Chapter 3 Where to go..

23 1 0
                                    

Tutuut.. Tutuut..

Ted : Carmela ready ka na? Malapit na ako sa area mo..
Carmela : Oo kanina pa ako ready.. Actually hindi ako naka tulog kasi nagwawala yung babae dito kasi ngseselos sakin.. Nag babasag ng mga baso nya..
Ted : tsk.. Naku dapat nga umalis ka na jan.. Sige text kita ulit pag nasa kanto na ako..
Carmela : sige ingat. Salamat..

Hindi talaga ako nakatulog magdamag kasi feeling ko baka sa mukha ko basagin ni Ate Melanie yung mga basong binabasag nya magdamag.. At ang walangyang Luis eh wala man lang ginawa para kalmahin ang ex girlfriend nya.. Grabe sobrang sakit ng ulo ko sa puyat at dahil nalipasan ako ng gutom.. Sana okay na yung matutuluyan ko.. Maagang umalis si Luis dahil may trabaho sya kaya di na nya ako maabutan pa..

Tutuut.. Tutuuut..

Luis : Sorry kagabi lasing na lasing ako.. Iaalis na kita jan.. Mag rerent na lang ako ng sarili natin.. Para walang gulo. Kumain ka jan nag iwan ako ng breakfast mo..

Carmela : wag na okay na ako.. Ayoko na din makagulo pa sayo.. Aalis na ako today.. Sunduin ako ng kaibigan ko.. Salamat sa mga naitulong mo sakin.. Sana magkaron kayo ng maayos na usapan ni ate Melanie.. Kasi kawawa naman sya..

Luis : matagal na kaming tapos nun.. Di lang nya matanggap.. San ka pupunta? Okay ka lang ba dun? Dapat sakin ka na lang sumama..

At hindi ko na sya nireplayan sa last message nya sakin..

Tutuut.. Tutuut..

Ted : I'm here already outside the gate..
Carmela : sige lalabas na ako.. Magpapa alam lang ako sa kanila..

Nakaalis kami ng maayos sa Parañaque.. Pero papunta kami ng Antipolo Rizal kasi dun nakatira ang auntie nya.. Mabait si Ted.. 1st time ko lang din sya ma meet pero obvious naman na mabait sya.. Security guard sya sa may SM North Edsa.. Pinakain nya muna ako bago kami bumyahe pa antipolo..

Habang nasa sasakyan kami..

Ted : Carmela may sasabihin ako sayo.
Kinabahan ako.. Pero pilit pa dn ako nag smile sa kanya at di ko pinahalatang kinakabahan ako..

Carmela : ano yun?

Ted : kasi ano.. Strict yung auntie ko.. Di ka basta basta patutuluyin nun unless sabihin ko na girlfriend kita.. Kailangan nating magpanggap na magka relasyon para maka stay ka dun. Mabait naman aunie ko strict lang talaga.. Pero pag weekends naman dadalawin kita.. Sa dorm kasi namin bawal ang babae eh.. Okay lang ba?

Napaisip ako.. Naku panibagong pagpapanggap na naman.. Di nga ako sanay mag sinungaling baka mamaya mahuli na naman ako.. Pano na kaya to? Pero ndi pwede..hindi ako pwedeng maging choosy kasi ako ang nangangailangan ng tulong.. Sige bahala na kung saan mapadpad..

Carmela : sige walang problema.. Salamat Ted..

Grabe sobrang layo pala ng lugar na yun.. Mula Parañaque papuntang Antipolo.. Ang sakit na ng paa ko kinalalakad dahil naka heels ako.. Sobrang init pa.. Kaya sunog na sunog ang balat ko sa ilalim ng araw.. Tapos paakyat pa yung lugar nila.. Sobrang gutom na ako.. Mag 1pm na ng makarating kami sa bahay ng auntie nya..

Ted : Auntie.. Andito na po kami.. Si Carmela nga po pala.. Girlfriend ko..
Carmela : hello po magandang hapon po..
Auntie : kumain na kayo? Kumain muna kayo at ng makapag usap tayo..
Ted : sige po Auntie..

Carmela's POV
Naku mukhang mataray nga ang auntie ni Ted.. Parang di ata ako tatagal dito ah.. Pano ba to.. Mali ata napuntahan ko.. Mamaya ko na nga iisipin. Gutom na ako talaga.. Kakain muna ako.. At bahala na..

Natapos na din kaming kumain..magkatabi kaming naupo ni Ted sa sofa.. Inaakbayan nya ako acting as boyfriend nga naman talaga.. Sa harapan naman namin ay nagmamasid ang auntie nya.. Tinitingnan ako mula ulo hanggang paa..

Auntie : ija ano ba ang naisipan mo at umalis ka sa inyo? Taga saan ka ba? Nagtanan ba kayo ni Ted?
Carmela : naku! Naku! Hindi po
( di ko lang masabing hindi po talaga kami magkarelasyon pano naman kami magtatanan)
Umm may family problem po kasi ako.. Kaya umalis ako sa amin..
Auntie: Sigurado ka ba? Baka naman buntis ka? Nabuntis ka ba ni Ted? Ilang buwan na yang chan mo?? Magsabi kayo agad.. Para mapuntahan ang pamilya mo at makausap..
Ted : Auntie! ang advance mo mag isip.. Hindi sya buntis at hindi kami nagtanan.. Kailangan lang nyang umalis muna sa bahay nila.. Mabait naman si Carmela at ako ang gagastos sa kanya habang nag sstay sya dito.. Kailangan lang nya ng bahay habang maghahanap sya ng trabaho..
Auntie : Sakin walang problema.. Pero ayoko ija na idadamay mo sa problema yang pamangkin ko.. Mabuti pa ay isoli ka namin sa pamilya mo..
Carmela : naku! Wag po .. Ayoko po umuwi samin.. Mag uusap po muna kami ni Ted..

At sinenyasan ko si Ted na mag usap muna kami..

Carmela : Ted mukhang ayaw ng auntie mo ako dito eh.. Ayoko umuwi samin..
Ted : hindi ganun lang talaga yan.. Pagpasensyahan mo na.. Matandang dalaga kasi eh kaya mataray.. Pero mabait yan pag naka sundo mo..

Hindi pa dn ako mapalagay kaya nag gm ulit ako sa clan namin at sinabi ko kay Ted yun.. Wala naman syang sinabi about it kasi alam nya di din ako comfortable sa auntie nya.. Maya maya pa ay..

Ted : Carms..haba kasi ng name mo.. Carms na lang nga tatawag ko.. Okay lang ba?
Carmela : sure walang problema..

Sa dame dame ba naman kasi ng pangalan na ibibigay sakin ng mga magulang ko bakit "Carmela pa?"
Literal na sobrang gasgas na yang pangalan ko sa mga drama sa TV. Ayoko talaga sa pangalan ko.. Nababantutan ako.. Sana man lang may 2nd name di ba? Like Marie Carmela.. Or sana hindi na lang Carmela.. :(

Tutuut.. Tuutuut

Miko : hey Ted where are you guys? Nakahanap na ba kayo ng matutuluyan ni Red butterfly?

Ted : wala pa nga pre eh..

Miko : Sige kung wala pa, dito na lang muna sa condo ko.

Ted : sure ka pre?

Miko : Yes , dadating naman si mom later ipagpapaalam ko na lang. Kawawa naman kasi sya walang matutuluyan. Babae pa naman..

Ted : naku oo nga eh.. Eh halos manyakin nung una nyang ka meet. Yung tunuluyan nya sa Parañaque.

Miko : Yeah , she's beautufil so guys  will surely take advantage of her..
Punta na lang kayo dito sa may Vito Cruz. Dito ako nag cocondo.. I'll wait for you guys infront of Starbucks. Malapit sa La Salle Taft.

Ted : sige tol.. Magpapa alam lang kami sa auntie ko at derecho na kami..

Miko : Sige text na lang kayo pag malapit na para masundo ko kayo.. Ingat..

Ted : oi carme kina Miko daw pwede.. Pagpapaalam lang daw nya sa mom nya na kung pwede mag stay ka dun.

Carmela : talaga?? Naku salamat ah.. Sana mabait naman ang mom nya..

Ted : mabait naman siguro kasi mabait naman si Miko.. Tara na magpaalam na tayo kay Auntie..

Auntie : sure na ba kayo? Ayaw mo ba talagang umuwi sa inyo ija?..

Carmela : okay lang po ako.. Ayoko po muna talaga umuwi samin.. Salamat po at pasensya na po naabala namin kayo ngayon.

Auntie : wala yun.. Sige mag ingat kayo sa byahe..

"Salamat poh" sabay namin nakangiting sinabi sa tita ni Ted..

At umalis kami ng bahay ng Auntie ni Ted.. Sobrang pagod na ako nun.. Pero magulo pa din ang isip ko..

"San na naman kaya ako mapapadpad nito? Mabait kaya mommy ni Miko?.. Ano kaya maabutan ko dun?.. Ganto pala kahirap dito sa Manila.. Pero di ako pwede sumuko.. Umalis ako sa amin at kailangan kong panindigan to.. Sana okay lang sila mama dun.. :'(
Sana makahanap na din ako ng matinong mapupuntahan.. sana this time hindi ko na kailangan magpanggap na pinsan or girlfriend.. Epic fail kasi palage eh.. "

Premonition? Or Fate?Where stories live. Discover now