Chapter 03: Between us (part 1)

Start from the beginning
                                    

May humabol na text. Please, Yanyan. Sorry, urgent. Thanks. Love you. Miss you. :*

Umirap ako sa screen ng cellphone ko. Nag-love you pa talaga.

"Ano? Tara."

"Tinatamad ako," sabi ko kay Jepoy.

"May magagawa ka ba laban sa kapatid mo?"

"Wala."

Ngumiti siya. Ang generous niya talaga sa ngiti. I can't believe people like him. Kung ako 'yun, ngalay na siguro ang panga o pisngi ko. Lalo akong napasimangot.

"Bakit itinext ka rin nila?" tanong ko pa.

"Para may taga-drive ka," sabi niya. " 'Lika na."

Matamlay akong tumayo. "May pera ka diyan? Wala akong dalang masyadong cash. 'Di ko alam kung magkano 'yung pinapabili ni Mi."

"May pera ako."

"Bili rin tayong..." Nag-isip ako ng gusto ko pero wala akong maisip.

"Kahit anong maisipan mo, oo, sige," sabi niya.

"Sigurado ka?"

"Yes, Diane."

Bumaba kami sa tree house.

***

"Anong tinitingnan mo diyan?" usisa ni Jepoy nang tumabi sa'kin. May hawak na siyang paperbag na may naka-stapler na resibo.

"Okay na?" tanong kong ang tinutukoy ay ang cable na pinabibili ni Mi. Siya ang pumila sa electronic store para magbayad.

Tumango siya. Nakisilip sa loob ng clothing store na hinintuan ko. "Anong meron?"

" 'Yung dress kasi..." sabi ko at itinuro sa kanya ang isang mannequin na may makulay na quilted dress, "Tingnan mo, bagay kay Iya. Magsi-spring na sa New York, masusuot niya 'yan. Magpapadala tayo ng kahon sa kanya next month, 'di ba?"

Tinitigan ni Jepoy ang damit. "Pwede, pwede. Sandali, tawagan ko si Hakob."

Nailing ako. "Ipapabili mo na naman. Tapos, ako na naman ang may kasalanan dahil may itinuro akong damit na bagay kay Iya."

"Matik 'yun," sabi niyang nakatawa. "Masaya na 'yun si Hakob 'pag nakikita niyang isinusuot ni Ishayana 'yung mga ipinag-o-overtime niya."

"Bilhin mo para sa kapatid mo. Lagot ka 'pag nalaman nina Tita na puro si Jacob ang bumibili ng ipinapadala n'yo," sabi ko. "Sumbong kita."

"Hayaan mo si Hakob sa pag-ibig niya. Sa ganyan na nga lang sumasaya 'yung tao, isusumbong mo pa."

Umiling ako. "Ikaw na lang kasi ang bumili kaysa si Denise ang pinag-aaksayahan mo ng sahod mo," sabi kong maliit ang mata sa kanya.

"Ang lakas ng imagination mo, sungit. Hindi ko ibinibili ng damit si Denise."

"Hindi raw. Taste mo 'yung mga naka-shorts eh."

Nangunot ang noo niya. "Sinong nagsabi?"

"Walang kailangang magsabi. 'Yung mga niligawan mo, lahat mahilig mag-shorts. Lahat, mahilig mag-sleeveless. Lahat, mahaba ang buhok. Yuck. Ang obvious kaya ng taste mo."

Nag-isip siya sandali tapos natawa. "Oo nga, 'no?" Umiling siya. "Hindi, nagkataon lang 'yun. 'Di ko nga napansin 'yung pagkakapare-pareho."

Lahat din malandi, gusto ko pa sanang idagdag kaso baka masaktan siya. Maaawa ako nang kaunti.

"Iba ang tinitingnan ko sa babae," sabi niya.

Babawi pa talaga siya eh. "Ano?"

"Interesado ka, sungit?"

"Actually, hindi."

"Gusto ko 'yung smart," sabi niya.

Eh 'di bakit mo girlfriend si Denise? Smart na 'yun sa'yo?

"Ano 'yang ganyang tingin?" usisa niya.

"Wala," sabi ko. "Tawagan mo na si Jacob."

Pero nagpatuloy lang siya. "Kung hindi gano'n ka-smart, okay 'yung masarap kasama."

Siguro nga, masarap kasama. Lahat ng lalaki, sumasama sa kanya eh, naisip ko.

"Gusto ko rin 'yung magaling magluto."

Pigil na pigil na 'kong paikutin ang mata ko. Ni hindi nga alam ng babae niya na ayaw niya ng mustard.

"Hindi na nga ako interesado," sangga ko. "Sa iba mo na lang sabihin 'yan."

"Saka 'yung madaling tumawa."

Bumigay na sa pagrolyo ang mata ko. "Oo. Kailangan mo 'yun. Actually, 'yun dapat ang number one requirement mo dahil walang pag-asa 'yung mga jokes mo."

Lumalapad lang ang ngiti niya kahit nagsusungit ako.

"At dapat, faithful," magaang sabi niya. "Ayoko ng babantayan ko kung sino ang kasama o kung anong oras uuwi sa bahay. O 'yung iisipin ko kung anong oras magre-reply sa text o bakit hindi sumasagot ng mga tawag."

Natahimik ako. Gusto naman pala niya ng faithful, bakit on and off pa rin sila ni Denise? Napaka-contradicting.

Pumalatak siya. "Pero walang silbi ang preferences kapag na-in love ka na. Kaya ingat ka, sungit. 'Wag kang mai-in love sa mga gago gaya no'ng kasama mo kahapon. Nakakasira ng kamao 'yun."

Inirapan ko siya. So, in love pa rin talaga siya kay Denise? Sana pala, may charge ang love na parang sa battery. 'Yung tipong kapag hindi nacha-charge, nalo-lowbat hanggang ma-dead bat. Kung gano'n sana, matagal na sana siyang naka-move on sa sumpa ni Denise.

"Hindi ako in love kay Jorem, don't worry."

"Buti naman."

"Tumawag ka na kay Jacob," sabi ko na lang.

"Sige, sandali."

Ibinalik ko ang mata ko sa damit. Bagay talaga kay Iya 'yun. Sa huling video call namin sa kanya, nagpaikli siya ng buhok para mas maikli ang oras niya sa pag-aayos. Marami kasi siyang terror professors ng third year. Puro unang subjects pa niya. Bawal siyang ma-late.

Sa tabi ng mannequin ng damit na para kay Iya, may flowy dress naman na muted blue. Bagay kay Mi.

Dahil nakikipag-usap pa si Jepoy sa cellphone, pumasok ako sa store. In-inquire ko ang bust size at waist size ng damit. Kinuha ko sa mas malaking size para kay Mi. Nagbabayad na 'ko nang pumasok si Jepoy.

"Binili mo 'yung dress ni Iya? Bibilhin ni Hakob 'yun," sabi niya.

"Hindi. Kay Mi ang binili ko." Itinuro ko sa kanya 'yung katabing mannequin. "Bagay kay Mi 'to."

"Ah. 'Yung sa'yo?"

Napatanga ako sa kanya. "Anong sa'kin?"

"Anong binili mo para sa'yo?"

Umiling ako. "Wala. Bakit ako bibili?"

"Wala kang nagustuhan diyan sa mga damit para sa'yo?" usisa niya.

Iginala ko ang tingin ko sa loob ng store—sa mga naka-hanger na damit sa racks at sa mga mannequin. "Hindi ko naisip tumingin eh. Next time na lang."

"Ikaw ang mas may kailangan ng damit dahil walang uniform sa university n'yo, 'di ba? Turo ka nang turo para sa iba," sabi niya.

Nagkibit-balikat ako. "Next time na lang. Wala akong ganang tumingin para sa sarili ko. Tara sa cake." #

Secretly (Candy Stories #2) (Published by Anvil Bliss)Where stories live. Discover now