20. Soul Mate

1.2K 31 5
                                    

"I LOVED YOU since I met you but I wouldn't allow myself to truly feel it until today. I was always thinking ahead, making decisions out of fear. Today, because of you, what I learned from you, every choice I made was different and my life has completely changed. And I've learned that if you do that then you're living your life fully. It doesn't matter if you only have five minutes or fifty years. if not for today, if not for you I would not have known love at all. So thank you for being the person who taught me to love and to be loved."

"Haist! Naiiyak na ako," reklamo ni Ella kay Breanna nang matapos ang pinapanood nilang pelikula. Linya ni Ian Wyndham na ginanap ni Paul NIcholls ang iniyakan niya dahil nakaka-relate siya dito. Lalo na sa katangang "It doesn't matter if you only have five minutes or fifty years..."

Hindi niya maiwasang maalala si Chase. Parang ganoon din ang hiling nito sa kanya noon.

"I'd rather have one day than a lifetime without you."

Kinuha niya ang tissue na nasa coffeetable at ipinahid sa kanyang pisngi. Sadyang inihanda iyon ni Breanna para sa kaninlang dalawa. Tulad niya ay mahilig din itong manood ng drama. Parang may pagka-masokista nga silang dalawa. Mahilig silang manood ng mga pelikulang alam nilang magpapaiyak sa kanila.

Tulad na lamang ngayon.

Napalingon siya kay Breanna nang marinig niyang suminghot ito. Umiiyak na din pala ito. Nasa bahay sila nito at kasalukuyang nanonood ng pelikulang If Only. Pareho kasi silang fan ni Jennifer Love Hewitt.

"Kasi naman bakit hindi mo pa siya puntahan. Tapos naman na ata ang three month rule na pauso nina John Lloyd at Bea, noh? In your case, it's been six months!" sumisinghot na sabi ni Breanna. Pinaalala pa man din nito sa kanya ang pelikulang One More Chance. Iniyakan din nila ang movie na iyon. Pinanood nila iyon noong unang beses silang naghiwalay ni Neil.

Ngunit ngayon ay si Chase na ang tinutukoy nito na puntahan daw niya.

Tama nga ito. It had been six months since she and Neil broke up. Sinadya niyang huwag munang makipagkita kay Chase bilang respeto kay Neil. The last time she heard ay umalis ito ng bansa. Iniisip niyang marahil ay nais nitong takasan ang kabiguan nito. At ang kahihiyan na rin siguro nito dahil hindi natuloy ang kasal nila.

Sa makalawa dapat ang kasal nila ni Neil. Sa makalawa dapat niya tutuparin ang ipinangakong forever dito. Dapat sana lilipat sila sa bahay na sadyang ipinatayo nito para sa kanya pagkatapos ng kasal nila. But it will never happen anymore.

Naalala pa niyang halos himatayin dahil sa sakit sa puso ang tatay at nanay niya. Imagine, muntik nang mawala ang mga ito nang dahil lang sa breakup nila ni Neil. Kapag natuluyan ang mga ito ay hindi talaga niya mapapatawad ang kanyang sarili. Mabuti at mabilis nila itong naitakbo sa ospital.

Ilang linggo din siyang hindi kinausap ng mga ito. Pero ang nanay niya ang hindi rin siya natiis. Kalaunan ay naintindihan din nito kung bakit niya iniwan si Neil.

"Mahalagang nag-iibigan ang mag-asawa, Ella. Dumaan man ang maraming away at disappointments, babalikan at babalikan ninyo ang panahon na nagmamahalan kayo. At iyon ang hahanapin ninyo sa paglipas ng panahon. Iyon at ang pananalig sa Diyos ang tanging magbubuklod sa inyo at patuloy na magtatali sa inyong dalawa."

Iyon ang sabi ng nanay niya. Umiyak siya noon dahil sa sinabi nito. Humingi na rin ito ng tawad dahil hinusgahan siya nito agad. Kalaunan ay natanggap na rin iyon ng tatay niya at maayos na uli ang samahan nila. Hiling lang ng mga ito na sana daw ay mas magaling na lalaki ang ihaharap niya sa mga ito.

"Pero sabagay, kung talagang mahal ka niya, maghihintay siya. Kung talagang para siya sa'yo, kahit gaano pa katagal ay mahihintay ka niya, Ella," pukaw ni Breanna sa naglalakbay niyang isip.

Stuck On You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon