13. The Last Goodbye

1.2K 41 7
                                    

"WHAT ABOUT LOVE? What about feeling? What about all the things that make life worth living? What about faith? What about trust? And tell me baby...what about..."

Hindi na naituloy ni Ella ang kinakanta dahil nag-uunahan na ang mga luha sa kanyang pisngi. Nanginginig na ang baba niya dahil pilit niyang pinipigilan ang maiyak uli ngunit bigo na naman siya.

Pinahid niya ang mga luha hanggang sa napagod siya. Hinayaan na lamang niyang malaglag ang mga iyon.

Kanina sa lobby ng hotel ay pinakiusapan niya si Neil na samahan siya nitong uminom nang gabing iyon. Pumayag naman ito agad dahil Sabado naman ngayon at wala itong pasok bukas. Naroon sila sa private lounge ng isang sikat na KTV bar. Kumakanta siya habang umiinom. Si Neil naman ay abala sa pulutan nito na calamares at sisig. Nakaupo ito sa tapat niya at abala sa pagkain.

Gusto niyang makalimutan ang mga eksenang napanood niya sa pagitan ni Chase at ni Reisha. Lalong gusto niyang kalimutan ang mga nalaman niya nang gabing iyon. The real score between Chase and Reisha. At ang totoong lugar niya sa buhay ni Chase.

"Iyon lang pala ang dahilan kung bakit gusto mong halikan kita kanina. Akala ko pa naman sobrang na-missed mo ako," may himig-pagtatampong sambit ni Neil nang sabihin niya rito ang totoong nangyari.

"Ayoko lang na magmukhang kawawa sa harap niya, Neil. Masyadong masakit na hindi man lang niya masabi sa akin nang harapan kung ano ako para sa kanya. Samantalang heto ako at kulang na lang ay isigaw sa buong mundo kung gaano ko siya kamahal," sagot niya rito.

Ilang minuto na rin siyang nagwawala sa mikropono. Namamaos na siya sa sabay na pagkanta at pag-iyak ngunit ayaw niyang tumigil. Pakiramdam niya ay kailangan niyang ilabas lahat ng sama niya ng loob sa gabing iyon.

"Tigilan mo na kasi 'yan. Masisira lang ang boses mo diyan sa ginagawa mo, eh," awat ni Neil sa kanya.

Marahil napapansin nito na sa halip na kumanta ay lumuluhang nakatitig na lang siya sa screen. Kanina habang nasa daan sila papunta sa KTV bar na iyon ay kinuwento niya rito ang mga nangyari nang gabing iyon.

"Bakit ang sakit-sakit pa rin? Akala ko...akala ko ready na ako. Handa na akong kalimutan siya. Ituturing ko na lang sana na masamang panaginip lang ang nangyari sa bundok. Pero heto at nalaman ko lang na may girlfriend na siya ay parang pinapatay na naman ako ng paulit-ulit," naiiyak niyang sabi kay Neil.

Lumipat ito sa tabi niya at inakbayan siya. Narinig niyang marahas itong bumuntunghininga.

"Alam mo, parehas lang tayo ng tinatanong, eh. Kung nagseselos ka na nakita mo siyang may kasamang babae ay lalo naman na ako nang malaman kong may kapalit na ako sa puso mo," sabi ni Neil.

She looked at him guiltily. "I'm sorry, Neil."

"No, Ella. I am sorry. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito. Kung bakit kahit ako ang kasama mo ay siya pa rin ang iniisip mo at iniiyakan. Kasalanan ko na binalewala kita. At ngayon, gustuhin ko man, hindi ko na maibabalik sa dati ang lahat dahil tila imposible na," nanlulumong sabi nito. He looked like someone who started a fight and yet still ended up a loser.

Tila pinipiga ang puso niya sa nakikitang anyo nito. Kahit naman sinaktan siya nito ay hindi pa rin niya gusto na nakikita itong nahihirapan. Katulad na lamang ngayon.

"Neil, hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang iibig ako sa kanya. Nangyari na lang iyon. Hindi ko napaghandaan at lalong hindi ko inaasahang masasaktan lang pala ako," hinhing-paumanhin niya rito.

Sa pagkakataong iyon ay niyakap siya ni Neil. Hindi siya pumalag. Nagpakulong na lamang siya sa mga bisig nito. Tila nakahanap siya ng kakampi sa yakap nito.

Stuck On You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon