Chapter 6 " This is it"

25 1 0
                                    

Maagang bumangon si Carmela at si Miko para sa lakad nila ng araw na yun.

Miko : Goodmorning.. Ang aga mo magising ah. Ang lapit lang naman ng pupuntahan natin. No need to rush.

Carmela : goodmorning din kuya.. Okay lang mas okay na mas maaga tayo. Para maaga din tayo makatapos.

Miko : Sabagay may point ka.. Oh basta galingan mo. I know you can do it. Kumain ka ng madame para di ka gutumin sa interview mo..

Carmela : Opo kuya.. Thank you.. Matatapos na po ako mag prepare..

Miko : Wow! You look really amazing.. For sure may advantage ka na agad. :) dadame ang customer ni Henry Sy kung ganyan kaganda ang sales clerk nila.. :)

Carmela : haha.. Puro ka bola kuya.. Kinakabahan na nga ako eh..

Miko : well don't be.. I'm just telling the truth you know.. "nakangiting sambit ng binata sa dalaga"

Maagang nakarating sa SM Harrison sila Miko at Carmela sapagkat walking distance lang naman to sa area na tinutuluyan nila..

Habang nag hihintay ang dalaga na tawagin sya.. Mapapansin na di sya mapakali...

"Haist kinakabahan talaga ako..  Ano ba to.. Di ako mapakali.. Sana mabait talaga mag interview sakin.. Ganto pala ang itsura ng back office ng SM. Grabe bihis na bihis yung mga kasama ko nag aapply.. Hindi tulad sa probinsya kahit naka tshirt at jeans ka lang pwede ka na sumabak sa interview.. Dito pabonggahan ng damit.  Buti na lang pala at binilhan ako ni kuya Miko ng damit.. Kaya ko to.. Kaya ko to! "

HR : Miss Carmela De Los Reyes?

Carmela : Yes ma'am

Tumagal din ang interview ng kalhating oras . Nasagot naman nya ng maayos ang mga tanong sa interview.. Ngunit hindi pa din sya kumpyansa sa sarili na naipasa nya ito.. Lalo na at naririnig nya mga usapan ng mga kapwa nya aplikante..

Aplikante 1: Grabe ang hirap naman ng interview.. Feeling ko di ako papasa dito.  Nakakainis kasi bakit ang hihirap ng tanong?! Tell something about yourself pa lang na mental block na ako!

Aplikante 2 : Ako nga din.. Nakakainis ang sakin naman sabi ko mahilig ako manood ng movie.. Hala! Tinanong ako ano dw favorite ko movie at bigyan ko daw sya ng short summary nun! Nauutal na nga ako kakakwento.. Ang hirap kaya mag narrate ng English! Lagpak siguro ako neto..

Carmela : naku.. Ano ba yan.. Napaka negative naman ng mga kasama ko.  Naiihi na tuloy ako sa kaba.. Haist sana naman okay lang mga sagot ko kanina.. Okay naman lahat naman nasagot ko.. Sinunod ko din mga advice ni tita sakin.  And naka smile ako mula sa simula hanggang matapos ang interview .. Halos mangawit na nga panga ko eh..

HR : Miss Carmela De Los Reyes?

Carmela : Yes ma'am

HR: come here inside.. Have a seat..

Carmela : thank you

HR : Congratulations! You've passed your interview.. You'll be starting on next Monday but be sure to submit all the requirements on Friday. I'll be giving you the list later.

Carmela : naku! Talaga po? Ooopps sorry.. Thank you Ma'am!

Tuwang tuwa si Carmela ng makapasa sya sa interview.. Para syang tumama sa lotto at the same time nabunutan ng tinik sa dibdib.. Sa wakas ay natapos na din ang kaba nyang kanina pa nya tinitiis..

Tutuut.. Tuutuut..

Miko : how was it? May result na ba?.

Carmela : kuya Miko.. :'(

Premonition? Or Fate?Where stories live. Discover now