Simula

39.4K 421 19
                                    

Simula

Nakatunganga lang ako habang pinagmamasdan ang bisita ni lolo sa party niya. Karamihan doon business partners niya. Ganito na lang lagi, nakakabore lang.

“Uy, Scar!” napatingin ako sa nagsalita.

“Bakit Carmela?” napatayo ako at niyakap siya.

“Si…si Chi-chico?” nauutal niyang sabi. Napakagat ako ng labi para pigilan ang ngiti ko. Si Carmela ang bestfriend ng kambal kong si Chico. Ewan ko ba’t kung bakit na lang ito nauutal kapag tinatanong niya si Chico sa akin.

“Baka nandyan lang sa mga pinsan namin? O kaya sa mga babae dyan?” napatango si Carmela sa akin.

“A sige, hanapin ko lang,” aniya. Tumango ako sa kanya. Napayuko tuloy ako. Ganito na lang lagi ang nangyayari sa akin araw araw. Umattend sa ganitong mga party. Tumambay sa bahay. Makinig sa payo ni lolo. Na kailangan mong sundin ang Chinese tradition na mag-intay ng ipapareha sa’yo. Why like that? Kung hindi lang naman sa Wong wala ganitong mangyayari, kagustuhan ng kaisa-isang nilang apo.

Hindi ba pwedeng gawin ang gusto mo? Bakit kailangan pang sabihin para sa tradisyon kung palusot lang naman iyon para mapapayag ako? Dahil alam ko namang para sa business lahat ito. Porket hindi nasunod ng magulang mo kailangan ikaw ang magsakripisyo?

“Pinatatawag ka ni lolo,” bigla akong napaangat ng ulo. Bumungad sa akin ang mukha ni Chico.

“Talaga?” inirapan ko siya.

Ngumisi naman ang magaling kong kapatid, “nandyan na hata si Yuan mo,” at tumawa pa siya. Tumayo na ako at tinapakan ang paa niya.

“Yuan nila!” sabi ko

“Scarlett! “ tinakbuhan ko na si Chico at pumunta na sa may stage. Nakita ko sa taas ng stage si lolo at kinakausap si Yuan na halos mawala na ang mata dahil sa ngiti niya. Napairap ako. Aakyat na sana ako ng stage nang may humatak sa akin.

“Ma?” napakunot ako ng noo.

“Leigh baby? Are you mad at me?” nakasimangot na sabi ni mama. Inalis ko naman ang hawak ni mama sa braso ko.

“Okay lang ma,” I half smile at mama. Wala na akong magagawa. Si lolo lang ang bumubuhay sa amin. Siya nagpapakain sa amin dahil wala namang trabaho si mama. Si papa naman wala na. Hindi namin alam kung nasaan siya at tinakasan ang responsibilidad sa amin.

Ganito naman lagi, makipag-ugnayan sa  malaking kompanya, ipakasal sa apo nito at mapapalago at mapapalaki ang negosyo. Na hanggang ngayong usong uso sa mga katulad namin.

“Leigh baby, I’m still finding ways para rito,” napatitig ako kay mama.

“Let’s just welcome, Leigh Scarlett!” biglang naputol ang pagtitig ko nang tawagin na ako sa stage.

“Baby, nandito lang si mama,” hinalikan ko na sa pisngi si mama at naglakad na papuntang stage. Napairap ako ng sunduin ako ni Yuan at inalok ang kamay niya na kunin ko. Ngiting ngiti niya akong tinitigan na halos mawala na ang mata niya. Napairap ulit ako. Nang kunin niya ang kamay ko at hinigpitan niya agad ang hawak. Nanginig ang kamay kong iyon at gustong gusto ko nang bawiin pero hindi ko magawa kasi nakatitig si lolo sa amin.

Pumeke ako ng ngiti sa harap ng maraming tao rito sa party. Pinalakpakan nila kami. At ngiting ngiti sa amin ni Yuan. Of course, sisipsip sila. Dalawang malaking kumpanya at magsasama. Magiging makapangyarihan sa ibang kompanya. Bakit hindi ka pa sisipsip? Makikiusosyo?

Hinapit ni Yuan ang bewang ko. Pakiramdam ko nakulong ako sa ginawa niya. Kahit hindi pa nangyayari ‘yung sa amin..itong pagpapakasal pakiramdam ko nakulong na agad ako. Hindi na agad ako makahinga sa sitwasyon ko.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz