka namang kumanta di ba?”



“Pero kasi T. . ”



“I said it's Travis!!”




Nagulat ako nung bigla niyang tinapon pababa sa sahig yung cellphone niya.





“Bakit Ree? Natatakot ka? Anong dapat ikatakot e diba naririnig naman kitang kumanta nun?”



“Hi--hindi a--”



“You used to sing for me every night. Hindi naman siguro masama kung kumanta ka ngayon sakin di ba?”




Lumapit si T na naging dahilan ng pagurong ko. Nakakatakot siya. .  Hindi ko maintindihan.




Bigla niya akong ikinulong sa mga braso niya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Mahigpit na yakap na iba mula sa kanina. Sinubukan kong kumalas pero mas hinihigpitan niya. .




“Nasasaktan ako, T!”





Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang dalawang braso ko.





“Sa tingin mo hindi ako nasaktan at nasasaktan sa ginawa mo?!”





Natulala ako sa sinabi niya.




Tiningnan niya ako ng masama na parang gusto niya akong patayin ng mga tingin niya.





“ANG SAKIT RICA! Pu@##%!”





Itinulak niya ako palayo.







“Inilayo mo ako sa kanya.”





K-kanya?




Si . .





“T!”




Tinawag ko siya pero hindi na siya lumingon.





Nakita ko ang luha niya.





Umiiyak si T.

Hello, TravisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon