Chapter:50-Mansion

718 21 2
                                    

*Marry Claire Asuna Sandoval*

7:30 AM

"Oh Mr. Jang bakit ka naparito sa bahay namin. kung si kent ang pinunta mo dito ay wala siya mamaya pa yun uuwi sumama kasi siya ni papa mag pa ayos ng jeep namin" sabi ko sabay patay ng gripo namin nang didilig kasi ako ng halaman ng biglang sumulpot si Mr. Jang. Nagtataka nga ako eh bakit siya andito pero naalala ko bukas na aalis dito si kent. Sa mimsong birthday niya aalis siya dito sa bahay kasi tapos na ang isang buwan niya ng pagstay dito. Ine expect ko bukas pa siya susunduin nila pero baka hindi. Parang kahapon lang masaya akong nakikipag kwentohan sa kanya. At nakikipag harutan panandaliang kasiyahan.

"I'm not here asuna for Young Master pumunta ako dito para paki usapan ka na pumunta sa mansion. Master want's to talk with you. Pwede ba?" sabi niya. Napa kunot noo na lang ako. What's for?

"Ahhh sige po Mr. Jang magaayos lang ako. Pasok muna kayo sa bahay habang hinihintay po ako." agad na pag payag ko. Gusto ko din sana kausapin si Master tungkol sa amin ni kent.

"Upo muna kayo hintayin niyo lang po ako" at inuofer ko sa kanya couch namin na kahit papaano ay di naman sira. Tinutok ko sa kanya ang electrician para di siya mainitan. At agad akong pumasok sa c.r

Saglit lang akong naligo at nag bihis pero sinisiguro ko naman na kagalang galang tignan.

Agad akong inilalayan ni Mr. Jnag papuntang kotse niya. Nag paalam muna a ako kay mama at sabi babalik din ako agad. Habang nag byebyahe ay nag kwentohan lang kami ni Mr. Jang kahit medyo masungit to ay mabait naman,

Nang nakita ko na ang malaking gate ng Verbillion Villa ay alam ko na malapit na kami. Dumaan kami sa gate at binusinahan ni Mr. Jang ang guard doon. Nag salute ako sa guard ng mansion kilala ko kasi sila. Tumahak pa kami sa napakalaking ground ng Mansion bago kami naka rating talaga sa harap nito.

As usual nasa harap ang mga butler at naka bantay kay Master. Naka line ang mga ito at dumaan si Mr. Verbillion sa gitna naka wheel chair na. Nan laki ang mata ko at agad na bumaba sa kotse.

"Master? Ok naba kayo?"tanong ko. Malungkot itong tumingin sa akin at nginitian ako.

"Ok lang ako Hija " sabi niya.

"Bakit po kayo nang madaling umuwi di naman kailangan eh maayos naman kalagayan ni kent" sabi ko.

"Alam ko iha. Nag hire kasi ako ng private investigator at alam kong inaalagaan mo siya ng mabuti" sabi niya. Nanlaki angt mata ko. At lumapit sa maid na naka hawak sa wheel chair ni master.

"A miss pwede ako na diyan?" sabi ko dito. Lumingon si master.

"Master Ok lang ba makausap kayo ng tayo lang?" Sabi ko. Tumango siya sa maid na kinakausap niya sa mga mata niya. Yumuko muna ito bago umalis at ipinaubaya sa akin si Master.

Itinulak ko ito papunta sa garden niya alam ko kasi na doon ang gustong gusto niya. Naka sunod lang ang kanang kamay niya na si Mr. Jang di mo siya mukikita pero alam ko nasa paligid lang siya.

"Master bakit mo ba ako pinatawag? May kailangan po ba kayo?" tanong ko.

"Wala lang asuna gusto ko lang magpasalamat sayo. Dahil sa kabutihang ibinigay mo sa aking apo. Alam kong naging masama ito sayo pero pinag timpian mo parin siya, at pinakisamahan ng maayos. Alam ko din na sobra kang nasaktan nung nahulog kana sa apo ko. At ang sobrang pag iyak mo. Nagpapasalamat ako sa lahat ng nagawa mo. At nag sosorry din ulit ako" Sabi niya. Napangiti na lang ako.

"Master ok lang po yun. Wala na yun sa akin at saka may malaki naman din akong utang na loob sayo. Dahil kasi sayo ay magaling na si mama. "ani ko at patuloy parin ang pagtulak sa kanya. Lumulipad ang buhok ko sa ihip ng hangin. Nakalugay lang kasi ito.

My Arrogant Young Master (NOT EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon