Chapter 20 " The Wedding"

5 1 0
                                    


Shit! Hanggang 5pm lang bukas ng munisipyo.. Malalate pa yata ako kasal ko.. :'(

Bakit kasi ang traffic hindi naman na rush hour..

Tutuut.. Tutuut (Text message)

Kenichiro : babe ko? Asan ka na ba? Andito na si Taka.. At ang parents mo.. Nandito na din sila Ninong Kaloy at Ninang Estella..??? Mag 5pm na wala ka pa dito?? :(

Carmela : Naku si babe nag text na.. Shit tadtad na ako ng message nya..

Tutuut tutuut..

Ma : Anak?? Asan ka na ba?? Baka mapagsaraduhan tayo ng munisipyo.. Nakakahiya kay Mayor at sa Ninong Kaloy at Ninang Estella mo..

Naku pati si mama ang dame ng text sakin.. Hay nakakainis kasing traffic to..

Carmela : Babe sorry naipit ako sa traffic.. Andito na ako sa San Pablo medyo malapit na ako.. Sorry talaga pakisabi kina Ninong at Ninang sorry talaga at kay Mayor na din.. I love you.. ( Message Sent)

Carmela to Mama : Ma, nasa San Pablo na ako konting kembot na lang sorry talaga naipit ako sa traffic eh.. Pakisabi kina Ninong at Ninang at kay Taka sorry talaga.. Pati na din kay Mayor.. Thanks Ma.. ( Message Sent)

Ewan ko ba ng araw na un lahat na ata ng bayan na dinaanan ng bus mula Manila hanggang makarating ako ng Laguna ay traffic palage..

Babe.. Akala ko hindi mo na ako sisiputin sa kasal natin eh.. Sobrang nag alala na ako.. Sabay yakap at halik ng binatang sumalubong kay Carmela..

Halatang may lahi ang lalake na un.. Half Japanese at Half Pinoy si Kenichiro pero lumaki sya ng Pilipinas.. Pero kahit laking Pinas sya ay lamang pa din ang pagkakaroon nya ng dugong hapon.. Maputi at makinis ang kutis nya.. Malaking pasingkit ang mga mata.. Matangos ang ilong.. Mapupula ang labi.. Mukha nga syang rocker sa itsura nya.. Ndi maikakaila na gwapo ang lalakeng to.. May kaliitan nga lang kesa kay Carmela.. Kung si Carmela ay nasa 5'6 ang taas ang mapapangasawa naman nya ay nasa 5'3.

Oo araw ng kasal ko noon ngunit hindi ako naka suot ng wedding gown..Hindi ako maglalakad sa aisle habang may sweet na love song na tumutugtog sa paligid ko..  Walang singsing.. Walang handaan.. Walang mga bisita.. Hindi sa simbahan gaganapin ang kasal kundi sa isang maliit na munisipyo..Biglaan kasi ang kasalan na un.. Malayong malayo sa isang magarbong kasal na matagal  kong pinangarap sa buhay ko..

Nang araw na yun ay naka tshirt lang ako.. Naka suot ng jeans at rubber shoes.. Si Kenichiro naman ay ganun din..naka suot ng tshirt at short na lagpas sa tuhod nya at naka rubber shoes.. Walang ibang saksi sa araw ng kasal na un kundi ang mga magulang ko.. Ang kapatid ni Kenichiro na si Taka.. Ang Ninong Kaloy ko na syang nag offer ng libreng sakay sa jeep nya ng araw na un.. At ang Ninang Estella ko na syang nag asikaso ng kasal namin dahil kamag anak nya ang Mayor sa lugar na un.. Kailangan kasing maikasal kami agad.. Hindi dahil sa buntis ako.. Kundi dahil paalis na si Kenichiro papuntang Japan.

Nang mga panahong yun kasi ay mahigpit sa Japan kahit in demand ang caregiver sa kanila ay mas priority nilang i - hire ang mga may dugong Hapon or asawa ng Hapon.  Ayaw ni Kenichiro na umalis na di kami kasal. Gusto nya kasi na sabay kami mag trabaho sa Japan, gusto nyang maka sunod ako dun ng magkasama din kami agad. Kaya ayun nagpakasal kami ng biglaan.

Mahal ko din naman sya at naramdaman kong mahal nya din ako talaga kaya kahit malayong malayo ang kasal ko sa isang kasal na matagal ko ng pinapangarap ay hindi ko na naisip un.. Hindi ako nalungkot or nagdamdam.. Ang mahalaga sakin ay kinasal ako sa taong mahal ko at pinaglaban ko..  I ginive up ko ang scholarship ko sa La Salle at ang modeling career ko para kay Kenichiro. Ayaw na kasi nyang mag model pa ako medyo seloso kasi sya.. Ayaw nyang may nakakasama akong ibang lalake. At dahil mahal ko sya ay hindi na ako tumutol pa sa gusto nya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit si Taka lang ang umattend sa side ng pamilya ni Kenichiro.. Well alam ng nanay nya at mga kapatid nya na ikakasal kami.. Si Kenichiro ang panganay sa magkakapatid .. Si Taka ang sumunod sa kanya.. Dalwa lang silang magkapatid sa tatay nilang Hapon pero may mga kapatid sila sa ina.. Ang kwento sakin ni Kenichiro ay dating japayuki ang nanay nya at dun nakilala ng nanay nya ang tatay nila. Pero since entertainer ang nanay nya at mayaman ang tatay nyang Hapon ay ayaw ng pamilya ng tatay nya sa nanay nya. Ngunit ganun talaga ang nagagawa ng pag ibig. Pinakasalan pa din ng tatay nya ang nanay nya. Subalit talagang gumawa ng paraan ang nanay ng tatay nya.. Basically lola ni Kenichiro sa side ng tatay nya. Kinausap ng nanay ng tatay nya ang mama ni Kenichiro na hiwalayan ang anak nya kapalit ng malaking halaga. Tinanggap naman  ng nanay nya ang offer ng "mother in law nyang hilaw"  kaya di na nila  nakilala pa ang tatay nila ni Taka ng malalaki na sila..  Yun ang kwento kung bakit lumaki syang walang ama..

Hindi naka attend ng kasal ang nanay nya dahil baka mahalata ng lola nya na magpapakasal kami.. Ayaw pa muna kasi ng lola nya at mga kamag anak nya sa abroad na magpakasal sya dahil nga papunta pa lang sya ng Japan noon. Naiintindihan ko naman sila. Kaya si Taka lang ang nakarating ng araw na yun.. Mabait naman si Taka.. Ka close ko sya at ang iba pa nyang mga nakaka batang kapatid.. Sa larangan ng pagpapaganda ng kutis ay nagkaka sundo kami ni Taka.. Pero lalake sya.. Haha! May mga lalake lang talaga na conscious talaga sa itsura nila.

Ng araw na yun February 17, 2014 ay kinasal nga kami.. Simpleng kasal lang as in sobrang simple pero masaya ako pero ewan ko ba pakiramdam ko pa dn ay may kulang.. May mali?

Siguro ay nagtataka kayo.. Parang may mali sa kwento?? Sino si Kenichiro??? Kasal?? Babe???!

Anong nangyare??? Nagkamali ba ng sequence ng kwento??? Asan si Miko?? Si Moo???

Hindi kayo nagkamali ng kwentong binasa.. Tama ang sequence ng kwento.. Love story pa dn ni Carmela ang sinusubaybayan nyo.. Hindi lang love story kundi pati buhay nya..

Pero  sa susunod na kabanata ay ikwekwento ko ang nangyare kung bakit biglang nawala sa eksena si Miko..

Ano nga ba ang nangyare sa love story nila Carmela at Miko? Hindi ba at going strong nila? Hindi ba at kasal na nga lang ang kulang sa kanila?. Wala naman silang naging problema for 5 years?? Bakit ganto?? Bakit nag iba ang kwento?? May nagloko ba?? May nanlamig ba??

Abangan..

Sorry po sa super late update.. May nagbabasa pa ba nito??? Hehe okay lang naman kung wala.. At kung meron.. Salamat sa nagbabasa.. Medyo interesting na mga susunod na chapters.. Ibat -ibang emosyon.. Pero sana ay magustuhan nyo.. ;)






Premonition? Or Fate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon