He can't do anything. Wala na ang asawa nya. Hindi na sya maririnig nito.

It was supposed to be a good day but it turned to a nightmare na kahit kelan man ay hindi nila in expect na mangyayari

Flashback

"Done!" nakangiting sabi ni Akira pagkatapos ayusin ang neck tie ni Thunder.

Mabilis namang hinalikan sa noo ni Thunder ang misis.

"Thank you love" sabi nya dito.

"Tara na, may school pa si Celestine at may pasok pa tayo. Handa na ang breakfast sa baba" Akira said bago lumabas ng kwarto nila.

Sinundan naman ni Thunder ang asawa at nagtungo sila sa hapag kainan.

"Good morning mommy and daddy!" masiglang bati ni Celestine sa magulang nya. Naka uniform ito dahil nag aaral na to ng kinder.

Hinalikan ni Thunder sa ulo ang anak bago kinarga ito at inupo sa kandungan nya.

"Good morning too princess. Ready for school?" tanong nya sa anak.

Nakangiti namang tumango si Celestine.

"Yes daddy, super excited ako sa mga natututunan ko" Celestine.

"Good girl. O sige na kumain na tayo. Bumaba ka na dyan kay daddy at baka ma late ka pa" sabi ni Akira habang kasalukuyang inaayos ang kakainin ng anak nya.

That breakfast went well, masaya silang nagkukuwentuhan.

Hinatid muna nila si Celestine bago nagtungo sa opisina.




Busy si Thunder sa ginagawang business proposal kaya hindi nya napansin ang pagpasok ng misis nya.

"Mukhang super busy mo love" Akira said kaya gulat na napatingin sa kanya si Thunder.

"Sorry, may inaayos kasing partnership ang HFC at S&M doon sa isang company sa europe. Big client to kaya hindi dapat makawala. Chance na natin to, to expand in that continent" sabi ni Thunder.

Tumayo na sya at lumapit sa asawa. He pulled her into a back hug. Sinandal nya ang baba nya sa balikat nito.

"Hmm ang bango talaga" sabi ni Thunder kaya natawa si Akira.

Umikot si Akira to face his husband.

"Ikaw talaga, by the way. Maaga tayo mag out mga 5 pm si Celestine kasi nagyayaya na kumain sa labas. Pwede na din tayong manuod ng movie since weekends naman bukas at walang pasok ang bata. What do you say?"

"Sounds great! Masyado ng nakakapagod at nakaka stress ang pagtatrabaho. We need to unwind atsaka baka nagkukulang na tayo kay Celestine. Dapat bumawi tayo" Thunder.

Napangiti si Akira. He's a good husband and a very good father.

Nahinto lang ang paglalambingan nila ng may kumatok.

Pinapasok naman iyon ni Thunder.
It was Luna and Cloud.

"Kuya! Aki!" bati ni Cloud.

"What brought you here?" nakasimangot na tanong ni Thunder. Nahinto kasi ang paglalambing nya sa misis nya.

"Ito naman, hindi mo ba ko namiss?" pangungulit ni Cloud.

"Hindi" plain na sagot ni Thunder kaya natawa si Luna at Akira.

"Whatever. Handa na ba yung business proposal mo for Mr. Ricci?" tanong ni Cloud.

THE FORGOTTEN ONE (My Professor Is My Husband Book 2)Where stories live. Discover now