CHAPTER 64: HER TEARS

2.6K 75 115
                                    

AeiAei's POV

"Uhmm. Mike test. 1,2,3. Mike test."

Okay so ang lakas ko makavolunteer na mag iintermission ako pero heto at magnitude 6 ata ang kabog ng dibdib ko huhuhuhu

Lecheng mamaw kasi yun eh. Pinanindigan na wala na talaga kaming matinong usapan ng iniwasan ko?! Di ba nun magets na nagpapalambing ako? Bwisit. Kailangan ko pa ba i spell na gusto ko suyuin nya ako kasi peste nagseselos ako sa April na yun?! Pwede magets nya na nagpapabebe ako? Bwisit ang manhid ng mamaw na yun!!

So pag umiiwas ako, iiwas din sya? Bullcrap!! Hustisya sa nasaktan kong heartstrings!! Pag talaga pag katapos nitong gagawin ko at di pa nya ako sinuyo who you na talaga sya sa akin. Triggered nya na talaga ako hmmmpft. Mahihiya ang lahat ng naimbentong kasweetan sa gagawin ko. Humanda talaga sya sa akin.

Kung alam lang nyang ang tagal ko ng pinagbawalan ang sarili kong gawin to kasi ayaw ko na gumawa ng mga bagay na ginawa ko dati kay Kevin pero heto at gagawin ko na ulit para sa kanya! Kahit masakit sa part ko at matinding trauma ang tumayo ulit sa stage para lang hawakan ang mike na to, gagawin ko para lang maliwanagan na ang manhid kong iniirog bwahahahah

Kenneth Kevin Keith Dientzenhofer humanda ka sa akin! Kasing tigas ka man ng bato, kasing layo mo man ang pluto, kasing lamig ka man ng yelo at kasing manhid mo pa ang crush ng nagbabasa nito, mapapasa akin din yang puso mo at paniguradong tutulo luha mo. Bwaahahahha *insert evil laugh*

"So hi guys!! Habang naghahanda yung mga contestant  para sa next segment ng pageant, let me serenade you for a while. Enjoy!!"

Nag-ingay ang lahat especially yung mga boys namin letche may ng catcall pa bwisit. Ang inosente na ng suot kong intramural shirt ah?!

"Hahahahha wait bago yun let me say a piece of the poem I recently created. Warning medyo madrama po ito so bare with me."

Nagtawan ang mga audience kaya umayos na ko.

Hinanap ng mga mata ko si mamaw at nakita ko sya sa likod ng mga upuan at nakasandal sa may pader ng auditorium. Busy sya sa pagbabasa ng mga music sheets nila. Hmmp tingin ka naman Pyon huhuhu.

"Pang unawa giliw ang aking hiling
Nasakatan man ngunit gusto pa rin sa iyong piling
Pagtatampo ko ay pinangingibabawan ng aking pangungulila
Bumalik ka na sa akin at punasan ang namamalisbis kong luha"

Kanya kanyang reaction ang mga kaklase ko ng marinig nila ang intro ko. Tumitig lang ako kay mamaw habang binabanggit ko yung mga linyang yan. Sa wakas nagtama na aming mga mata.

"Alam kong sya pa rin
Ang laman ng puso mong kay hirap abutin
Ngunit andito lang ako sa tabi mo
mag aantay ng panahon na pwede na tayo"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya kasi ang bigat masyado ng mga titig nya. Nakakailang at di naman ako ganun ka martyr para di masaktan ng maalala ko na naman si April eh.

"Wala na akong pakialam kung ito'y di na nagtutugma
Kung ito ba'y pasok pa sa tamang sukat at haba
Ito ang pakatatandaan mo ginoo
Kahit baliktarin mo man ang mundo
Sa akin pa rin ang bagsak mo. "

Tama akin ka mamaw. Di ako papayag na ako lang ang nahulog sa ating dalawa. Kung kailangan kitang gamutin at iahon sa nakaraan mo, kahit rebound role tatanggapin ko. Gaano man yun kasakit.

"Dahil ang dalagang ito
Anatayin ka sa dulo
Ang puso mo ay mabibingwit ko
Hanggang lumuhod ka sa harapan ko
Wag ka mag alala di ko ipagkakait ang matamis kong "oo". "

She's The Gangster's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon